Pages

Friday, April 18, 2008

Limbo Rak!

Saka na.

Anong petsa na?

Wala pa ring plano. Walang balak. Walang desisyon. Walang direksyon.

Meron lamang destinasyon subalit walang patutunguhan ni paroroonan.

Maglalakbay sa kabilang ibayo ng mundo.

Pagkatapos, ano?

Sana hindi lang nagtapos sa kolehiyo. Para may allowance. Para may tirahan. Para may libro.

Ayaw magtrabaho.

Gusto’y tumanga maghapon. Magpakalunod sa musika, libro, at mga ideya.

Pero sabi nga ni Minerva (Minerva, Vim Nadera), "Ayaw kong hindi magtrabaho dahil ayaw kong maging walang silbi."

Patay kang langaw ka.

No comments:

Post a Comment