Lilipad na naman ako bukas ng gabi. Balik DC ng tatlong linggo.
May task na kailangang tuparin. Gaya ng housemates sa Pinoy Big Brother, kailangan ko ring patunayan ang aking pagkamasunurin sa The Big Bully.
Ang buhay ko ngayon ay parang isang pingpong.
Wala akong dapat ikwento sa mga sandaling ito, dahil palagay ko'y, ito na ang tinatawag kong The Great Perhaps.
Narating ko na ang pinakatampok na yugto ng aking buhay. Hindi ko ito dapat pakawalan sa pagtipa ko ng mga letra sa keyboard. Ang ganitong bagay ay dapat sinasarili na lamang.
Kung hindi mo masundan ang sinasabi ko, huwag kang mag-alala. Siguro'y hindi mo pa napanood ang Into The Wild. Siguro'y hindi mo ito pinanood pagkatapos ng iyong university graduation. At siguradong hindi ka katulad ko na parang sponge.
Mabuti siguro para sa iyo kung wala ka nang malaman pa tungkol sa huling pangungusap na nabanggit.
Katulad ng matagal ko nang binabanggit, hindi ako nanlilimos ng awa.
Bukas ng gabi ang flight ko at hindi pa ako nag-iimpake. Di pa rin tiyak kung may susundo sa akin pagdating sa DC.
Sana ay hindi ako matakot sa posibilidad ng bloopers. Dahil ika nga ni Jun Cruz Reyes, "Walang masamang karanasan sa isang artist."
Sana ay makakita ako ng kasiyahan sa katangahan. After all, "Ignorance is bliss."

No comments:
Post a Comment