So what's the vodka for?
For the soul. If it's hurting real bad.
(Sergei Lukyanenko's Nightwatch, p.370)
Ako'y nabighani nang una kong madungaw ang tanawin sa bangin.
Noon kasi'y takot akong silipin ang bangin. Pero ngayon, sa tuwing may pagkakataon, ginugugol ko ang aking oras para malasin ang tanawin sa bangin.
Sa tindi ng pagkahumaling ko'y ilang beses din akong nagtangkang puntahan ang tanawin sa bangin.
Kaya lamang, ayaw akong payagan.
Ako'y pinipigilan.
Mahal ko sila pero ano ba naman ang isang sandali ng pagbibigay-ligaya sa sarili.
Sabi nila'y hindi na raw ako babalik.
Wala nang maghuhugas ng pinggan at bibili ng Krispy Kreme.
Hinahanapan pa ako ng waiver at insurance.
Isama ko raw sila.
Nalungkot ako.
Kaya isang gabi tumakas ako para hanapin ang shortcut papunta sa bangin.
Payapa ang gabi.
Pinasok ko ang gubat.
Tanging ang bilog na buwan ang aking gabay sa kasukalan.
Natunton ko ang shortcut sa bangin.
Pagtalon ko nakita ko ang Bunyip sa mga ulap.
Tinitigan ko siya at siya'y ngumiti.
Saka niya inangat ang hawak na bote ng Kristov habang ako'y unti-unting nilalamon ng dilim at nalalaglag sa bangin.
0 comments:
Post a Comment