Andaming nangyari. Sobrang dami. Diba, dibs? Andaming biyahe. Andaming mukha. Andaming drama. Andaming alak. Andaming calories. Andaming gastos. Andaming retrato. Andaming luha. Andaming halakhak. Andaming bloopers. Sari-sari, halu-halo, labu-labong emosyon. Mga 1st time and last time. Mga welcome at paalam. Mga pangako at excuses. Mga bago at sinalo. Mga itinapon at nilimot sa kahapon. Mga nilisan at binalikan. Andami. Andami-dami. Saan ko ba uumpisahan?
Graduation. Yeah! Congrats. Akalain mo nakatapos ka on-time. Na-survive mo ang jinx ni Oble sa Quezon Hall pagkatapos mong makipagkodakan kasama niya nung katutuntong mo pa lang sa university. First year. First sem. Obviously, wala ka pang alam. Hindi mo alam ang urban legend. Kaya nang i-spill sa iyo ng Ate mo pag-uwi nyo sa inuupahan mong kwarto sa UP Bliss, halos mangiyak-ngiyak ka dahil natuklasan mong doomed na kaagad ang kapalaran mo hindi ka pa man nakakapag-umpisa. Hahaha! What a loser. But then again, nagawa mong isanla ang iyong kaluluwa kay Sata--- este nahabag sa iyo ang kapalaran dahil ang middle name mo ay Tanga, kaawa-awa ka naman sige na nga, sumaiyo ang kaligtasan mula sa delay.
Kabiokada. Akalain mo nga naman, may social life ka rin pala. Hahaha! Good job, loser. Pasalamatan mo naman ang mga kaibigan mo. Mag-"I love you, friends" ka. Kung di dahil sa kanila walang kang Multiply account. Dahil kung di dahil sa kanila, walang food trips. Walang inom. Walang karnabal. Walang Dibi-Divisoria. Hindi ka mapapakanta sa videoke. Hindi ka makakarating sa Timog Ave. Hindi ka makarating sa Greenhills sakay ng jeepney. Walang mangungumbida sa iyo sa mga birthday celebration. Wala kang makaka-rakrakan pagsapit ng Feb Fair o karamay sa puyatan/cramming tuwing may exam. Etcetera. Etcetera. Kung di dahil sa kanila, L-O-N-E-R ka na L-O-S-E-R pa. Itaga mo yan sa.. sa.. sa buto mo. Deep into your bone marrow.
Legaspi. Dito kung saan ka una pagkatapos ay huling lumusong sa baha. Muddy baha! Ito ang huling bakas ng iyong phobia sa ulan. Nagpaalam ka ba talaga nang maayos? Hahaha loser. Inunahan na ang takdang oras ng libing niya. Pero aminin mo, nung gabi sa handaan (post-nuptial), pinatulan mo ang SMB. Ikaw pa umubos. Ano ba yun, sobrang bored ka ba sa buhay, hija, o uhaw ka lang talaga? Either way, huli ka. Ayaw daw ng beer, o. Yan ba ang nagagawa ng nostalgia, nade-deactivate ang taste buds?
Disyerto. Memorable 'to. In fact, ito ang isa sa top favorite memories mo. Pwede ka nang mamatay there and then kung ginusto mo. Dahil maligaya ka. Dahil maligaya kayong lahat. It's all about good time. High time. Dito mo rin natuklasan ang sarap ng pinaghalong vodka at Redbull. Lasang apple juice, yum yum. At higit sa lahat, dito ka lalong humanga sa Ate mong sinubukan mong gayahin pero hindi mo nakopya. Saka mo maiisip na wala sa lugar kundi nasa tao ang kaganapan. Walang kinalaman kung pareho kayo ng pinanggalingang iskwelahan. Kung talagang Tanga ang middle name mo, sorry ka. On a brighter side, nabalitaan mo kay Sir U ang tungkol sa Philippine Graphic. Ang nag-iisa't tanging maipagmamalaki mong bagay sa mundo ng mga letra. Pero walang ibang nakakaalam. Hindi sa isa itong lihim. Masama sa kalusugan ang magbuhat ng sariling bangko.
East Coast adventure. Tour de Amateur. Dalawa lang kami ng kapatid ko. In a strange city. In a faraway country. On the other side of the world. Pinaka-exhausting both as experience and memory. New York ang pakay namin at nasa New Jersey ang tinutuluyan naming hotel. Sa lob ng apat na araw, araw-araw humigit-kumulang isang oras ang biyahe. At ang biyahe, biyahe kung biyahe!
Hotel ---> shuttle bus ---> airport ---> air train ---> bus terminal ---> bus ---> railroad train ---> subway ---> NYC (=walkathon)
Jetlags, Alak, Buryong. May mas angkop na tawag rito. Homesickness.
Lisensya. Antindi ng dinulot nitong sakit sa ulo. Halos makalbo ata ako? Halos magka-wrinkles?
0 comments:
Post a Comment