Tila isa siyang kung anong kahiwagaang nagbukas sa pinto ng aking pag-aagam-agam. Isang palaisipan noong aking kamusmusan.
Ang bunyip.
Ang kwento niya’y hindi nabura sa aking isip na para bang sinadyang iukit para hindi ko makalimutan hanggang sa paglaki ko, at marahil hanggang sa pagtanda na rin.
Hindi. Hindi ko siya paborito. Walang espesyal sa kanya ni sa kanyang kwento. May kakatwa lamang. Pero hindi ko matukoy kung anong kakatwang bagay ang napansin ko sa kanya. Gaya ng isang napadaang wallaby, hindi ko siya napagmasdang mabuti.
***
***
Dinalaw ako ng bunyip sa panaginip. Nandoon daw kami sa sapa kung saan siya lumalagi. Nag-uusap daw kami pero siya lang yung nagsasalita at hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Hindi ko rin maaninag ang mukha niya gayong walang isang dipa ang pagitan namin; nakatayo siya samantalang ako nama’y nakatingkayad sa isang malaking batong nilulumot. Sa pakiwari ko’y ang nakikita ko sa aking harapan ay isang malaki’t madilim na lagusan. Akmang hahawakan ko na siya nang biglang tumaas ang tubig sa sapa at nagsiliparan ang mga vulture mula sa kakahuyahan sa may gawing likuran. Halos mabingi ako sa nalikhang lakas ng hangin gawa ng sabay-sabay na pagkampay ng kanilang mga pakpak. Hindi ko matandaan kung gaano ako katagal nagtakip ng tenga habang nakapikit. Parang walang katapusan. Hindi mapakalma ang hangin. Hindi ko na matagalan. Idinilat ko ang aking kaliwang mata para sumilip. Agad akong napapikit dahil sa biglang tama ng silahis ng araw. Naghintay ako ng ilang segundo saka ko dahan-dahang idinilat ang aking mga mata. Isa. Dalawa. Tatlo. Anak ng tokwa! Nakatutok pala sa akin ang bentilador.
***
“Pabili po.”
“Ano ‘yon?”
“Bunyip nga po.”
“Ano?”
“Bunyip po.”
“Ay wala kami ‘nun. Ano ba yun?”
“Tanungin mo sa lelong mong panot!”
***
Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, ako pa ang mabibiktima ng maalamat na bunyip, na ginusto ko naman dahil sa bawat araw na lumilipas ay lalong umiigting ang paghahangad kong hanapin ang bunyip. Sigurado akong sa mga oras na ito ay naglalagalag lamang ang bunyip sa mundo at di magtatagal ay darating din ang pagkakataong matetyempuhan ko ‘to.
***
“Pwede po ba magtanong?”
“Ano?”
“Nasaan po ang bunyip?”
“Ha?”
“Ang bunyip po, nasaan kaya?”
“Ano’ng sinasabi mo?”
“Di bale na nga lang po.”
“Baliw ka ba?”
“Diyan na kayo!”
“Baliw ba yun?”
“Ewan. Baka adik.”
“Mga kabataan talaga ngayon, mabilis mapariwara.”
“Sinabi mo pa.”
“Nakakabadtrip.”
***
Kilala mo ba ang bunyip?

“Excuse me, waiter.”
“Ano po ang order nila?”
“Bunyip, please.”
“Po?”
“Bunyip.”
“ Wala po kaming ganyan sa menu. Pero meron po kaming sisig.”
“Sisigin mo mukha mo!”

0 comments:
Post a Comment