Showing posts with label family. Show all posts
Showing posts with label family. Show all posts

Monday, March 2, 2009

Magbiro Ka Na Sa Akin, Huwag Mo Lang Ako Gigisingin

I so hate weekends.

Lalo na kapag naka-shorts lang ako.

Bakit?

Kasi pinapasok kami ni Ate sa kwarto at hihilahin ang kumot ko, sabay sigaw ng, "Gising! Gising!"

Aaaaaaargh...



P***** **a!




Isipin mo 'to: Babagong-tulog ka pa lang kakababad mo sa pag-iinternet. Malamig sa inyo, lalo na sa umaga. Nagkataon pang naka-shorts ka lang hindi pajama. Malas mo lang lalo kung wala ka ring suot na medyas. Nakabaluktot ka, nagsusumiksik sa mga nakapalibot na unan sa iyong kama. Nakatalukbong sayo ang makapal mong kumot.

Ang kumot na huling alas mo bilang pananggalang sa lamig na nanunuot sa apat na sulok ng inyong kwarto na hindi kinayang gupuin ng heater.

Pagkatapos hihilahin bigla yung kumot mo.





Hindi ka ba maaasar?



Siguro nakatatlong beses siyang kanina nanghila ng kumot.

Lecheng dimsum-dimsum na 'yan. May narinig pa nga akong kape e. Kung ako rin lang naman ang tatanungin, mas pipiliin ko matulog kesa kumain.



Hindi naman talaga ako mahirap gisingin. Pero kung pupwede lang sana, ayoko nang ginigising ako. May kusa naman kasi ako. Kung halimbawang may napag-usapang lakad, gigising ako nang maaga kahit pa napuyat ako. O ang madalas pa ngang mangyari, hindi na ako natutulog para lang hindi ako tanghaliin ng gising at mahuli sa aming lakad.

Matinong usapan lang naman ang kailangan e.

Ang kaso si Ate yun e. Malabo pa sa 'malabo'. Pag naisipan, magyayaya bigla. Pag may sinabi, madalas hindi naman ginagawa. Nagmumukhang tanga lang tuloy yung kawawang napaniwala.

Sala sa init, sala sa lamig.



Alas diyes ng umaga yata siya nambulahaw.
Alas dos ng hapon ako bumangon.



Sunday, March 1, 2009

Katahimikan, Mabisang Palusot Este.. Solusyon?

Naghihilamos ako ng mukha kanina nang biglang pagbukas ko ng gripo, lechugas, ice cold ang tubig!

Siyempre badtrip ako dahil ginagamit ni roommate ang banyo sa kabila. Siguradong kinanya niya na ang mainit na tubig. Kaya dinali-dali ko na lang ang paghihilamos at pagtingin ko nga sa salamin, nakita ko namumula ang pisngi at ilong ko.

Pagpasok ko ng kwarto, nasa banyo pa rin si roommate. Leche siguradong enjoy na enjoy siya sa kanyang hot bath..

Nang biglang bumukas ang pinto sa banyo at lumabas si roommate.

"Pagamit nga ng banyo n'yo.."

"Bakit," ika ko. "Malamig ba ang tubig?"

"Oo."

"HAHAHAHAHAHAHA! Malamig nga. Kahihilamos ko lang. Akala ko nga inubos mo na e."



Flashback habang naghihilamos ng mukha


Bukas ang pinto sa banyo at pinasok ako ni Ate sabay patay ng ilaw sa may lababo at binuksan yung kabilang switch, yung ilaw sa may tub."

"Aba! Tatlu-tatlo ang ilaw mo. Ako nga nagtitiis lang sa isa."

Tatlo kasi bumbilya dun sa may lababo.

"E di mag-kandila na lang tayo," hirit ko.

"Oo mabuti pa nga. Mag-kandila na nga lang tayo. Ang mahal-mahal na ng binabayaran ko...blah..blah..blah..."



May aaminin ako.



Mula nang isiniksik ko ang sarili ko rito sa K102, tumaas ang household bills.

Ang bill namin ng kuryente ngayong buwan ay $150. Nung isang buwan, $130 ata.

Si Ate ang nagbabayad at mainit ang dugo niya kay roommate. Kasi si roommate palaging iniiwang bukas ang vent sa banyo niya, araw man o gabi, pagkakagamit niya. Tsaka isine-set niya ang heater namin sa kwarto sa 70-71 degrees pag matutulog na kami sa gabi.

E si Ate nga ang nagbabayad ng electric bill!

Kaya tuwing umaga, pinapasok niya kami (ako na lang pala dahil nakaalis na si roommmate para pumasok sa trabaho) sa kwarto para ibaba sa 65 degrees ang heater AT patayin ang vent sa banyo.

Minsan, nagigising ako dahil sa kalampag ng pinto. Pero madalas hindi ko na namamalayan dahil bagong-tulog pa lang ako ng mga bandang alas sais o alas siyete ng umaga.

Sila ang nag-aaway at siyempre ako ang napapagitnaan.



Eto na aaminin ko na...



Inuumaga ako sa pag-iinternet. Hindi. Magdamag ako sa pag-iinternet. Siguro nga ata 3/4 ng araw, online ako!





Kaya hindi lang si Ate ang napeperwisyo. Pati si roommate (sister #2) nagrereklamo rin na tumaas ang bill sa Comcast na binabayaran niya.



Pero sila ang nag-aaway!





Tahimik lang ako.



AHAHAHAHAHAHAHAHA!



Saturday, January 3, 2009

Balik-Tanaw Sa 2008 (Beryson 2)

Andaming nangyari. Sobrang dami. Diba, dibs? Andaming biyahe. Andaming mukha. Andaming drama. Andaming alak. Andaming calories. Andaming gastos. Andaming retrato. Andaming luha. Andaming halakhak. Andaming bloopers. Sari-sari, halu-halo, labu-labong emosyon. Mga 1st time and last time. Mga welcome at paalam. Mga pangako at excuses. Mga bago at sinalo. Mga itinapon at nilimot sa kahapon. Mga nilisan at binalikan. Andami. Andami-dami. Saan ko ba uumpisahan?

Graduation. Yeah! Congrats. Akalain mo nakatapos ka on-time. Na-survive mo ang jinx ni Oble sa Quezon Hall pagkatapos mong makipagkodakan kasama niya nung katutuntong mo pa lang sa university. First year. First sem. Obviously, wala ka pang alam. Hindi mo alam ang urban legend. Kaya nang i-spill sa iyo ng Ate mo pag-uwi nyo sa inuupahan mong kwarto sa UP Bliss, halos mangiyak-ngiyak ka dahil natuklasan mong doomed na kaagad ang kapalaran mo hindi ka pa man nakakapag-umpisa. Hahaha! What a loser. But then again, nagawa mong isanla ang iyong kaluluwa kay Sata--- este nahabag sa iyo ang kapalaran dahil ang middle name mo ay Tanga, kaawa-awa ka naman sige na nga, sumaiyo ang kaligtasan mula sa delay.

Kabiokada. Akalain mo nga naman, may social life ka rin pala. Hahaha! Good job, loser. Pasalamatan mo naman ang mga kaibigan mo. Mag-"I love you, friends" ka. Kung di dahil sa kanila walang kang Multiply account. Dahil kung di dahil sa kanila, walang food trips. Walang inom. Walang karnabal. Walang Dibi-Divisoria. Hindi ka mapapakanta sa videoke. Hindi ka makakarating sa Timog Ave. Hindi ka makarating sa Greenhills sakay ng jeepney. Walang mangungumbida sa iyo sa mga birthday celebration. Wala kang makaka-rakrakan pagsapit ng Feb Fair o karamay sa puyatan/cramming tuwing may exam. Etcetera. Etcetera. Kung di dahil sa kanila, L-O-N-E-R ka na L-O-S-E-R pa. Itaga mo yan sa.. sa.. sa buto mo. Deep into your bone marrow.

Legaspi. Dito kung saan ka una pagkatapos ay huling lumusong sa baha. Muddy baha! Ito ang huling bakas ng iyong phobia sa ulan. Nagpaalam ka ba talaga nang maayos? Hahaha loser. Inunahan na ang takdang oras ng libing niya. Pero aminin mo, nung gabi sa handaan (post-nuptial), pinatulan mo ang SMB. Ikaw pa umubos. Ano ba yun, sobrang bored ka ba sa buhay, hija, o uhaw ka lang talaga? Either way, huli ka. Ayaw daw ng beer, o. Yan ba ang nagagawa ng nostalgia, nade-deactivate ang taste buds?

Disyerto. Memorable 'to. In fact, ito ang isa sa top favorite memories mo. Pwede ka nang mamatay there and then kung ginusto mo. Dahil maligaya ka. Dahil maligaya kayong lahat. It's all about good time. High time. Dito mo rin natuklasan ang sarap ng pinaghalong vodka at Redbull. Lasang apple juice, yum yum. At higit sa lahat, dito ka lalong humanga sa Ate mong sinubukan mong gayahin pero hindi mo nakopya. Saka mo maiisip na wala sa lugar kundi nasa tao ang kaganapan. Walang kinalaman kung pareho kayo ng pinanggalingang iskwelahan. Kung talagang Tanga ang middle name mo, sorry ka. On a brighter side, nabalitaan mo kay Sir U ang tungkol sa Philippine Graphic. Ang nag-iisa't tanging maipagmamalaki mong bagay sa mundo ng mga letra. Pero walang ibang nakakaalam. Hindi sa isa itong lihim. Masama sa kalusugan ang magbuhat ng sariling bangko.

East Coast adventure. Tour de Amateur. Dalawa lang kami ng kapatid ko. In a strange city. In a faraway country. On the other side of the world. Pinaka-exhausting both as experience and memory. New York ang pakay namin at nasa New Jersey ang tinutuluyan naming hotel. Sa lob ng apat na araw, araw-araw humigit-kumulang isang oras ang biyahe. At ang biyahe, biyahe kung biyahe!

Hotel ---> shuttle bus ---> airport ---> air train ---> bus terminal ---> bus ---> railroad train ---> subway ---> NYC (=walkathon)

Jetlags, Alak, Buryong. May mas angkop na tawag rito. Homesickness.

Lisensya. Antindi ng dinulot nitong sakit sa ulo. Halos makalbo ata ako? Halos magka-wrinkles?

Thursday, January 1, 2009

Balik-Tanaw Sa 2008

Pag ganitong tumatanda na tayo, masarap balikan ang nakaraan.

I. Mga "First Time" Na Hindi Na Muling Mauulit

1. University graduation

Isang beses lang ako magtatapos ng kolehiyo at wala na akong balak bumalik sa iskwelahan ganitong wala (na) akong sponsor at wala (pa) akong trabaho. Mahirap mabuhay nang walang plano. Kaysaklap ng kapalaran maging isang Viola kung ang middle name ay Tanga.

2. Sumakay sa likod ng camel.

Libre lang.

3. East Coast tour.

Sabit lang.

4. Pamemeke ng ID para makapasok sa bar.

Nag-beinte uno na ako. May lisensya na ako. At di ko yata type ang sports bar (Yuuch!).

5. Manood ng concert ng boyband.

Kung pagbibigyan ng pagkakataon (na makanood) sa darating na panahon, naniniwala akong hindi boyband ang Tokio Hotel.

6. One-month job experience.

Very bad experiment. Never to be repeated again. Promise. Cross my heart and hope to die.

7. Yumakap sa inodoro.

Ayoko na muli pang sumuka ng nilagang mani at humalik sa paa ng kung sinumang nagmamay-ari ng nilapastangan na (pulang) carpet.

II. Love is Sweeter the Second Time Around o Ang Mga Iniwanang Muling Binalikan

1. BobOngBooks forum

2. Blogs

3. Mobwars sa Facebook

4. Myspace account

5. Mukamo forum

IV. Practical New Year's Resolution

Dagdag-Bawas #1.

Dagdag: Umiinom na ako ng kape.

Bawas: Alak

Dagdag-Bawas #2.

Dagdag: Gawaing-bahay

Bawas: Nobela tungkol sa Droga, Depression, Suicide

Monday, August 11, 2008

Gulong Ng Palad

Isang araw, napagpasyahan ng kapatid ko na tacos ang hapunan namin. Nagpunta kami sa Shopette at bumili ng mga sangkap. Pagdating sa unit, tumulong ako sa kusina. Ako ang nagluto (naghalo sa kawali) ng ground beef. Nagsalang din ako sa oven ng curly fries.

Nang matapos ako sa ground beef, saka niya ako inutusan na i-prepare ang soft tacos. Madali lang ang task ko. Isasalang ko lang isa-isa ang soft tacos sa microwave nang isang minuto. Pero hindi ko na maalala ang sumunod na mga pangyayari...

Naamoy ko na lang na may panganib na nakaamba sa akin nang oras na buksan ng kapatid ko ang umuusok na microwave. Pumalakpak ang aking tenga. Saka ko isa-isang na-absorb ang malulutong na murang ibinato niya sa akin. Awa ng Diyos, di umabot sa fire alarm.

O diba ang corny?

Hindi na ako marunong magkwento. Siguro kasi wala nang pressure. Wala nang driving force. Wala nang rebe-rebelde kasi pag-aari ko na ang buong oras ko. Di tulad noong nag-aaral pa ako, ngayon aking-akin ang panahon.

Wala na ring pagtatasa ng mga ideya. Wala na ring pag-da-dissect ng mga impormasyon. Ang tanging sandata ko ngayon para huwag kalawangin ang utak ay ang DSLite na hiniram ko sa isa ko pang kapatid. Regular kong sinusubok ang aking sarili sa Brain Age Check. 20 ang ideal age. Nagsimula ako sa pagiging 84 (ata). Ngayon, naglalaro sa 32 at 26 ang edad ko. Papalit-palit. Malapit na ako maasar dahil hindi na tumataas. Pinangangambahan kong ako'y maging isang retard. Pag nangyari yun, iinom ako ng gasolina.

Speaking of gasolina, mas mababa ang presyo ng gasolina kada litro sa Washigton DC kesa sa Washington state. Pero hindi ko sinasabing mura. Siyempre kasi ako ang umaako ng pa-gasolina sa kotse ng kapatid ko kapalit ng paggamit ko nito.

Ayoko pag-usapan ang tungkol sa lisensya. Linsyak! Naaalala ko kasi ang pagmumukha nung Intsik na lalaki at Puting babae sa opisina. Kaya naaalala ko pati na ang isyu tungkol sa instruction permit ko na Non-Photo ID.

Putris na yan! Saan ka nakakita ng identification na walang retratong ebidensyang ako nga ang katauhang yun?! Ang dahilan kasi wala umano akong proof of residency.

Magnilay-nilay tayo.

Nakasaad sa Washington State Drive Guide, ang mga bagong dating na migrante ay kinakailangan magsumite ng aplikasyon para sa pagkuha ng lisensya sa loob ng sampung araw mula sa petsa ng pagdating. Bago makakuha ng lisensya, kinakailangan munang sumailalim sa isang pagusulit. Nararapat na maipasa ang nasabing written exam upang mapagkalooban ng instruction permit at ng pagkakataong makapag-drive test.

Sa kaso ko, na ginugol ang dalawampung taon bilang pasahero, wala akong kaalam-alam sa pagmamaneho kaya naman nang maipasa ko ang written test, hindi muna ako nag-drive test. Dapat lang talaga na hindi ako mag-drive test kung ayaw ko makatikim ng mapait na failure sa tunay na buhay sa labas ng iskwelahan.

Kitams? Kasasabi ko pa lang na ayoko pag-usapan naidaldal ko na. Badtrip kasi. Sa lahat ng ayoko yung nagmumukha akong tanga lalo't ang kaharap ko ay ibang lahi. Xenophobic vs. Racist.

Wala akong proof of residency. Samakatuwid, wala akong picture sa I/P.

Sa ibang salita, hindi ako nag-eexist. $@#&?!

Wala akong proof of residency kasi bagong dating lang ako. Bagong dating ako at wala pang sampung araw nang mag-take ako ng written test. Wala pang sampung araw nang mag-take ako ng written test dahil yun ang nakasaad sa Washington State Drive.

Tanga lang ba talaga ako o may malabo sa policy?

Dahil naumpisahan na rin lang ang katangahan, ipagpatuloy na.

Katangahan sa ngalan ng katangahan. Kaya lumipad ako pabalik sa DC para magpaturo sa kapatid ko. Sosyal. Kasi naman, may duty yung Ate ko sa base. Yung isa namang kapatid ko, let's say, may aura siya na unsupportive. Yung Kuya ko, busy sa trabaho. Walang magtuturo sakin sa Washington. Isa pa, yung kapatid ko sa DC ang kauna-unahang iniyakan ko sa pagtanda ko at di ako basta-basta umiiyak. Ayoko kasi nang umiiyak. Ayokong magmukhang mahina. Kaya nga hindi ako umiyak nang magpaalam ako sa nanay ko bago ako lumarga. Walang goodba-goodbye kiss. Hindi ako lumingon sa kanya sa may gate nang humarurot na ang sasakyang maghahatid sakin. Nagpakabato ako. Dahil hindi bagay sa isang spoiled brat ang sentimental. Wala sa bokabularyo ng isang spoiled brat ang pangungulila. Mayroon lamang, pang-aalila.

Sa ngayon, basics ang inaaral ko. Hindi kami araw-araw nagsasanay. Sa parking lot ng Commisary ako nagpapaikut-ikot.


Nang unang beses akong makalabas sa parking lot, sa track oval kami ng Base dumiretso. Hatinggabi na noon. Pero gising na gising ako. At tuwang-tuwa, hindi ba halata? Pagkatapos, saka kami nag-jogging/walking. Nakatsinelas lang ako nun. Pero wala namang kaso. Akala ko nga mapipigtal o kaya naman e mapupudpod. Nakadalawang round din ako kahit papaano. Pero maliit lang yung track oval. Mga 400 km lang isang loop. Ansarap ng pakiramdam. Unang beses kong pagpawisan dahil sa physical activity.

Nung isang araw, unang successful attempt ko mag-park. Pasok sa linya at may espasyo magkabila. Malalim na ang gabi at medyo mahina ang paningin ko. Pero ina-assist naman ako.

Para akong nanalo ng pa-raffle sa kotse. Minsan lang 'to mangyari. Hindi na 'to mauulit. Lubusin na.

Kung kelan ako tumanda, saka bumabaw ang kaligayahan ko.

Thursday, June 19, 2008

Bellevue: Day 1

I filed for my social security number yesterday morning.

I KNEW I didn't have one before, but my whole family kept insisting that I got it lost after my sister brought it from Guam four years ago. Yesterday confirmed my conviction and I was like, "See?! what did I told you guys!" as we drove to Mt. Vernon.

We dropped by our brother's house to bring the pasalubong from Philippines and Dubai, but with the actual motive of getting a free breakfast, to which we've been gladly served with luncheon meat and rice. we left the house around two in the afternoon and took a short trip to the grocery store to buy comfort foods --- yogurt, noodles, cereals, and milk. Then we headed on to the Veterans hospital to pick up my eldest sister at exactly four thirty. After going home, we went to the supermarket, this time, to buy real foods.

Back in the apartment, I was once again, the kitchen sink's queen. This made me wonder if there's such a thing as a master dishwasher. Thanks to my sister, we were able to clean up the refrigerator and cupboards. We ended up throwing a bunch of expired foods that our two other sisters were keeping in their kitchen.

***

There's a bitch living upstairs. We can hear her stomping her feet as she walked around her room. Last night she threw her cigarette butts directly in front of our veranda which drove my sister into fury. She picked up the cigarette butt and put it in a ziplock, attached a letter to it, went out, and told us, after coming back, that she'd stick it into the bitch's door upstairs. My eldest sister laughed out maniacally and I was like, "Geez what an interesting story. Perhaps I should blog about this tomorrow."