Friday, February 6, 2009

Ala Eh! Batangueño ire

Ala eh nagpeklat ang aking sugat sa palalibagan (likod ng siko).

Paano baga nama'y nung isang araw laang ako'y nagmaneho sa highway. Ay unang sabak ko iyon at kami ga nama'y muntikan nang mabangga. 'Kow ang takot ng Ate! Napakapakit ga naman sa aking kanang braso, ay anong higpit, a-a. Papaano ga nama'y ako rin naman ang may dahil. Gawang dapat ako ay maghintay sa aking turn para mag-merge kaya laang yung SUV pala sa kaliwa ko ay pinagbibigyan na ako ay hindi naman ako nainle. Bago'y nung umarangkada ang SUV ay saka naman ako sumingit! Ay ayon at nagulat din siguro ang drayber at kaya tuloy kami ay na-potpot-an. Bago'y nang kami'y ma-istak sa trapik ay naramdaman ko gang may mahapdi sa aking kanang braso. Ano ga't pagtingin ko ay may sugat sa aking palalibagan (likod ng siko). Ay tunay naman, pagsatalim pala ng kuko ng Ate! 'Kow namumula ang aking balat ay kulang na lang ay ibaon mismo ang kuko. Pagdating ko sa bahay ay may dalawang puncture. Bigla ko ga naman naalaala si Edward Cullen hahaha!

Sarado na ang Enero. 'Kow nang tingnan ko ga naman ang aking listahan ay 1/4 na pala ako sa aking 101 things in 1001 days, a-a! Ay tunay naman, nasobrahan yata sa Alaxan. Sana'y magtuluy-tuloy laang.

Marunong na akong magsaing sa rice cooker. Papaano baga nama'y napilitan na rin akong gumamit ng daliri sa pagsusukat ng tubig na nasa ibabaw ng bigas. Ay tunay ngang effective!

Nakakasura ga ulitin sa halip na isundo na lamang ang pagbabasa ng nobela. Nakakasura ulitin gawa nang binasa mo na yun dati. Kaya ako'y surang-sura magbasa ng Just in Case (Megan Rosoff).

Sa walo ga namang librong hiniram ko sa library ay dalawa pa ang hindi ko tapos bago'y isa ang hindi ko man laang nabubuklat pa. Papaano'y series (Demonata, Darren Shan) ang nobela ay #4 (Bec) ang nahiram ko. Bago'y #2 (Demon Thief) ang nabasa ko dati na siyang meron ako. Ay dapat mabasa ko muna ang #1 (Lord Loss), bago'y #3 (Slawter), saka pa ang #4. Di ga?

Hindi ko ga akalain na matatapos ko ang Red Dragon (Thomas Harris). Papaano'y lagi ko na laang gang isinasantabi. Inuna ko ang Piercing (Ryu Murakami). Isinunod ko ang After Dark (Haruki Murakami). Tapos nanghiram na uli ako ng panibagong batch. Inumpisahan ko agad ang Green Angel (Alice Hoffman) dahil manipis laang, ay kunyaring appetizer. Bago'y nang matapos ako, sinunod ko na agad ang Joker (Ranulfo) gawa nang ayaw naman akong dalawin ng antok.

1 comments:

Anonymous said...

hindi ba medyo mahirap yata magsalita ng ganito? hahaha pero mas natawa ako sa mukha ko habang binabasa siya.. mahirap pala gayahin ang puntong ganito. haha