Madaling araw ako gumising. Mga apat na oras lang ata ang itinulog ko dahil sabik ako sa unang ‘Black Friday’.
‘Black Friday’ kasi madaling araw nagsisimula ang Thanksgiving Holiday SALE sa mga tindahan.
7:30 kami umalis ng bahay.
Una kaming nagpunta sa Marsyville kung saan naroroon ang outlet ng mga branded dry goods. Di ako mahilig sa tatak; bukod sa mahal, hindi ko naman trip ang style. Pero nakabili ako ng wallet dahil sa buong buhay ko hindi pa ako gumamit ng wallet. Marami akong wallet pero hindi ako gumagamit ng wallet. Laging nasa bulsa lang ang pera ko o kaya ID o susi o barya. Ngayon pa lang, hopefully. Bumili rin ako ng turtleneck short- and longsleeves. Pagkatapos, nagpunta kami sa Alderwood Mall para sa Forever 21. Bumili ako ng longsleeves at jacket. Nakabili rin ako ng tatlong paperback sa Borders bago kami umalis. Yung mga nasa wishlist ko. Tapos balik sa Marysville para mag-lunch sa McDo. Ayoko mag-buffet sa Casino dahil marami pang tiring pagkain nung Thanksgiving sa bahay. Tsaka hinahabol ko ang opisina bago magsara ng 5 PM. Pero nung tumawag ako habang nag-oorder ang kapatid ko ng nuggets at burger, nalamang kong sarado rin pala sila hanggang ngayon. Extended holiday. Pagkatapos naming kumain, nag-grocery kami sa Wal-Mart. Mga 4 PM kami natapos. Dahil maaga bagamat madilim na, dumiretso kami sa Burlington. Nakabili ako ng maong at corduroy sa Cascade Mall. Pagkatapos, dumaan kami sa Target para bumili ng bagong chuck’s ang kapatid ko at napabili rin ako ng isang hardbound. Nakauwi kami bandang 7:30 ng gabi.
Halos 12 oras kami sa labas.
At the end of the day, I spent about $500. Ubos ang savings.

No comments:
Post a Comment