Ngayong gabi, dito sa aking maginaw na kwarto, napansin kong maliwanag sa labas pagkapatay ko ng ilaw. Mula sa nakasiwang na blinds ng bintana, aking natanaw ang pinagmumulan ng liwanag. Sa malawak na kalangitan, naroroon siya.
Bilog.
Saglit na huminto ang pagtibok ng aking puso. Naramdaman kong tumambling ang aking bituka. Nagwawala ang lobo sa loob ko. Gustong umalulong. At ako ay walang nagawa kundi ngumiti.
Halos isang linggo na mula nang huli akong kumain ng tsokolate.
Subalit ngayong gabi, kung ako’y papipiliin sa pagitan ng tsokolate at buwan, hindi ako mag-aatubiling piliin ang huli. Hindi ko yata kayang ipagpalit ang kakaibang kapanatagang aking nadarama sa tuwing naaaninag ko ang kanyang anyo sa kalangitan.
Bilog na naman kasi ang buwan.

0 comments:
Post a Comment