Pages

Wednesday, December 3, 2008

'Twilight': Balik-Tanaw

Napanaginipan ko kagabi si Stephenie Meyer sa World Premiere Night ng Twilight sa LA, California. Napanood ko kasi kagabi sa TV yung replay. May isa raw fan na nagtatanong sa kanya kung ano na ang sunod niyang project, kung kelan niya ilalabas ang Midnight Sun, kung itinuloy na niya ang pagsusulat nito (dahil parang na-badtrip siya nung kumalat ang draft nito sa internet kaya sa website niya, inilabas niya na rin 'tong Partial Draft) pero hindi niya pinapansin. Sa halip, tahimik lang siyang nakatingin sa akin at pangiti-ngiti.

Kaya kanina sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ng Invisible Monsters (Chuck Palahniuk), hindi ko napigilang mag-reminisce sa kabaliwan ko dalawang taon na ang nakararaan.

Hindi ako nanood ng pelikula. Hindi ko pinanood. Ayoko. Nasaktan ako. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako. Malaking isyu sa akin ang libro vs. pelikula.

Original vs. Adaptation.

Napaka-unfair ng pagsasapelikula ng mga nobelang kung ilang taon pinaghirapan ng isang manunulat para lamang sa loob ng isa o dalawang oras ay pagpiyestahan ng mga mata ng mga manonood na basta na nakaupo. Basta na nakatingala sa widescreen. Kumakain ng pocorn. Umiinom ng softdrinks. Minsan, makakatulugan pa.

Ang masaklap ay karamihan sa mga manonood na ito ay hindi man lang nabigyan ng pagkakataong basahin ang istorya. At dahil napanood na at alam na ang plot, mas malaki ang posibilidad na hindi na babasahin ang nobela.

Para tuloy isang akto ng cheating ang panonood ng mga ganitong pelikula.

Sa mga mambabasa namang nanonood ng ganitong pelikula, isang bagay lang ang mahalaga: Nabigyan ba ng hustisya ang pagsasapelikula ng nobela?

Tama na ang drama. Guilty rin naman ako nang basahin ko ang Fight Club halos siyam na taon pagkatapos ko itong mapanood sa VCD. Hindi ko alam na batay ito sa isang nobela at lalong hindi ko pa kilala noon si Chuck Palahniuk. But "Ignorance is not an excuse" kaya nga maingat na ako ngayon sa panonood ng mga pelikula. Not that I'm a moviebuff.

Balik sa Twilight at kay Stephenie.

Ako ang kanyang self-proclaimed #1 fanatic bago pa man ang Box Office Hit at bago pa man ang ideya ng paggawa ng pelikula. Ako ang kanyang self-proclaimed #1 fanatic gaya ng pagiging self-proclaimed Ragnarok addict.

Puso. Utak. Kaluluwa. Higit sa lahat, bulsa.

Ito ang aking mga itinaya, ipinuhunan, sa ngalan ng aking di-matatawarang paghanga.

Nangalkal ako ng Files sa Hard Disk at natiyempuhan ko ang mga lumang blog entry ko sa Friendster na nailipat ko nang lahat halos dito. Habang binabasa ko ang mga partikular na entry, muling nabuhay ang kiliti sa aking damdamin dulot ng kabaliwang naranasan ko noon.

Napagpasyahan kong ilagay rito ang mga pinagsama-samang entry kasama na ang fanarts at fanfic bilang koleksyon at tanging alaala ko sa panahon ng aking matinding kabaliwan at kalandian.

Mga ebidensyang nagpapatunay na minsan sa nagdaang kahapon naganap ang hysteria. Hindi basta guni-guni lang.

Nobyembre 18 nagsimula. Taong 2006.


AUTHOR: Viola
TITLE: "I may not be human, but I'm a man"
DATE: 11/18/2006 08:33:31 PM

What? Twilight by Stephenie Meyer is my 2nd hardbound book for this year. *evil laugh*


Why? Mabangis ang cover. Red and black. Apple. Tapos tungkol sa Vampire. *more evil laugh*


Who? To say that Edward Cullen is not my most favorite character is a crime. *grin* Siyempre si Bella Swan. Gusto ko rin si Dr. Carlisle.


How? Naghahanap lang ako ng bagong librong mabibili sa Fully Booked. Siyempre andun ako sa Young Adult section. Nakita ko yung collection ng Nancy Drew. Aksidente lang ako napadaan sa may Sci-Fi, tapos nakita ko na nga yung striking na cover ng book niya. Kinuha ko tapos binasa ko yung likod. May vampire nga raw. Matagal na rin akong interesado sa vampires. Pinakaunang encounter ko nung mabasa ko ang Vampire Armand ni Anne Rice pero hindi ko nga lang natapos kase bata pa ako nung binasa ko yun, hindi pa ako sanay magbasa. Nasundan lang uli nitong August nung basahin ko yung Freshman ni Michael Gerber na may vampire din. May kamahalan ang presyo kaya hindi ko muna binili. Pero mahal din naman yung nabili kong kapalit pansamantala. After one week, hindi ako nakatiis, binalikan ko at binili. Thursday, 8pm ko siya sinimulan basahin. Hindi ko namalayan kung anong oras ako nakatulog, pero hindi dahil sa boredom kundi sa pagod ng mata. Last 3-4 chapters na lang ata ang natira kinabukasan. At natapos ko nga siya bago ang Genetics class ng ala una ng hapon. Nakakainis lang kase nabitin ako. Akala ko kase iko-convert na rin ni Edward si Bella, kaso wala, nag-usap lang sila hanggang matapos yung kwento. Para namang hindi ako sanay sa mga nobelang sinasadyang ibitin pero NO, masyado akong na-absorb sa librong yun. Kaya parang ang hirap mag-withdraw at bumalik sa tunay na mundo na walang mga pang-commercial, super rich, talented, hot gorgeous fafa snowy white vampires!




AUTHOR: Viola
TITLE: post-berdey tribute kay Supremo
DATE: 12/02/2006 06:20:55 PM

bwisit na Twilight yan. hindi ako maka-get over sa mga Cullen, sa mga gwapito't gwapitang pamilya bampira. hindi ako mapalagay kakaisip sa sequel na NEW MOON. binabalik-balikan ko sa National. nababahag ang buntot ko sa bwisit na hardbound na yon.


gusto kong kidnapin si Stephenie Meyer bago pa man lumabas ang movie adaptation ng Twilight at bago pa siya tuluyang sumikat nang husto... aaaaaaaarghhhhhhhhh! na-convert niya ako nang hindi handa. gusto ko ng bampiraaaaaa! gusto ko maging isa sa kanilaaaaaa!




AUTHOR: Viola
TITLE: Spoiler Alert
DATE: 12/13/2006 03:19:12 AM


"Shoot," I muttered when the paper sliced my finger; I pulled it out to examine the damage. A single drop of blood oozed from the tiny cut. It all happened very quickly then. Edward threw himself at me, flinging me back across the table... I tumbled down to the floor by the piano, with my arms thrown out instinctively to catch my fall, into the jagged shards of glass. I felt the searing, stinging pain that ran from my wrist to the crease inside my elbow. Dazed and disoriented, I looked up from the bright red blood pulsing out of my arm-into the fevered eyes of the six suddenly ravenous vampires.

Legions of readers entranced by Twilight are hungry for more and they won't be disappointed. In New Moon, Stephenie Meyer delivers another irresistible combination of romance and suspense with a supernatural twist. The "star-crossed" lovers theme continues as Bella and Edward find themselves facing new obstacles, including a devastating separation, the mysterious appearance of dangerous wolves roaming the forest in Forks, a terrifying threat of revenge from a female vampire and a deliciously sinister encounter with Italy's reigning royal family of vampires, the Volturi. Passionate, riveting, and full of surprising twists and turns, this vampire love saga is well on its way to literary immortality.

NYAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH*ubo*HAHAHAHAHA!

sa Natio Mega lang pala kita mahahanap, hayupak ka. binalikan kita dalawang beses sa Natio North bwiset ka. Nagtago pa kayong dalawang kopya sa Reserved shelf ng Powerbooks Mega. Kala mo hindi kita maangkin?! pwes mula ngayong gabi aking-akin ka na. BWAHAHAHAHAHAHAHAHA*ubo*HAHAHAHA!!!




AUTHOR: Viola
TITLE: Books... What else?
DATE: 12/16/2006 10:33:14 PM


three days ago, i was able to finally devour New Moon, sequel to Stephenie Meyer's Twilight.

the story has become much more complicated, with ***SPOILER ALERT*** Jacob Black turning into a werewolf, who could readily kill my lovely Edward Cullen and his lovely family, as well as all the other "bloodsuckers" (i.e., Victoria) as soon as they bite a human. In Victoria's part, it's obvious, she's hunting for Bella. i think, i feel, i like Twilight better. nyehehehe!

overall i'd say it turned out into a romance YA fic, but not your ordinary romance story, because it involves mythical creatures --- vamps and werewolves, and that for the part, makes the novel cool.

can't wait for the 3rd one... *drools*




AUTHOR: Viola
TITLE: Where the hell is Forks?
DATE: 12/21/2006 07:01:55 PM



AUTHOR: Viola
TITLE: Luka-luka kay Edward
DATE: 01/12/2007 02:12:07 AM


namimiss ko na si Edward at ang kanyang malabangkay sa lamig na katawan... ang samyo ng kanyang tuxedo... ang kanyang matitigas na kalamnan sa dibdib at braso... ang matatalim na pangil ng kanyang mapuputing mga ngipin... pati na ang kanyang itim na Volvo...

ako talaga si Bella, maniwala kayo. banggitin nyo ang aking pangalan ng patabingi ang bibig, palamutian ng sobrang kaartehan, gawing silent O, at gawing parang nasusuka kunwaring magsalita... o diba "Bella" ang lalabas.

hindi ako hopeless. hindi ko rin kelangan magmadali. lalong hindi ko aapurahin si Edward. amin ang buong eternity. sabi nga nila, "Age doesn't matter." Age would never matter talaga sa aming dalawa. pakialam ko kung otsenta na siya. technically naman, seventeen pa lang naman siya pati na ang kanyang kerubing mukha. pero dahil inalok mo si Bella (ako nga yon, maniwala ka sabi!) ng kasal, ipaalam na natin sa Cullens. sigurado namang mas maeexcite pa sila kesa sa ikakasal. pero bago pa man simulang planuhin ang seremonya... o here you go, hold my neck. i'm offering you my throat. o, take a bite na.

LOL

Kinilig na naman kasi ako kanina dahil binalikan ko ang page 540 ng sequel ng Twilight ni Stephenie Meyer na New Moon.




AUTHOR: Viola
TITLE: Abelmoschus esculentus-y
DATE: 01/12/2007 02:35:58 AM

...sa ngalan ng Eragon na hindi ko pa natatapos pero gusto ko nang panoorin, ng pinakaiibig kong si Edward, at ng lahat ng mga librong nilamon at lalamunin ko pa lang bukas at sa darating pang mga panahon, nawa'y patawarin ako sa lahat ng aking mga pinuntiryang angkan ng dakilang Bunyip sa Sapang Berkeley.



AUTHOR: Viola
TITLE: Balitang Krispy Kreme!
DATE: 01/12/2007 02:49:10 AM

...sa ngalan ng Eragon na hindi ko pa napapanood, ni Edward na aking bampira, at ng lahat ng mga librong binasa at babasahin ko pa lang, siya'y aking buong pusong itinatakwil sa harap ng saksi kong buong cyberspace!


January 14, 2007



AUTHOR: Viola
TITLE: Update
DATE: 01/21/2007 02:43:02 AM

may iniisip ako.


paano ako mamamatay?


kelangan ko ng costume na may ebidensya ng ikinamatay ko.


isip. isip. isip.


ayoko ng messy. mahirap umimbento ng dugo.


alam ko na:


kinagat ni Edward


wahahahahaha!




AUTHOR: Viola
TITLE: May aaminin ako
DATE: 02/23/2007 03:05:23 AM

May bago akong kahinaan na hindi ko maitatanggi
Isang sakit na hindi malunasan
Tuksong hindi mapigilan
Ligayang hindi matawaran dahil
may kabayaran...
At mahal talaga
kaya ang palusot ko'y makisabay sa pag-aayuno ng mga Kristiyano


NALULULONG AKO SA HARDBOUND
@@@!!@!


Unang lumabas ang sintomas noong Agosto 2006
sa Freshman ni Michael Gerber
Kumalat sa pagdating ng Edward mania
Twilight, Blind Faith, New Moon
Lumitaw ang kumplikasyon nang mag-Disyembre
sa Barnes&Nobles at sa NEX
A Spot of Bother, For One More Day, Nature Girl
Lumala nang mag-Enero
sa Angela's Ashes
At nito lang Miyerkules,
Sa ikalawang pagbisita ko sa kanya sa NBS
Hindi ko na napigilan ang sarili
Parang deja vu ng sa Blind Faith
Hindi na ako nagpapigil
(Malakas ang gayuma ng raffle pa-Transylvania)
Sa halip na makipagkilala sa mga kamag-anakan ng bawat halaman
Nakipagkilala sa pluma ni Marcus Sedgwick
Sa My Swordhand is Singing
Umasang madadalaw ang teritoryo ng lahi ni Edward...



February 23, 2007





AUTHOR: Viola
TITLE: "Pilingera"
DATE: 02/28/2007 01:31:36 AM

...tapos si Bakunin 'tong mainit ang ulo at mas magaling mang-asar. pero ang higit na nagpahanga sa akin sa kanya e yung komento ng isang tao (ewan kung manunulat o pilosoper) sa kanya:

"He loves ideas but not the people."

may pamalit na ako kay oh-so-lovely Edward Cullen, for the meantime.



AUTHOR: Viola
TITLE: Unwinding
DATE: 03/14/2007 12:05:12 AM


kanina lang naisip ko bigla na hawig ang Maximum Ride sa Twilight. Max=Bella, Fang=Edward, at Ari=Jacob. parehong wolf si Ari at Jacob. Parehong may fangs si Fang at Edward??? pinagkaiba lang mutants yung mga nauna.



Lastly,

Conversation Part III

Hi.
Hey.
How’s your day?
Good.
Aren’t you going to tell me about it?
Not a bit of interesting to tell you though.
Well, if there’s something you want to tell me, please, don’t hesitate. I’m willing to listen, okay?
Yeah… sure. …I got it.
So…
What?
Are you gonna tell me something?
No.
No?
Nothing.
You can try but you can never hide it the way I see it in your eyes. There is something you are going to tell me.
Okay.
What’s wrong?
I feel empty. So empty. Inside.
What made you say so?
I’ve noticed everything. Everything good that’s been happening to me is all because you’re here. With me. Right now. You came to rescue and protect and care for me. You filled me with your strength, your confidence, your passion in life…
I’m listening.
You changed my life, and it felt like losing myself… because now I’ve become so dependent on you that I think I cannot go on by myself anymore and I feel scared with the thought that…that I’m going to lose you one day and I’ll never be able to make it to the end.. by myself.
I didn’t see this coming. I’m sorry. It isn’t my intention to ruin you that I came to your life…
Don’t. Please don’t---
I should have just…
No! please don’t say that. Please. ...You’re the best thing that ever happened to me.
But I ruined---
No. no. You did not. I shouldn’t have just told you.
No. You did the right thing. I’m being insensitive. My mistake. I’m sorry.
Don’t! Please, no. All I just wanted to say is that I don’t want to lose you. We aren’t going to end this today, not even forever… right? I love you.
This is getting worse. You’re saying it all wrong.
What?
I’m not going to just let you fall into the shadow of our relationship. Especially not in my shadow. I’m not going to take your life with me. I’ll never do that. So I’m going to give you back what I’ve unintentionally taken.
I don’t understand…
I’m going to set you free.
No. No. No!
I have to.
Why? Are you hating me now? Because I’m being selfish in that I want us forever? Why now? Why?
Because I love you.
Huh?
I don’t own you. I can’t take you away with me. Especially not forever.
I still don’t understand.
You have your life on your own, before I came.
But it’s worthless!
Whatever you say, you still have that life of yours that you own. I’m not tormenting you when I say I’m setting you free. I’m just trying to remind you that you have that life of yours you cannot just leave behind when somebody else comes to your life. You have one. And now with me, you still have your own private life. You don’t give it up just to be with me forever… just like that.

Are you listening?

Believe it or not, I could hear voices in my head when I wrote this down sometime in 2007.

No comments:

Post a Comment