Kailangan ko ng face mask. Sinisipon mga kasambahay ko. VIRUS ALERT!!!
***
Gusto mo ng "gamitan" experience? Add mo ko sa Facebook account tas invite kita sa Mobwars tas accept mo ha tas pag magkakampi na tayo, delete na kita sa list ng Friends ko. Sa maniwala ka man o hindi, 'yan ang sistema sa lahat ng Facebook game applications.
***
What is love? Hindi ko alam kung ito na yung pakiramdam nung tumigil ang paggalaw ng mundo nang makasalubong ko siya sa SC o kaya naman e nung limang beses kong magkakasunod na napanaginipan siya nang kalbo pa ako. Basta ang natitiyak ko, si Ryu Garai (Thunder Jet) pa rin ang first love ko.
***
Mabuti pa ang kotse, may insurance. Yung drayber tuloy, wala. Pag naaksidente, babay.
***
Kailangan mo ng insurance para may sumagip sa'yo sa aksidente. Pero maaksidente man o hindi, hindi na makababalik sa'yo ang kabuaan ng binayad mo. Pag ako naging Diyos, buburahin ko sa ibabaw ng lupa 'yang mga nasa Insurance Company na 'yan.
***
Sabik na sabik ako sa pag-file ng income tax ko kasi malaki raw ang makukuha kong kickback. Tumataginting na $6 ang income tax return ko. Katumbas ng isang roundtrip na bus papuntang Seattle.
***
Kung bakit ga-kulangot lang ang halaga ng aking ITR, tinanong ko sa matatanda. Sa retirement ko pa raw malalasap ang ligaya. Nakakawalang-gana na tuloy magseryoso sa paghahanap ng trabaho.
***
Ang kabalintunaan ng buhay. Noon walang oto, walang lisensya, meron lang trabaho. Ngayong full-tank, pwedeng-pwede nang makapasok sa kahit anong bar at umorder ng alkohol, wala namang mapasukang trabaho.
***
Mas malaking bilang ng dependent, mas maliit ang kaltas sa sweldo, at mas malaking kickback sa ITR. Kung ikaw ay babae, single, at walang trabaho, magpabuntis ka na lang. May rasyon ka pang gatas at pineapple juice buwan-buwan.
***
Kung ikaw ay isang terorista, ikasisiya mo siguro ang pagdalo sa Super Bowl kagabi. Naatake mo na ang kalaban nang walang kamalay-malay, nakalibre ka pa ng dinner na chicken wings. Mission (genocide) accomplished.
***
Kung gusto mong sumuka nang hindi nalalasing, magtimpla ka ng whiskey at Dr. Pepper Diet. Kung gusto mo lang sumuka basta, uminom ka ng Dr. Pepper Diet na may halong whiskey. Kung gusto mong sadistahin ang dila't bituka mo, uminom ka ng pinaghalong Dr. Pepper Diet at whiskey.
***
Hindi ko matapus-tapos ang binabasa kong Screwtape Letters ni Clive Staples Lewis. Akala ko nung una siya si C.S. Lewis na sumulat ng Chronicles of Narnia. Yun pala, siya nga talaga.
***
Inutusan akong magluto ng Lucky Me Pancit Canton pero sa halip, naghugas ako ng pinggan. Naalala ko bigla yung kaklase ko nung highschool na taga-tank saken dati sa Ragnarok Online. Kung nanganak at nag-asawa rin ba kaya agad ako, magiging magaling ba ako sa pagluluto ngayon?
***
May napanood ako kaninang video na project sa Pan Pil 17 ni Sir U. Isang MTV ng panggagagad sa "Hindi Ako Bakla" ni Michael V, pinamagatang "Sino Ba Si Bob Ong?" Dati pang sikat si BO pero bakit hindi man lang namin 'to ginawa dati.

0 comments:
Post a Comment