Pages

Wednesday, November 26, 2008

Advanced Thanksgiving

Sumakto sa pagsalubong sa Thanksgiving Day ang schedule ng Drive Test ko..


AT ang pagpasa ko.
Kaya naman...


Sa kapatid ko, sa nobyo niya, sa kabarkada nila, sa driving instructor ko, at sa kuya ko


Mula Bellevue, Washington lumipad papuntang Washington DC, at bumalik sa Bellevue pagkatapos ay sa Mount Vernon...
Talagang literal na malayo ang naging paglalakbay ko para sa "Extensive Driving Training" ala "VIP treatment"


Alam kong hindi matatawaran ang pagtitiyaga n'yong lahat sa akin. Salamat sa pagtitiwala at pagbibigay-motibasyon, Brent, Giovanne, at Sir Jim. Sir Jim, extra na pasasalamat sa mga kwento at katatawanan.


Sa minamahal ko namang kapatid, inunawa ko ang "hindi-dahil-kapatid-kita" na atmosphere sa inyong dissatisfaction sa aking performance at katunaya'y ipinagpapasalamat ko ito dahil nagsilbi itong challenge para sa akin. Aminado naman akong tatanga-tanga talaga ako at nagiging makakalimutin sa sobrang panic, pero alam kong alam nyong natuto naman ako.


Dahil kung hindi, papasa ba ako?


Bagamat, alam kong hindi naman talaga excellent ang 88%. At, oo bumangga ako sa curb sa parallel parking kahit makailang beses akong nag-practice at halos maubusan na ng pasensya hindi lamang ang kuya ko saken, kundi pati na rin mismo ang sarili ko...


Still, I passed the test.


Bagamat, hindi rin maiaalis ang teorya ng Divine Intervention dahil nang una kong masilayan ang testing officer na na-assign sa akin, ay pakiwari ko'y siya'y hulog ng langit...


dahil hindi siya mukhang kumakain ng tao, lalo na ng nerbyosong noobs na gaya ko... kaya rumelaks ako nang magsimula na ang aking drive test.



kaya, ABOVE ALL, kay God...




MARAMING SALAMAT PO SA WAKAS MAY ISASAMPAL NA AKO SA PAGMUMUKHA NG LETSENG BOUNCER SA BILLIARDS & BAR NA NAMAHIYA SA AKIN DAHIL SA KONTROBERSYAL KONG NON-PHOTO I/P NOONG HALLOWEEN!



Gusto ko rin siyempre pasalamatan the rest of my immediate family for the moral and financial support; Ma and my sisters for the former, Pa for the latter.

No comments:

Post a Comment