Kung anong hirap bumangon sa umaga este tanghali, dobleng hirap naman matulog sa gabi este madaling araw.
Ilang araw nang ganito na dire-diretso hindi tulad nung isang taon, sa nagdaang buwan ng Disyembre. Bad trip! Minsan napapaisip tuloy ako kung kailangan ko na uminom ng gamot.
Nung isang araw, sumakit ang ulo ko. Sa tindi ng sakit, kinailangan kong idaan sa isang tableta ng Paracetamol. Gumaan ang pakiramdam ko tapos makalipas ang ilang oras, nakatulog ako. Nakatulog ako at hindi sapilitan! Tapos paggising ko kinaumagahan este kinatanghalian, andami kong naging panaginip. Sari-sari. Pero hindi ko na maalala pagkabagon ko sa kama.
Pag sumapit na sa taning na alas dos ng umaga ang oras, itutulak ko na ang sarili ko na humiga sa kama pagkatapos ay ipipikit ang mga mata nang napakahigpit. Pakapipiliting matulog, makatulog. Struggle kung struggle. Pabali-balikwas ako sa kama.
Kinaumagahan, pagtingin sa orasan, tanghali na. Naglaho na naman ang kalahating araw. Pagkakain, maliligo, tapos gabi na uli. Maya-maya oras na naman ng pagtulog.
Ayoko na matulog. I mean, ayoko matulog sa oras ng pagtulog. Bakit ba? Ako ay isang nocturnal. Maliksi ang utak ko pagsapit ng dilim. Nakikipaghabulan ako sa sariling imahinasyon sa sandaling patay na ang ilaw. Hindi magkandatuto. Andaming magagandang idea. Kaya kayhirap matulog, makatulog.
At kayhirap din bumangon dahil alam kong napakaraming bagay ang pinakawalan ko nang piliin kong matulog nang sapilitan.
Sabi ni Marisol,

"I want to do everything... Why not? Sleep less."
0 comments:
Post a Comment