Showing posts with label events. Show all posts
Showing posts with label events. Show all posts

Saturday, January 3, 2009

Balik-Tanaw Sa 2008 (Beryson 2)

Andaming nangyari. Sobrang dami. Diba, dibs? Andaming biyahe. Andaming mukha. Andaming drama. Andaming alak. Andaming calories. Andaming gastos. Andaming retrato. Andaming luha. Andaming halakhak. Andaming bloopers. Sari-sari, halu-halo, labu-labong emosyon. Mga 1st time and last time. Mga welcome at paalam. Mga pangako at excuses. Mga bago at sinalo. Mga itinapon at nilimot sa kahapon. Mga nilisan at binalikan. Andami. Andami-dami. Saan ko ba uumpisahan?

Graduation. Yeah! Congrats. Akalain mo nakatapos ka on-time. Na-survive mo ang jinx ni Oble sa Quezon Hall pagkatapos mong makipagkodakan kasama niya nung katutuntong mo pa lang sa university. First year. First sem. Obviously, wala ka pang alam. Hindi mo alam ang urban legend. Kaya nang i-spill sa iyo ng Ate mo pag-uwi nyo sa inuupahan mong kwarto sa UP Bliss, halos mangiyak-ngiyak ka dahil natuklasan mong doomed na kaagad ang kapalaran mo hindi ka pa man nakakapag-umpisa. Hahaha! What a loser. But then again, nagawa mong isanla ang iyong kaluluwa kay Sata--- este nahabag sa iyo ang kapalaran dahil ang middle name mo ay Tanga, kaawa-awa ka naman sige na nga, sumaiyo ang kaligtasan mula sa delay.

Kabiokada. Akalain mo nga naman, may social life ka rin pala. Hahaha! Good job, loser. Pasalamatan mo naman ang mga kaibigan mo. Mag-"I love you, friends" ka. Kung di dahil sa kanila walang kang Multiply account. Dahil kung di dahil sa kanila, walang food trips. Walang inom. Walang karnabal. Walang Dibi-Divisoria. Hindi ka mapapakanta sa videoke. Hindi ka makakarating sa Timog Ave. Hindi ka makarating sa Greenhills sakay ng jeepney. Walang mangungumbida sa iyo sa mga birthday celebration. Wala kang makaka-rakrakan pagsapit ng Feb Fair o karamay sa puyatan/cramming tuwing may exam. Etcetera. Etcetera. Kung di dahil sa kanila, L-O-N-E-R ka na L-O-S-E-R pa. Itaga mo yan sa.. sa.. sa buto mo. Deep into your bone marrow.

Legaspi. Dito kung saan ka una pagkatapos ay huling lumusong sa baha. Muddy baha! Ito ang huling bakas ng iyong phobia sa ulan. Nagpaalam ka ba talaga nang maayos? Hahaha loser. Inunahan na ang takdang oras ng libing niya. Pero aminin mo, nung gabi sa handaan (post-nuptial), pinatulan mo ang SMB. Ikaw pa umubos. Ano ba yun, sobrang bored ka ba sa buhay, hija, o uhaw ka lang talaga? Either way, huli ka. Ayaw daw ng beer, o. Yan ba ang nagagawa ng nostalgia, nade-deactivate ang taste buds?

Disyerto. Memorable 'to. In fact, ito ang isa sa top favorite memories mo. Pwede ka nang mamatay there and then kung ginusto mo. Dahil maligaya ka. Dahil maligaya kayong lahat. It's all about good time. High time. Dito mo rin natuklasan ang sarap ng pinaghalong vodka at Redbull. Lasang apple juice, yum yum. At higit sa lahat, dito ka lalong humanga sa Ate mong sinubukan mong gayahin pero hindi mo nakopya. Saka mo maiisip na wala sa lugar kundi nasa tao ang kaganapan. Walang kinalaman kung pareho kayo ng pinanggalingang iskwelahan. Kung talagang Tanga ang middle name mo, sorry ka. On a brighter side, nabalitaan mo kay Sir U ang tungkol sa Philippine Graphic. Ang nag-iisa't tanging maipagmamalaki mong bagay sa mundo ng mga letra. Pero walang ibang nakakaalam. Hindi sa isa itong lihim. Masama sa kalusugan ang magbuhat ng sariling bangko.

East Coast adventure. Tour de Amateur. Dalawa lang kami ng kapatid ko. In a strange city. In a faraway country. On the other side of the world. Pinaka-exhausting both as experience and memory. New York ang pakay namin at nasa New Jersey ang tinutuluyan naming hotel. Sa lob ng apat na araw, araw-araw humigit-kumulang isang oras ang biyahe. At ang biyahe, biyahe kung biyahe!

Hotel ---> shuttle bus ---> airport ---> air train ---> bus terminal ---> bus ---> railroad train ---> subway ---> NYC (=walkathon)

Jetlags, Alak, Buryong. May mas angkop na tawag rito. Homesickness.

Lisensya. Antindi ng dinulot nitong sakit sa ulo. Halos makalbo ata ako? Halos magka-wrinkles?

Thursday, January 1, 2009

Balik-Tanaw Sa 2008

Pag ganitong tumatanda na tayo, masarap balikan ang nakaraan.

I. Mga "First Time" Na Hindi Na Muling Mauulit

1. University graduation

Isang beses lang ako magtatapos ng kolehiyo at wala na akong balak bumalik sa iskwelahan ganitong wala (na) akong sponsor at wala (pa) akong trabaho. Mahirap mabuhay nang walang plano. Kaysaklap ng kapalaran maging isang Viola kung ang middle name ay Tanga.

2. Sumakay sa likod ng camel.

Libre lang.

3. East Coast tour.

Sabit lang.

4. Pamemeke ng ID para makapasok sa bar.

Nag-beinte uno na ako. May lisensya na ako. At di ko yata type ang sports bar (Yuuch!).

5. Manood ng concert ng boyband.

Kung pagbibigyan ng pagkakataon (na makanood) sa darating na panahon, naniniwala akong hindi boyband ang Tokio Hotel.

6. One-month job experience.

Very bad experiment. Never to be repeated again. Promise. Cross my heart and hope to die.

7. Yumakap sa inodoro.

Ayoko na muli pang sumuka ng nilagang mani at humalik sa paa ng kung sinumang nagmamay-ari ng nilapastangan na (pulang) carpet.

II. Love is Sweeter the Second Time Around o Ang Mga Iniwanang Muling Binalikan

1. BobOngBooks forum

2. Blogs

3. Mobwars sa Facebook

4. Myspace account

5. Mukamo forum

IV. Practical New Year's Resolution

Dagdag-Bawas #1.

Dagdag: Umiinom na ako ng kape.

Bawas: Alak

Dagdag-Bawas #2.

Dagdag: Gawaing-bahay

Bawas: Nobela tungkol sa Droga, Depression, Suicide

Friday, November 28, 2008

Thanksgiving Day

Bihon. Mash potato. Croutons. Pumpkin pie. Cranberry sauce. Pumpkin tart with cream cheese. Turkey.

Habang isa-isa kong kinakain ang mga ito, nakatuon ang pansin ko sa chocolate cake na hindi pa ginagalaw. Naglalaway ako para sa chocolate cake na walang pumapansin o hindi pinapansin o hindi ko alam kung bakit kaya naman nakapagtataka. Nang maubos ko ang laman ng aking plato, saka naman nagsimulang magproseso ang utak ko batay sa nararamdamang bigat ng tiyan ko.

“Gusto ko ng chocolate cake! Pero busog na ako…,” ani ko.

“Hindi ka ba makapaghintay mamayang gabi…”

O, “Meron pang mamayang gabi” yata ang sinabi niya. Basta ganun.



Pagkatapos ng chibugan, naglaro kami ng Wii hanggang gabi.

Sunday, November 2, 2008

Hell-o-ween

Akala ko pupunta ng “party”. Yun pala, sa Bellevue Arts Museum. Para masulit ang $9 na fee, nakitikim na rin ako ng Steak House. Habang umiinom nang nakatindig (wala ring mesa), may musikerong sintonado na nagpi-piano tapos naggigitara.

Napakaboring.

Para magpalipas ng oras para sa hinihintay na “Happy Hour”, umakyat kami sa nag-iisang bar na may bilyaran sa Lincoln Square. Pero siyempre kupal ang mga bantay kaya hindi ako pinapasok.

Kasi mas malaki at mas matangkad sila akin. Kasi mukha akong inosente. Kasi naka-costume ako. Kasi BROWN ako.

E di siyempre napahiya ako. Di ako pinapasok e. Nagmukha akong tanga. E di galit na galit ako. Kasi pinagmukha nga akong tanga.

At dahil hindi naman ako pwedeng iwanan ng mga kasama ko sa labas, napagpasyahang dumiretso na lang sa chibugan kahit hindi pa “Happy Hour”.

Kumain kami.

Wala naman palang “Happy Hour.”

Pagkatapos, umuwi na kami.

Pagdating ko sa bahay, na-realize ko napakawalang-kwenta ng celebration. Parang magpapasko kung makapaghanda ang mga tao. May mga last-minute shopping pang nalalaman para sa kani-kanilang costume. Pero pagsapit ng Halloween, wala naman yung “spirit”.

Boring.

Corny.

Pangit.

Baduy.

At oo, boring.



Nasabi ko na bang boring?

Thursday, July 10, 2008

Magic 21

Napipinto na ang aking simbolikong pagtawid mula kabataan patungo sa sunod na antas ng paglago ng isang tao...

SUBALIT hindi ako naniniwala na ang pagiging isang ganap (=mature) na adult ay nakadepende sa edad ng isang tao.

Kung gayon ay isang malaking kahibangan ang aking tinurang simbolikong akto. Isang napakalaking kahangalan na bumubulag hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Ang lamat sa kultura ng santinakpan, maliban sa isang alam ko. Sa bayan kong minamahal, perlas ng Silangan.

Ang paparating na araw ng aking pagtanda ay itinuturing na espesyal sa lahat ng lugar, maliban sa atin.

Legal na edad para sa bisyo, luho, at iba pang katarantaduhan. Basta't may ID ka lang (na kataka-takang pwede rin namang ipeke).

Kaya't sa ngalan ng hipokrisi, alienasyon, at kataksilan, gagawin kong kasaysayan ang aking pagiging 21.


Make your 21st birthday a memorable day in your life. Afterall, you only become 21 once.

  • Go to Disneyworld and have fun with the rides. Make the most out of your remaining childhood days.
  • Dance with Mickey Mouse.Go to casino and gamble all your savings. It's your first day to adulthood. Set loose your greediness. Try the slot machines and don't go home until you're broke.
  • Drink and don't stop until you pass out. You're legally old enough to be crazy.
  • Go on a picnic and join a children's game. Roll on the grass like you've always wanted. Life's never been this simple and nice. Don't forget to smile.
  • It's summertime! Go out with your family and hit the beach. You've never had a sunny birthday before. You might even get to learn how to swim.
  • Go cross-country and visit Canada, your dream country next to Czech Republic.
  • Sleep. The best way to deal with the coming Apocalypse is to close your eyes and dream.

Monday, November 19, 2007

Mula Komikon '07 Pabalik Sa C3Con

Binalak kong agahan ang pagpunta pero 10:30 AM ako nakarating sa Bahay ng Alumni. Pero in fairness, hindi mahaba ang pila. Nung nagdaang taon (Komikon '06), malapit na ako sa kalsada nakapila at inabot pa ng katanghaliang tapat. Mag-a-alas onse kasi ako dumating at talaga namang tagaktak ang pawis ko. Wala rin kasi akong dalang payong. Nung Komikon '05 naman, kahit 9:30 ako dumating, tumagaktak din ang pawis ko dahil sa paghihintay magpapasok, sa pagpila, at sa pag-iikot sa loob mismo ng event. Tae talaga'ng init nun samantalang wala na akong buhok para dumikit sa nagpapawis kong leeg at batok. Pero kahapon, mahimalang hindi ako pinagpawisan kahit sabog-sabog ang medyo long hair ko. Malaking improvement nang mapansin kong dalawang beses na nag-refill ng tubig ang Maintenance Staff sa mga higanteng stand fan (o ika nga sa Kikokomix 3, "gargantuan" electric fans ng Main Lib... pero oo, hassle talaga pag napapadaan ako dun... sumasampal ang sarili kong buhok sa mukha ko) na nakadisperse sa loob ng Bahay ng Alumni.

Nasimot na naman ang baon ko, pero kasi bumili ako ng kikokomix at Komikon souvenir shirts. Gusto ko nga sanang bumili nung Beerkada plush, ang kyut-kyut kasi, ansarap gawing target sa dartboard.

Tama. Bumili ako ng dartboard nung isang linggo. Kailangan ko kasi ng outlet. Panibagong outlet, bukod sa pagsusulat at pagba-blog. Umabot na kasi sa puntong hindi na sapat na naisusulat ko lang ang pinakamatatalim, pinakamaaanghang, at pinakamapapait na salita sa tuwing ako ay tinatamaan ng sumpong. Kinailangan ko na ring paganahin ang aking utak sa paglikha ng mga imahinasyong kahindik-hindik para ma-satisfy ang aking nararamdamang kapootan. Pero kulang pa rin. Kaya kinailangan na ring idaan sa pisikal na pamamaraan. Sabi nga ni Ruthchel, lagyan ko raw ng larawan sa gitna ng dartboard. Kaso naisip ko baka lalo lang akong maghuramentado kung sakaling isabit ko ang (mga) larawan ng (mga) taong kinasusuklaman ko. Baka hindi ako makuntento sa pagtira gamit ang darts. Baka pati yung kutsilyo, screw driver, at cutter maihagis ko. Ang malala e mapagdiskitahan ko na ring ihagis pati ang kutson, silya, mga pinggan, kutsara't tinidor, bote ng vodka, textbooks, at mga sapatos ko, kasama na ang maputik kong botas. Kaya 'wag na lang. Isa pa, wala akong balak magdekwat o kunan ng retrato ang mga walang kwentang nilalang. Mas photogenic pa ang mga kuto at surot.

Tatlong indie komiks ang nabili ko.

'Yung una, sa Atomic Underground. Patron na nila ako mula pa nung unang Komikon, at nakilala ko sila way back 1st C3Con sa Megamall nang ikwento sila sa akin ng kapatid ko. Kung maalala ko, sila yung nanalo sa Best Indie Comicbook noon.

'Yung pangalawang indie, buy two take 1 for P30 ata. Dalawa silang gumawa ng magkaibang komiks pero yung free na isa, e yung binebenta nung isa sa kanila last year. Bumili ako sa kanya noon kasi nung lumapit ako sa booth niya, napakadesperado ng kalagayan niya. Parang nagmamakaawang may bumili sa kanya, sa halagang P25 atang komiks niya. Pero hindi naman yung nagmamakaawang pathetic ang dating. Basta 'yun. Generous ako last year. 2k ata ang nagasta ko noon. Bili lang ng bili. Bawat booth na may mag-alok, dukot sa bulsa. Ang sa akin naman e, talentado 'tong mga taong 'to. Bakit hindi pagbigyan? Pag sumikat e di mas astig. Kesa naman mag-artista sila sa telebisyo't pelikula, pagkatapos papasok sa pulitika. Eeew.

'Yung pangatlong indie, bago lang sumali sa Komikon.

Next, hebigat na komiks.

1. Kikokomachine Komix #3. Self-proclaimed Kikomachine fan. Una sa banda, ngayon pati sa komiks. Sa kapal ng mukha ko, nakilala na ako ni Mister Manix. Wala pa akong buhok nang una akong magpa-autograph sa kanya. Kaybilis ng panahon. Siya ang nanalo kahapon sa What If's na pakontest sa mga artist: "What if si Gambit naging si Prince?" Andami niyang fans. Dyahe nga nung nagpa-sign ako sa t-shirt. May isang grupo kasing nakikipagkodakan sa kanya. Bigla ako nahiyang lumapit. Tas may mga lalake pang sunod na magpapaautograph. Ang labas kasi e para akong sumingit.

Sila ang mga kalahok sa unang "What If" contest: Gerry Alanguilan (Elmer), Manix Abrera (Kikomachine), at Michael David (Kuborikikiam).

2. Fantakada. Last year kasi naaliw ako kay Sir Lyndon nang i-sales talk niya ako. Sa autograph niya, dinodrowing niya yung bumili ng komiks niya. Last year, nakabungisngis yung drawing niya sa akin. Tas may special message pa siya, "Konting tulong lang po, ate". Kasi yung kwento niya tungkol dun sa mga lumalapit sa bus o restawran na nag-aabot ng sulat at humihingi ng donasyon. Hindi na nga ata 'yon nawala sa uso.

3. Kulas. Buong akala ko talaga matanda yung creator nito. Gustung-gusto ko yung strip na "Ga at Go" nung panahon ng kaadikan ko sa Mwahaha. Siyempre, gusto ko rin yung "Kirot ng Kapalaran" ni Manix. Kaya nung mapunta ako sa booth ng Kulas at napansin kong nag-o-autograph siya, di na ako nag-atubiling bumili. Nagdrowing siya sa autograph tas naglaan talaga siya ng oras para ipaabot ang pasasalamat sa bawat bumibili at nagpapasign ng kanyang komiks. Pati na rin ng pagsuporta raw sa indie komiks. Basta ganun, madali akong kausap. Lalo na't naaamoy ko ang sinseridad ng isang tao.

4. Pugad baboy 19. Buti na lang may natira pa akong pambili ng kopya. Ang haba ng pila ng autograph signing. Pero ako ang una sa pila. Sa legal na pila. Kasi pagkasabing-pagkasabi ni Miss Syeri na pumila sa right side niya ang mga magpapapirma, sunod agad ako. Dumaan kami sa backstage (1st time) tas lumabas sa kabilang side. Kaso talagang dinumog yung booth ng Pugadbaboy at nakapalibot talaga yung mga fan na kabibili lang ng komiks. E alangan namang paalisin pa sila doon e andoon na sila. Kaya kinailangan namin maghintay. Wala namang problema sa akin. Natapat ako sa "gargatuan" electric fan. Sang-ayon ako kay Miss Syeri, pumayat si Pol. Buhay pa yung retrato namin noon sa C3Con (four or five years ago). Highschool pa ako.

Wala si Luci, yung astig na creator ng Satan High back in C3Con (four or five years ago... sa isang retratong natago ko, kasama ko pa ang kapatid ko) na nag-o-autograph with matching drops of blood from his finger. Last year, kinunan ko siya ng retrato habang aktuwal niyang winiwisikan ng dugo ang komiks na binili sa kanya. 'Yung katabi kong lalaki, nadidiri ata o natatakot. Napapraning. Samantalang ako, enjoy na enjoy sa palabas.

Andun uli si Kuya JP Cuison. Na-sense ko ang kanyang presence nang makita kong may ipinatong na tv sa mesa sa tabi ng pwesto ng Kikomachine komix. Last year sobrang naaliw ako sa panonood kay Captain barangay captain kaya napabili ako. Hindi ko naman akalain na ako pa pala ang buwena mano. Kaya ayun, nagpose kami. Tapos kahapon nga, may second installment. Meron nang bagong bida, si Boy T. Ang nakakagulat pa e naalala niya ako. Tinanong niya kung nakita ko raw ang retrato namin sa internet last year. Siyempre hindi ko alam. Kaya kanina ko lang ginoogle: Captain Barangay Captain Vol.1&2

Nakita ko rin si Carlo Vergara. Last year, siya ang special guest. Pinromote din ng WikiPilipinas ang Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsazsa Zaturnnah. Hindi ko nagustuhan yung dubber ni Ada.

Hindi ako nakabili ng Kuborikikiam.

Pero nahuli ko si Taga-ilog. Astig ng timba.

...at nahuli ako ni Taga-kanal (Michael David). Lagot.

Bibili sana ako ng point zero shirt kaso naubusan na ng size. hindi kasi agad bumili habang maaga.

Sobrang busy ni Miss Syeri Baet sa event. Siya kasi ang emcee. Siya ang nag-interview sa mga guest artist.

***
WARNING: Panay kadramahan
***

Bakit may flashbacks?
Kasi tumanggi ako magpainterview kay Ate. Hindi ako marunong sumagot e. Baka ipahamak ko lang ang event. Tsaka hindi naman talaga ako hardcore fan ng komiks. Tinanong niya ako kung first time ko umattend. Sagot ko, "hindi." Pero hindi ko sinabi na nag-attend ako mula pa nung unang C3Con.

Kaya naalala ko uli ang C3Con.

Iniisip ko ito na ang huling Komikon ko.

Nanghihinayang ako. Hindi ko naituloy ang pagsali sa mga pakontes dahil tinamad akong tapusin. Nang makita ko yung mga kalahok sa Character Making Contest, nagulat ako sa dalawang entry. 'Yung isa, indigenous version ni Sailormoon (naalala ko si Indigenous Dora ko). 'Yung isa naman, si Zorro nakasakay sa kalabaw (naalala ko si Pyro Pilipino ko). 'Yung nanalo, si Gambit (kasama siya sa brainstorming sessions ko). Sa comics ng Alamat ng Kung Anu-anong Bagay Na Hindi Pa Nagagawan Ng Salaysay, nanalo yung alamat ng videoke. Patawarin mo ako Batataman.

P.S. Patawad Mighty Mickey. Patawad Kiwi. Patawad Coproman. Babawi ako kay Roy at Miles. Pangako. Disyembre 1.

Thursday, January 11, 2007

MV Doulos, Nasa Pilipinas! (Advertisement)

DON’T MISS IT!

“MV Doulos…Bringing Knowledge, Help, and Hope”
MV DOULOS, the world’s oldest ocean-going passenger ship and the largest floating book shop, is now in the Philippines!

Bacolod - Dec.20-Jan.1
Manila - Jan.5-22 (Gate 1, South Harbor Manila Pier 13) (near Manila Hotel) Cebu - Jan 26-Feb.19
Batangas - Feb.22-Mar.5

Book Shop opening hours:
Tuesday-Saturday 10am-10pm
Sunday & Monday 2pm-10pm
(Entrance fee: P10.00)

Note: Children under 16 are free, but must be accompanied by parents or guardians)

Doulos carries a stock of half a million books, which are for sale at affordable prices. The 6,000 titles cover a wide range of subjects such as science, education, cookery, technology, dictionaries, sports, and children’s books, among others.

For more info: info.manila@gbaships.org

www.mvdoulos.org

Monday, November 27, 2006

ROD Con (Advertisement)

READORDIECONVENTION

FEBRUARY 3 & 4 2007 in MANILA

RodCon 2007 is a two-day literary convention organized by Read or Die Inc.. The convention seeks to bring together readers, writers, publishers, government and school organizations and book dealers to highlight the importance of reading and literacy in building an open world for every Filipino through books. All proceeds of the event will be donated to UNICEF and AHON Foundation. Find out more about the convention.

The event will take place on February 3 and February 4, 2007 at the Hotel Intercon (Ayala Avenue, Makati City). The convention will be open from 9AM to 8PM daily. For information about ticket prices and hotel reservations, please visit REGISTRATION
Gusto ko maging volunteer.
Here are a few things that you'll probably be assigned to do as a volunteer:
  • Man the front desk
  • Welcome guests
  • Handle registration/ushering for panels
  • Run interference with the Secretariat
And what you'll get in return:
  • Free books
  • Goodie bags
  • Free meals (on time)
  • Per-diem allowance.
  • Lots of love.
Our only requirements for volunteers are that they must:
  1. be 18 and above;
  2. love books;
  3. attend volunteer orientations without fail.

Sunday, September 10, 2006

A Crappy Night Out

stinking with cigarette smoke.

puffy eyes. sleepless.

full. just ate some hotcakes and drank hot chocolate from Bumblebee fastfood.

been to Ditch, a concert bar inside the ABC-CBA network compound expecting to see the Kokomachine perform but didn't.

unexpected heavy rains leading to the Great Flood

the event was bull

no wonder we've got free tickets

everybody's a masscot student

liked the cocktail though, banana mint martini

palate satisfaction that costed a hundred and thirty pesoses EXCLUSIVE of twenty seven pesoses service charge

weren't after the fashion shows so we escaped to the Minimi Stop convenience store to buy Sniggers chocolate bar

outside, 'twas drizzling

can breathe in real air

inside, it's dark and bull