Ineksibit sa PacSci ang labi ni Lucy (Australopithecus afarensis). Yung larawan ng kalansay niya na nakikita natin sa mga textbook, yun ang naka-display sa glass case. Tapos may model din kung ano ang kabuuang hitsura niya. Ayun mukhang unggoy. Tapos maliit, around 3 feet lang kasi siya diba. (Yeah, mas matangkad ako sa ninuno ko!) Tsaka balbon siyempre.
Interesanteng impormasyon na napulot (at hindi ata napag-aralan sa Anthro10 at Archaeo2) :
Iba pang highlights ng 'field trip' sa PacSci:
Marami pa sanang cool na interactive stuffs na gusto kong subukan kaso hino-hoard ng mga bata o/at magulang. Kainis.
***
Napakswerte ng mga bata ngayon. Napakaraming bagay ang maaaring matutunan sa loob ng isang araw na katumbas ng ipinaglalagi ng estudyante sa loob ng iskwelahan sa loob ng mahabang panahon. (Isang exhibit lang ang katapat ng pinag-aralan ko sa Anthro at Archaeo?! C'mon!)
Interesanteng impormasyon na napulot (at hindi ata napag-aralan sa Anthro10 at Archaeo2) :
- Ulna ang unang nahukay.
- Femur ang sumunod.
- Hindi alam kung paano at bakit naging Lucy ang tawag. (Hehehe)
- Obsolete ang napag-aralang hierarchy na: (pabaliktad) H. sapiens <--- H. erectus <--- H. habilis <--- etcetera <--- etcetera, etcetera KASI Pre-Lucy pa ang teoryang ito. (Merong pinakitang 'tree' na Post-Lucy at dahil mas bago, mas complex. Kaso hindi ko na naintindihan. Sala-salabid ang arrow. Haha!)
Iba pang highlights ng 'field trip' sa PacSci:
- Humipo ako ng Dinosaur dung. (Yeah!) Matigas siyempre. Parang bato lang. (Fossil nga e.)
- Abnormal ang BP ko: above normal ang systolic rate, below normal ang diastolic rate, at *super* above normal ang heart beat. Wala kasing numerical data na binigay. Estimate lang. May lilitaw na red line tas depende sa haba mula sa point of reference, which is the Normal. Pero kumbaga sa rate na 1-10, 5 yung normal, nasa 9 yung heart beat ko. (Abno!!)
- Nakakita ako ng boa constrictor (Boa constrictor). Sa wakas! Dati, iniimagine ko lang based sa drawing sa The Little Prince tas nakita ko sa TV nang magpunta ang Wildboyz sa Africa. Ngayon, personal na! Dalawa sila, si something at si something. (Hindi ko na maalala, pero babae at lalaki.) Upclose ang hirap paniwalaan na kayang lumunok ng mammal nitong ahas na 'to kasi anliit lang ng ulo. Mas malaki pa katawan kesa ulo. (Gusto ko nga sanang bulabugin para magalit. Baka sakaling ngumanga.)
- Nakakita rin ako ng naked mole rats. Trivia: Social animals sila at unique ito sa kanila bilang mammals. Elongated ang katawan nila. Naked sila kasi kita balat nila. Walang balahibo. (Naaalala ko yung mga daga namin sa thesis. Yung mga baby na mukhang tuta. Hindi pa kasi tinutubuan ng balahibo. Ganun.)
- Nakakita ako ng butterfly na mukhang.. butterflyfish. Wala nga lang buntot. (LOL)
Marami pa sanang cool na interactive stuffs na gusto kong subukan kaso hino-hoard ng mga bata o/at magulang. Kainis.
***
Napakswerte ng mga bata ngayon. Napakaraming bagay ang maaaring matutunan sa loob ng isang araw na katumbas ng ipinaglalagi ng estudyante sa loob ng iskwelahan sa loob ng mahabang panahon. (Isang exhibit lang ang katapat ng pinag-aralan ko sa Anthro at Archaeo?! C'mon!)
0 comments:
Post a Comment