Ako ay muling nagbabalik. BWAHAHAHAHA!
Ngayon ay Miyerkules, a-disinuwebe ng Nobyembre. Sa Pinas, Huwebes na ng madaling araw. Kung ano mang oras ngayon dito, +4 sa Pinas pagkatapos kabaliktaran (kung AM o PM). Kaya kabisado ko.
Bakit sa Pinas?
Sabi sa isang quote na napulot ko noon sa Inquirer, "You cannot move forward if you keep on hugging yesterday."
E kawasa. Andun ang mga kaibigan ko. Andun ang mga kamag-anak ko. Andun ang nanay ko. Andun din pati ang dating crush ko.
Andun ang buhay ko. Andun ang mga pangarap ko. Andun ang tahanan ko.
Pilipinas, mahal kita.
Oo, alam ko hindi sapat ang mga salita. Nagmumukha akong trapo at pwede itong gamiting ebidensya ng mga pakialamero't tsismoso laban sa akin. Hanggang ngayon kasi'y inaalam ko pa rin kung paano ko maipakikita ang pagmamahal ko sa kanya. Sa bayan ko. Ang nag-iisa't natatanging bayan ko.
Aaminin ko. Noon, naduwag ako kaya't sinamantala ito ng multo sa utak ko. Nang tumakas ako, inako ko ang sarili ko sa pagiging ipokrito nito. Sa loob ng limang buwan, inaruga ko sa aking kalooban ang pagkamuhi sa sarili. Pero hindi na ngayon. Unti-unti kong natuklasan na ang nararamdaman kong ito ay hindi nalalayo sa pag-ibig. Wala sa layo o distansya ang pagpapadama at pagdama ng pag-ibig. Ang paglisang ginawa ko'y hindi katumbas ng pagtatwa sa aking bayan. Sa aking pinagmulan. Sa aking kasaysayan. Bagamat ako'y nalalabuan pa rin sa aking sarili, isang bagay itong tiyak ko: hindi ko tinangkang magtaksil. Patawarin ako ng sarili kong budhi, nagpadala ako sa sarili kong kahinaan noon.
Lintik na drama 'to. Kung bakit kasi sa akin pa napunta ang ganitong iskrip sa buhay. Kung kelan nagsimula na akong matuto kung paano magpanggap na artist saka pa ako napag-trip-an ni Ted Hannah. Pa-artist na sana.
Kagabi inumpisahan kong basahin ang Survivor ni Chuck Palahniuk. Napulot ko yung isang kataga, "People don't want their lives fixed." Kasi raw kung ganun din lang naman, wala nang matitira sa buhay. Tama. Para tuloy sinasabing panay problema lang ang buhay. Totoo. Ito ang buhay; kaya nabubuhay, dahil at para sa sari-saring problema.
Kung i-a-apply ko ngayon ito sa inirereklamo ko kani-kanila lang, e di ganito: kibit-balikat. Bakit ko puproblemahin ang pinuproblema ko kung ang kahulugan ng buhay ay problema? Gayundin sa iba pang bagay. Gaya ng paborito ko: Bakit ko iisipin na malungkot ako kung pinili kong umiwas sa pagiging masaya o maligaya. Sa madaling salita, stop rationalizing. Sabi nga ni Buddha, huwag pakialaman ang mga bagay sa mundo na wala namang kinalaman sa paglago mo bilang isang tao (a.k.a. kaliwanagan).
Akala ko dati, imposibleng mangyari 'to. Ngayon, bihasa na ako sa hindi pag-iisip. Parang kelan lang nung halos masiraan ako ng bait kaiiwas sa pag-iisip. Gusto ko mag-tune out pero hindi ko magawa-gawa. Ngayon, lifestyle na.
Bilog ang mundo kaya't pwedeng paikut-ikutin at pagulung-gulungin.
Umabot sa puntong nag-rollercoaster ang utak ko para lang ma-"gets" ang realization na'to. Bagay na wala ni sa hinagap kong matututunan na ganito pala 'to. Kumbaga, sapilitang pagtanggap sa pagbabago. Sa madaling salita, ito na ang ebolusyon ko.
Kaya naman ngayon ang mga problema ko, katulad na ng sa kapwa ko. Mundane. Hindi dahil sa naubusan na ako ng idealismo. Hindi rin dahil sa alienated na ako. Sabihin na lang natin na ang kasagutang hinahanap ko noon ay kabaliktaran ng natuklasan ko ngayon. At MAS mahalaga ang ngayon.

Isang linggo na lang, drive test ko na! Aaaaack!!!
0 comments:
Post a Comment