Thursday, November 27, 2008

Routine 101

Nagising ako sa silahis ng araw. Napasobra ang adjust ko ng blinds ng bintana kagabi. Nakabubulag na liwanag ang tumambad sa aking balintataw mula sa pagkakatalukbong ko ng mala-carpet na kumot sa kapal at bigat. Parang summer ang pagkaliwanag. Nakakapanibago. Kung anong kulimlim kahapon, siyang liwanag naman ngayon. Parang pang-asar lang kahapon sa Drive Test! Paghagilap ko ng cellphone mula sa headboard ng kama, tiningnan ko ang oras. 7:40 ng umaga. Nagtaklob uli ako ng kumot. Wala akong lakad ngayon kaya balik sa dating gawi.

Routine 101.

Sa pagitan ng 11 at 12 ng tanghali ako bumabangon. Pagkatapos, maliligo. Pagkatapos, kakain. Brunch. Pagkatapos, magtu-toothbrush at magsusuklay. Pagkatapos, babalik sa kwarto para mag-soundtrip sa iTunes o kaya magbasa ng e-book o kaya magkalkal ng files. Kahit ano lang basta dapat bukas ang laptop. Pagdating ng hapon, saka ako lilipat sa kabilang kwarto, sa computer room, para mag-online. Tapos, dire-diretso na hanggang gabi. Madalas, may interapsyon sa tuwing tatawagin para maghapunan. Pero pagkatapos, balik uli. Pag sumakit na ang batok sa ngalay, saka babalik sa kwarto at pipilitin matulog. Magpapabali-baliktad sa kama hanggang mahilo o kaya mag-iisip ng kung anu-ano hanggang mapagod at tuluyang makatulog.

Repeat again tomorrow.

And the cycle continues.

On and on and on and on….

Forever and ever

Amen.

0 comments: