Friday, December 12, 2008

Langit, Lupa, Sino'ng Sugapa?

Ang buhay ng isang adik ay straightforward.
UP AND DOWN.

Pag bumatak, diretsong langit. Life is good. Ito ang ‘up’.
Pag nawala na ang tama, Biyaheng Impiyerno na. Ito ang ‘down’.

Peace, brothers and sisters! Alam ko wala naman akong karapatang magsalita para sa kanila. Kapal lang ng mukha. Makiki-join. Makiki-ride on.

Ang totoo, takot talaga ako sa bato at damo. Takot dahil confused. Masama kung ilegal, mabuti kung legal?

Kaya nga hindi ako pwedeng maging scientist kahit Science ang pinag-aralan ko. Hindi kasi ako mahilig sa experiments. Ayoko.

Pero mukha ngang hindi ko na kailangan niyan para lang masabi ko ang bagay na sinasabi ko. Meron din kamo akong ‘high’ at ‘low’.

Default ang ‘up’ ko. Life as it is.

Kabaligtaran ng sa adik, bumabatak ako para sa ‘bad trip’.

Tatlong pangunahing ‘downers’:
  1. Libro (Reading)
  2. Chocolate (Sugar)
  3. Tugtog (Music)

Pag pinagsabay-sabay ang tatlo (kumbaga e combo), garantisadong ‘ultimate sabog experience’.

Epekto: Depression. Alienation. Desolation. Etc.

Isip kasi ang apektado. At pag umabot na nga po ang kiliti sa utak, delikado na. Gaya ng sa adik, impiyerno kung impiyerno. Bad trip kung bad trip ang feeling.

Bubulusok hanggang kailaliman ng kukote.

Tanging panahon lang ang lunas. Naks.

Totoo.

Oras. Paghihintay.

Pakatapos, automatic restore. Default setting. Gaya ng paglangoy. Pagsisid. Hindi pwedeng walang oxygen. Aahon at aahon sa surface para huminga. Ang tao, hindi isda.





***

Epekto ng pinagsama-samang 'nightly chocolate session' sa loob ng isang linggo, insomnia, at Crank ni Ellen Hopkins.

0 comments: