Pages

Wednesday, October 29, 2008

T'walight

Isang mahamog na umaga ang sumalubong sa akin kanina. Binalot ng mga ulap ang buong siyudad. Mula sa sinasakyan kong bus ay namalas ko itong tanawin dahilan upang ang isang madalang na ngiti ay mamutawi sa aking bibig. Binabalik ang isang alaalang nagpatibok ng aking puso.

Siya.




Ako si Isabel Aswang. Nakatira sa Porks, Washington. Sa sine-nobela, ka-labtim ko si Edwart Current. Isang poging-poging Vegetarian na may special talent: nakapagpapalit ng kulay ng mata.

Sa simula, magkakaroon kami ng engkwentro. Pagtatangkaan niya akong patayin para makuha ang aking utak. Naglalaro sa kanyang imahinasyon ang juicylicious kong utak. Lumalaki ang butas ng ilong niya at tumutulo ang kanyang laway tuwing Biology class. Seatmates kasi kami. Kaklase ko siya sa Porks High.

Pero dahil isa siyang ulirang Vegan at sa tulong na rin ng kanyang supportive family, malalampasan niya ang pagsubok sa kanyang Diet (lifestyle). Sa halip, pagtitripan siya ng Destiny's child at mahuhulog ang kanyang loob sa kanyang biktima. Ehem. Ako yun.

Di-sinasadyang madukot ko ang kanyang puso. At dahil dito, siya ay malilito. At dahil nalilito, nalilito, nahihilo, nahihilo, kokoto kokoto. Kokoto! Mawawala ang kanyang gutom.

Lihim ang kanyang pagiging Vegan. Matutuklasan ko ito sa tsismis ng matalik kong kaibigang aso, si Jack Blood. Mortal na magkaaway pala ang mga Vegan at ang angkan ni Jack Blood. Ang mga... Non-vegan.

At dahil ako ay isa lamang Aswang, paglalaruan din ako ng Destiny's child. Dito na papasok ang conflict: Alin ang mas matimbang...

Ang puso o ang buto?

Labtim o BFF?

Iniibig ko si Edwart Current. Mahal ko si Jack Blood.

Pero dahil ako si Isabel Aswang, NBSB (No Boyfriend Since Birth), at first time kong makakilala ng isang Coverboy at Boyfriend Material, mapapatili ang aking puso sa sobrang kilig.

Magiging kami ni Edwart Current.

Magseselos si Jack Blood. Papipiliin nya ako: siya o si Edwart?

Siyempre pipiliin ko si Edwart. Duh. Manlilisik ang kanyang mga mata. Saka siya tatahol ng tatahol. Pakakawalan niya sa kanyang bibig na may matatalim na ngipin ang isang mahabang alulong. Ng pagtangis. Ng pagkabigo.

Sasambitin niya ang katagang, "Babangon ako't ililigtas kita."

Mababalitaan ko na lamang na siya ang tinanghal na campaign leader ng AVG (Anti-Vegan Group). Tinanggap niya na ang offer ng Destiny's child na labis na ikinatuwa ng kanyang pamilya.

Pero huli na ang lahat dahil ako man ay nakapagpasya na ring tanggapin ang plano para sa akin ng Destiny's child. Magpapa-convert ako into Vegan para makapagsama na kami ni Edwart Current at magtuluy-tuloy na ang ligaya.

Magkakaroon kami ng baby tiyanak. Pero hindi pa ito kasama sa pelikula.

No comments:

Post a Comment