Pages

Wednesday, November 26, 2008

Basta Driver, Sweet Lover

Nagising ako bandang 4:30 ng umaga nang tumatawa. Comedy kasi ang napanaginipan ko. Kasama ko raw ang dalawa kong kapatid sa isang café. Umoorder kami ng drinks. Yung isa, umorder ng tea. Nakigaya ako. Pagkatapos, yung isa, hindi makapili. Pinayuhan ko na mag-mint tea na rin lang. Pero nung tinanong na siya ng waiter, ganito ang sinabi niya:

“Miss, may conditioner kayo?”

Naghanap ng shampoo! Kaya pagmulat ko ng mata, tumatawa ako mag-isa sa kwarto ng madaling araw. Nang maibsan, saka ko kinapa ang cellphone sa may ulunan ko (headboard ng kama). Sinet ko ang alarm ng 9:30. Oo, may lakad kasi ako.

Ngayon ang scheduled drive test ko.

Kaya andito ako sa Vernon at wala sa Apartment. Dito ko pinasya kumuha ng exam dahil mas mabilis akong makakapagpa-schedule. Kumpara sa Bellevue, hindi kasing-komersyalisado ang lugar kaya’t hindi ganoon ka-busy ang opisina. Isa pa, at ang pinakaimportante talaga, may magtuturo saken ng technique.

Dalawang linggo na ang nakararaan mula nang tingnan ko ang weather forecast para sa araw na ito. Hanggang ngayon, mapamahiin pa rin ako.

Ayon sa prediksyon, uulan.

10:50 ako lumabas ng bahay. Madilim ang kalangitan. Kaya binuksan ko ang headlight.

Pagdating sa opisina, umaambon na. Hindi ko na natingnan sa relo kung anong oras ako iniwan ng kuya ko at kung gaano ako katagal naghintay sa loob ng kotse na giniginaw dahil pinatay ko ang makina. Ang tiyak ko lang hindi eksaktong 11:15 dumating ang test instructor. Yun ang palagay ko dahil pakiramdam ko ang tagal kong naghintay. O dahil baka sa sobrang kaba ko lang kaya nakalimutan ko na yung sinasabing mabagal ang oras pag naghihintay. Ewan.

Nung halos mawala na sa utak ko na naghihintay ako, saka siya kumatok sa bintana.

Roll down the window. Smile. Politely answer the question, “How are you today?” Show the car insurance and identification. Check stepping on gas followed immediately by hitting the brake. Check turn signals. At the front. Left. Right.

OK.

At the rear. Left. Right.

OK.

Before rolling up the window, demonstrate proper hand signals. Right. Left. Stop.

OK.

Now, START. Back the car and turn right to go out into the main street.

OK.

Turn right. Pull over to the side. Re-enter traffic.

OK.

At the next corner, turn right. Back around the corner. SWEAT DROPS! Staring. Staring. Staring.

OK.

Re-enter traffic. At the next block, turn left. Stop sign. Behind this truck, do the parallel parking. CURB HIT! Writing. Writing. Writing. “SORRY, YOU FAILED” ALERT. Re-enter traffic.

OK.

Drive… Drive… CONCENTRATION SHAKEN. Turn left back to the office. Park next to the first car on the left.

OK.

OK. OK. OK.

Blah-blah-blah… You scored 88. Blah-blah-blah… Back to the office. Completed test. Blah-blah-blah…

OK?

OK.



Pero hindi ako nakakuha ng lisensya. May kulang pa kasing dokumento.

No comments:

Post a Comment