Pages

Tuesday, June 24, 2008

Choke (Chuck Palahniuk)

Hindi perfect 5 ang ibinigay ko dahil nauna kong nabasa (at natapos) ang Rant. Sa aking pagmumuni-muni nabuo ang aking agam-agam na hinango ni MASTER Chuck ang ilang bahagi ng Rant sa Choke (at para sa kaalaman ng lahat, ang Choke ay mas naunang nailimbag).

Sa Choke, ipinalabas na ang bida ay napaniwalang siya ang bagong Jesus Christ. Nabanggit ang tungkol sa Holy Trinity ng mapagpanggap na si Dr. Paige. Ika nito kay Victor, "You are your mother's husband", na siya ring paksain sa Rant.

Parehong may pagka-futuristic ang dating ng dalawang libro.

Kung sa Choke, si Dr. Paige ay isang robot sa panahong 2032 (yata?) na bumalik lamang sa kasalukuyang panahon para magsagawa ng eksperimento, sa Rant naman ay nabanggit ang time machine at sang-ayon sa kwento ng Historian, si Rant ay nabuo sa pamamagitan ng orihinal na Rant na kanyang sariling lolo sa tuhod. Mula nanay hanggang lola ng nanay ni Rant, walang nakilalang asawa ang bawat isa sa kanila sa kadahilanang iisa ang Rant, ang tanging source ng sperm (something like that).

Basta, pag si MASTER Chuck ang nagsulat, out of this world. Hindi mo mapipigilang matangay sa kanyang kawirduhan.

"I do not know how you call it. EXTREME was the first word that came to my mind." (Viola Flies, ripped)

4 STARS lang ang binigay ko dahil sa pahuling bahagi ng kwento, parang minadali ang pangyayari. OK yung tampok na bahagi pero pagdating sa kakalasan, parang kulang. hindi ako na-convince sa agad na pagbabagong pinakita ni Victor sa pagyakap niya sa paniniwalang siya nga ang bagong Jesus Christ pagkatapos ay matutuklasan niyang niloko lang siya ni Dr. Paige. Napailing din ako nang aminin ni Dr. Paige na isa siyang robot na nabubuhay sa panahong 2032 (yata?).

"I do not know how you call it. PREMATURE was the first word that came to my mind." (-Viola Flies, ripped)

Ayun. Parang ganun yung dating nung part ng story saken. (Or was it just with me? Whatever.)

SIDENOTE: I was so captivated by the cover design.

****

AAAAAARGHHH! bakit ba ako infested ng mga books-turn-into-flicks?!

"Choke, the film, will be in movie theaters on Sept. 26, 2008." Blah blah blah.

Go google the trailer.

'Nyeta. Bakit ang tatanda na ng mga gaganap. Ayoko. Ayoko manood. Mas maganda ang nasa imagination ko.

No comments:

Post a Comment