Akala ko pupunta ng “party”. Yun pala, sa Bellevue Arts Museum. Para masulit ang $9 na fee, nakitikim na rin ako ng Steak House. Habang umiinom nang nakatindig (wala ring mesa), may musikerong sintonado na nagpi-piano tapos naggigitara.
Napakaboring.
Para magpalipas ng oras para sa hinihintay na “Happy Hour”, umakyat kami sa nag-iisang bar na may bilyaran sa Lincoln Square. Pero siyempre kupal ang mga bantay kaya hindi ako pinapasok.
Kasi mas malaki at mas matangkad sila akin. Kasi mukha akong inosente. Kasi naka-costume ako. Kasi BROWN ako.
E di siyempre napahiya ako. Di ako pinapasok e. Nagmukha akong tanga. E di galit na galit ako. Kasi pinagmukha nga akong tanga.
At dahil hindi naman ako pwedeng iwanan ng mga kasama ko sa labas, napagpasyahang dumiretso na lang sa chibugan kahit hindi pa “Happy Hour”.
Kumain kami.
Wala naman palang “Happy Hour.”
Pagkatapos, umuwi na kami.
Pagdating ko sa bahay, na-realize ko napakawalang-kwenta ng celebration. Parang magpapasko kung makapaghanda ang mga tao. May mga last-minute shopping pang nalalaman para sa kani-kanilang costume. Pero pagsapit ng Halloween, wala naman yung “spirit”.
Boring.
Corny.
Pangit.
Baduy.
At oo, boring.
Nasabi ko na bang boring?

0 comments:
Post a Comment