Sunday, January 18, 2009

Sanity vs. Sanitation

Bandang alas kwatro ng hapon, bigla ko na lang naramdamang masakit ang lalamunan ko. Out of the blue. Pero dahil nagbabasa ako, ininda ko lang.

Hoy Brain, kung Brain ka talaga, i-disconnect mo nga ang nag-iinarte at KSP na si Throat. Alam namang nagbabasa yung amo, papansin pa. Killjoy, amp!

Nasa kalaghatian na ako ng nobela nang istorbohin ako ng another human being na nagpapasama lumabas.

Siyempre dinahilan ko masakit ang lalamu---

Nang bigla kong marinig ang magic word na "mocha". Wala pang five minutes, nakabihis na ako.

Opo, ang atensyon ko ay katumbas na lamang ng isang basong kape (yung Grande). Bagsak-presyo? Recession kase. Dapat cheap pleasures.

Balik sa usapang-sore throat.

Bubble tea ang huli kong ininom. Sa labas ako kumain. Maraming tao---

GERMS!!!

YAAAAK! AAAACK! GERMS!!! NOOOO! GERMS!!! KA-DI-RI!!! GERMS!!! AAAACKKKK!!! YAAAAKKK!!!

Hindi ako naghugas ng kamay bago kumain. Hindi ako gumamit ng tinidor. Kinamay ko ang pagkain. Iba ang naghanda ng pagkain. Hindi ko alam kung paano hinanda ang pagkain. Malamig yung bubble tea (superstition haha!).

Hindi ako lumalabas ng bahay. Stay-in. Enclosed. Shielded. Walang exposure sa foreign matter. Kulang sa bad bacteria. Bumaba ang resistensya.

Akmang bubuksan ko na yung isang 250-mg ng Amoxicillin nang sitahin ako ng awtoridad:

Siya: "Bakit ka umiinom nang walang prescription? Kaya dumarami ang mga blah-blah-blah.."

Ako: "Fine!" Sabay surrender.

Uminom na lang ako ng tsaa at tinuloy ang pagbabasa. Pero nilayo ko ng kung ilang nano-milya ang mukha ko sa libro. Kasi hiniram ko lang sa library---

Library. Free access. Public. Not Private. Outside. Foreign matter. Germs. GERMS! GERMS!!!

YAAAAK! AAAACK! GERMS!!! NOOOO! GERMS!!! KA-DI-RI!!! GERMS!!! AAAACKKKK!!! YAAAAKKK!!!



Nung natapos ko yung libro, kasabay ding nawala sakit ng lalamunan ko.

0 comments: