Tuesday, June 10, 2008

Reklamador

Ikatlong araw na mula nang lisanin ko ang Four Points para tumawid sa panibagong tirahan ko sa loob ng isang linggo. Nandito ako ngayon sa barracks kung saan pinalilipas ko ang araw sa pamamagitan ng paglamon at pagtulog. Hindi ko magawang lisanin ang silid na ito dahil tiyak na matutusta ako ng buhay kung sakaling tangkain kong lumabas para mamasyal. Sa sobrang tindi ng init ng araw sa labas, ang tanging bagay na maaari kong gawin ay manood ng Southpark DVDs para patayin ang oras at hintayin ang pagsapit ng gabi bagamat mahaba ang araw ngayong tag-araw at ang alas otso ay mukhang alas kwatro pa lamang ng hapon.

Mayroon umanong 101 museo dito sa DC at ang naunang plano ay libutin ang lahat ng ito sa loob ng isang linggo. Subalit bunga na rin ng hindi inaasahang di-kaiga-igayang panahon, dalawang araw na akong nakakulong dito sa loob ng kwarto.

Apat na araw akong naglibot sa New York at sa loob ng apat na araw na iyon, ang tanging masasabi ko ay, hindi siya ang New York na aking pantasya. Litaw ang ironiya. Sa kabila ng nagtataasang mga gusali, maraming homeless. Marumi. Andaming nagkalat na basura sa tabi ng mga kalsada. Napakaraming tao. Idagdag pa ang mga nagdadagsaang turista sa panahon ngayon ng tag-araw. Higit sa lahat, walang public CRs. Nang minsang kinailangan kong gumamit ng palikuran dahil sa sobrang lamig, kinailangan pa naming sumakay ng subway para balikan ang isang istasyon, ang Penn station, kung saan merong CR. At ang ipinagmamalaking Manhattan mall sa mga patalastas sa brochure, nirerenovate nang aming madatnan. Nang marating namin ang CR nito, voila! Bulok. Ang tanging pinagkaiba lang nito sa CR ng SM eh may flush at tissue bawat cubicle. Walang sinabi sa mga luxurious CR ng Dubai.

Sang-ayon ako sa sinabi ng isa sa mga naging tour guide namin doon: "If you're not working here, then New York's not for you." Something like that.

Para sa akin ang ultimate tourist attraction sa New York ay ang rush hour, mapa-subway man o mapa-pedestrian. Saktong-sakto sa isang eksena sa pelikulang Enchanted.

Ewan ko rito sa DC. Like I said, I'm trapped in a room, avoiding the frickin' heat of the sun. Must be like 90 degrees.

0 comments: