Wednesday, February 27, 2008

After the Wreck, I Picked Myself Up, Spread My Wings, and Flew Away (Joyce Carol Oates)

Matagal na akong ligaw-tingin sa librong 'to tuwing madadaan ako sa NBS. Namamahalan kasi ako sa presyo ng hardbound niya. Tas isang araw, nakakita ako ng paperback, muntik na akong mapa-tumbling sa tuwa. Pero anlabo ko kasi Minister's Daughter ang binili ko.

Last week, nabalitaan kong mega sale sa NBS. Hindi na ako nag-atubili pang bilhin ang paperback.

Kaya isang gabi bago ang exam sa 121 lab, ito ang pinaglaanan ko ng oras ko.

Para siyang sequel to Freaky Green Eyes ni Miss Oates pa rin --- tatay ang kontrabida. martir ang ina. AT puno ng angst ang anak.

Pero walastik ang ending... ang ganda ng twist! Nakakamura sa galing!

Aakalain mong tuluy-tuloy na ang pagkakilig mo sa labstory nina Jenna at Crow pero feeling nyo lang pala ni Jenna yun kasi tunay na anak pala ni Crow yung sinasabi ni Trina na pamangkin nito sa ate niya. Dahil yung sinasabi ni Trina na ate nitong blondie, yun pala ang aasawahin ni Crow na 5 years older than him.

At si Crow? Si Crow ay cool. The typical cool guy in your highschool. The hot guy in black leather jacket with a snake tattooed on his wrist, riding this classic motorbike.

Aakalain mo bang magiging committed sa isang relationship, marriage in particular, ang katulad niya?

O diba ang husay ng pagwasak sa stereotyping... refreshing!

0 comments: