Maaga akong gumising dahil kinakailangan kong pumunta sa opisina para ayusin ang pagproseso sa aking lisensya.
Hindi ako mapakali dahil hindi ko gusto ang naghihintay at pinaghihintay. Makailang beses kong sinusubukang tawagan ang kapatid ko subalit hindi sinasagot. Tulog pa rin siguro. Baka nakalimutan na naman. Malamang mamaya pa yun magigising.
Siguro. Baka. Malamang.
Sigurado ako sa mga alinlangan ko sa kanya. Dalawang beses na niya akong sinubukan. Pinaghintay at pinaasa. Pinaglakad sa maginaw at maulang gabi sa kahabaan ng daang walang ilaw. Dalawang beses. Hindi na ako magtataka kung matatatluhan ako ngayon.
Para palipasin ang araw at isaisantabi ang pag-iisip, binuklat ko ang Crank. Nakailang pahina rin ako subalit hindi ko magawang makapag-pokus dahil naririnig ko ang kamay ng segundo sa aking relos.
Sa wakas tumawag din siya ng bandang alas onse, pagkatapos ng halos dalawang oras ng aking pagpapanic. Ala una raw siya darating.
Matagal ang paghihintay lalo na kung mahaba ang pila. Doble ang ramdam na kasabikan o pag-aalala o pagkabugnot.
Sa labas ng opisina, nagsimulang lumakas ang buhos ng ulan. Gumapang ang oras. Hanggang sa dumating ang aking pagkakataon. Hindi naging madali at mabilis ang tagumpay na inaasam/inaasahan. Subalit paglabas namin, hindi ko inalintana ang buhos ng ulan.
Dumiretso kami sa Olive Garden. Pagkatapos sa NEX. Pagkatapos nag-drive thru sa Starbucks para sa isang baso ng peppermint mocha. Pagkatapos, sa Kohl’s. Pagkatapos, umuwi na.
Napakahaba ng araw. Ayoko pa sanang tapusin subalit napagod ako at ilang minuto ng pagpapatugtog, ako ay nakatulog.
Mahimbing.

No comments:
Post a Comment