Di ko namamalayan ang paglakad ng panahon.
Isang linggo na pala ako nakarating nang buhay dito sa DC. Isang linggo na ring hindi ko nasusubaybayan ang pagsikat at paglubog ng araw dahil isang linggo na mula nang dapuan ako ng circadian rhythm disorder. 5AM ako kung matulog at 5PM naman o higit pa kung bumangon. Wala nang tangha-tanghalian. Meron lamang almusal ng alas tres ng umaga at hapunan ng alas otso ng gabi.
Taliwas sa aking karanasan sa nagdaang mga linggo, di hamak na mas kapaki-pakinabang naman kahit papaano ang aking mga araw na ginugugol ngayon dito. Natututo ako at higit sa lahat,nakapagbabasa ng libro.
Pero hindi ko maitatago ang pinagtatangis ng aking kalooban. Sumasakit ang ulo ko (hindi literal) sa karamdamang dumapo sa akin. Kung i-da-diagnose ko ang aking sarili, DSPS (Delayed Sleep Phase Syndrome) ang hula ko. AT bilang isang quack doctor, ang self-prescription ko para sa aking karamdaman ay walang iba kundi... isang bote ng ice cold Smirnoff Raspberry Burst tuwing hatinggabi...

WHICH PROVED TO BE INEFFECTIVE, DAMMIT.
Dalawang gabi na akong sumasailalim sa medikasyon pero walang nangyayari. Hindi pa rin ako makatulog. Nahihilo lang pero hindi pa rin inaantok. At mantakin mo'ng natapos ko pa ang Breaking Dawn na binabasa ko nung isang gabi .
Hindi kaya peke ang flavored hard drinks na gaya nito?!
(Baka kailangan mas mataas na dose level... more than one bottle? O para sigurado, Absolut na lang. Ha!)

0 comments:
Post a Comment