5 stars dahil kay Dustfinger. Ganda ng katawan... ang firm ng maskels (hahaha!). Hindi ko malilimutan ang pwet ni Silas sa The Vinci Code kaya naman inabangan ko ang paglitaw ng cast sa hulihan ng pelikula at nakumpirma kong siya nga yun. Si Paul Bettany nga. Ahahahaaay!
Ang alam ko lang movie adaptation sa nobela ni Cornelia Funke. Hindi ko nabasa at binasa pero kung maalala ko may kakapalan yung libro? Hindi ko naman kasi pinapansin yun sa bookstore.
Sa unang eksena, mapapanood si Mortimer aka Silvertongue (Brendan Fraser) na nagbabasa ng bedtime story sa baby nila ni Resa (hindi ko kilala kung sino artista).
Sabi ng kapatid ko, parang Bedtime Stories ni Adam Sandler.
Sabi ko naman, ay, wala pala akong sinabi.
Napapakapit ako sa upuan nung magpunta sila sa book bazaar dahil naghahanap si Mortimer ng kopya ni Inkheart. (Andaming librooo!) Tapos dahil na rin siguro isa siyang Silvertongue, naririnig niya yung bulong ng mga libro. Binabanggit ang kani-kanilang title hahaha!
Nung natagpuan niya ang librong Inkheart sa isang antique bookshop, saka lumitaw si Dustfinger at ang kanyang alagang marten na si Gwin. Pero hindi ko agad siya namukhaan dun.
Buti na lang madilim sa sinehan kasi maluha-luha ako nung niloob ng boys ni Capricorn na mukhang mga punk yung bahay ni Elinor, kapatid ni Mortimer, at pinagwawasak pagkatapos ay sinunog yung entire book collection. Tumanggi kasi si Mortimer na tulungan si Dustfinger na makabalik sa librong Inkheart. Kaya, out of desperation, hiningi niya ang tulong ni Capricorn.
Bilang silvertongue, may kakayahan si Mortimer na i-summon ang character mula sa librong binabasa niya, provided na binabasa niya ang libro outloud. Ganun ang nangyari nang basahin niya ang Inkheart sa kanyang anak nung bata pa 'to. Lumitaw si Dustfinger, tapos si Capricorn. Pero ang kakatwa, naglaho si Resa. Pumasok daw sa libro.
Merong isa pang Silvertongue na nag-sa-stutter at hindi ko nabigyan ng kaukulang atensyon (kasi distracted ako kay Dustfinger sa pag-re-recall kung saan ko siya napanood) kung dahil sa speech defect niya kaya may mga sulat yung mukha nung boys ni Capricorn na mukhang mga punk pati na rin yung iba pang characters na ginawang alipin at creatures na nakakulong (e.g., yung buwaya na kumagat sa brasong may relos ni Captain Hook, unicorn, mga flying unggoy, etc.)
Kasama sa mga alipin sa kastilyo ni Capricorn si Resa. At may sulat din ang mukha niya.
Naaliw ako sa effect na yun. Para kang natulog nang nakasubsob sa librong binabasa mo tas nagkataong basa pa yung ink ng mga letra. Paggising mo, tadaaaaa!
Naglaho ang boses ni Resa. Pipi siya. Pero magkakilala sila ni Dustfinger. At parang may lihim na pagtingin sa kanya si Dustfinger (aaay chismax!). Habang ginagamot ni Resa ang kanyang mga kamay, napag-alaman niyang siya ang nawawalang asawa ni Mortimer. Ipinakita ni Resa ang sketch niya ng kanyang asawa at anak kay Dustfinger at na-recognize nito si Mortimer.
Si Dustfinger nga pala ay isang fire-eater. Nakakalikha siya ng apoy mula sa kanyang mga kamay. Pero hindi niya kayang i-tolerate ang apoy sa Earth kaya nung tangkain niyang sagipin yung Inkheart na hinagis ni Capricorn sa fireplace, nasunog ang balat niya.
Kapalit ng kabaitan ni Resa, pinatakas siya ni Dustfinger sa tulong ni Gwin na tinangay ang susi mula sa natutulog na Mortola na mukhang creepy old witch na nanay pala ni Capricorn. Nakakadena kasi ang paa ni Resa.
May pagka-selfish si Dustfinger at ipinakita ito sa ilang eksena sa pelikula. Pero justified naman siguro kasi gustung-gusto niya na talagang makabalik sa libro kaya gagawin niya lahat kahit pa nga magmukhang traydor siya.
Nagkakilala si Dustfinger at ang creator niya na si Fenoglio. Amazed na amazed siyempre yung author ng libro. Napanood niya si Dustfinger na nagpapalabas ng fireshow. Saka ko namukhaan si Paul Bettany, ahahahaaay!
Dun din binitawan ni Dustfinger ang makapagbagbag-damdaming:
Si Farid (Rafi Gavron) ang sapilitang nai-summon ni Mortimer mula sa Tales of the Arabian Nights dahil gusto ni Capricorn ng salapi. Kasabay ng paglaglag ng golden coins mula sa kisame ng palasyo, nahulog din si Farid mula sa langit?
Nang lumitaw siya sa eksena, hati na sa tatlo ang atensyon ko: (1) sa plot; (2) kay Paul Bettany; at (3) sa kanya, na hawig ni Ping Medina sa pag-portray kay Teddy sa pelikula ng bandang The Dawn na "Tulad Ng Dati" hahaha!
Tuwang-tuwa ako nang eventually ay maging barkada sina Dustfinger at Farid. Hindi friendly si Dustfinger pero tinuruan niya si Farid na lumikha ng apoy mula sa kanyang mga kamay. Later on, sila ang magkatulong sa pagsunog sa palasyo ni Capricorn.
Mabait si Farid. Ibinigay niya ang kopya ni Capricorn ng Inkheart kay Dustfinger (na napag-iwanan ng mga kagrupo niya sa libro matapos ang heroic deed ni Meggie na anak ni Mortimer na isa rin palang Silvertongue).
Mabait si Farid. Nagpasya siyang sumama kay Dustfinger kahit kapalit nito ay hindi na niya makikitang muli si Meggie na puppy love niya. (Actually, nang nakawin niya ang Inkheart na kopya ni Capricron, kinuha niya rin ang wallet ni Mortimer na may picture ni Meggie nung bata pa ito. Hahaha!)
Mabait si Farid. Tutulungan niyang maghanap si Dustfinger ng panibagong Silvertongue na tutulong sa kanyang makabalik sa libro. Emo kasi si Dustfinger. Nang ma-reunite ang pamilya ni Mortimer at bumalik ang boses ni Resa, inisip niya na hindi na siya tutulungan ni Mortimer na makabalik sa libro.
Pero dahil bida si Mortimer, tinupad niya ang pangako niya kay Dustfinger. Pero bago niya basahin ang libro, tinanong niya si Dustfinger kung "sure ka na ba?" Natuklasan kasi ni Dustfinger na mamamatay siya sa ending dahil nabanggit ni Fenoglio nang magtagpo sila before. Pero miss na miss na ni Dustfinger ang asawa niya, kaya sabi niya, "sure na."
Again, mabait si Farid. Nasa kanya ang backpack at si Gwin nang maglaho si Dustfinger. Aniya, baka sakaling magbago ang kapalaran ni Dustfinger dahil bumalik siya na mag-isa, hindi kasama si Gwin.
Dahil mabait si Farid, inampon siya ni Mortimer. Hahaha!
Nagwakas ang pelikula sa eksenang talahiban starring Paul Bettany with a couple of butterflies. Ahahahaaay!
Isinapelikulang libro tungkol, dahil, at para sa mga libro.
Sabi ng isang mambabasa,
DEYM I SHOULD HAVE READ THE BOOK!

"You are not my God!"

"Everything that happens, happens to books, because of books, or by means of books."
DEYM I SHOULD HAVE READ THE BOOK!
0 comments:
Post a Comment