Wednesday, November 9, 2005

Koleksyon Ng Mga Orihinal Kong Linya

bakit ako nilagnat, samantalang palagi naman akong busog, palaging may gimik, palaging nasa mall, palaging nakangiti at masaya? malamang nasobrahan ako at ayaw ng diyos yon. malamang kukunin niya na ako at malamang dadalhin na ako sa impyerno dahil habang sunud-sunod ang trahedyang nararanasan ng bansa at ng mga kapitbahay nito, nagpapakasarap ako sa buhay at nagpapakalunod sa mga luho. pero ano bang magagawa ko? hindi ako banal, hindi ako mabuting kapwa, hindi ako maaasahan. inutil ako. walang silbi. di pinapansin. siguro nung kinagat ako ng lamok sa braso, may dala nang malarya o kaya dengue ang pesteng yun! kaya mamamatay na ako sa loob ng ilang oras...

--------------------------------------------------------------------------------

Bago ako kumain, ugali ko nang amuyin ang nakahain bago ako sumandok at kumain. Bastos daw sabi ng nanay ko. Parang aso raw, sabi ng mga kapatid ko. Mas masarap kase kumain nang naaamoy ko yung pagkain. Tsaka para na rin makasiguro kung sariwa pa o baka panis na yung ipapakain saken. Di ako kumakain ng bulok.
--------------------------------------------------------------------------------
Hindi ako mahilig sa komiks, kahit nung bata pa. Pero nagbabasa ako pag wala nang pagpipilian.
--------------------------------------------------------------------------------
hindi ako relihiyoso. pero hindi rin naman ako demonyo.
--------------------------------------------------------------------------------
isipin mo nga naman, ang tao lang ang may utak na kayang mag-isip. pero mula sa kanya, nagkaisip pati ang computer at ang mga robot at ang mga makina at ang sari-sari pang imbensyon. nang dahil sa kanya, nagkaroon ng halaga ang pera, ang papel, ang ginto at ang sari-sari pang ordinaryong bagay. sino ngayon ang makapagsasabing matino ang may pakana nang lahat ng kalokohang ito na nangyayari sa mundo? sino ang may sala? ang tao diba. sino ngayon ang mga taong ito? walang aamin? ako..ako..ako... ako basta ay di tao.
--------------------------------------------------------------------------------
Masarap maglakad pag nasa mood. Maganda ang tanawin. Mabibilang ang taong nagdaraan. Naririnig ko ang huni ng mga ibon. Sariwa at malamig ang simoy ng hangin. Payapa pero kakaiba ang katahimikan sa paligid. Pagtingala ko, maitim ang kalangitan... Parang walang bagyo. Pagtungo ko...ampf! Tumingala na lang uli ako! Mas masarap pa rin ang tumingala sa kalangitan kesa salubingin ang paningin mo ng samu't saring hugis, kulay at hitsura ng nag-iisang bagay na di ko maatim apakan!
--------------------------------------------------------------------------------
naiyak ako hindi dahil sa natatakot ako sa maaaring kalabasan ng niluto ko. naiyak ako dahil sa hiniwa kong sibuyas na pinanggisa sa corned beef.
--------------------------------------------------------------------------------
Mas malakas pa ata yung ihi ng kabayo dun sa Taal Volcano nung magfield trip kami kesa sa tulo ng gripo sa banyo ng tinitirhan ko.
--------------------------------------------------------------------------------
i may be cruel but i wanted to show these people who left me in the pit of Hell that they should be sorry for doing so.
--------------------------------------------------------------------------------
i swore not to break my oath until Death knocks on the door.
--------------------------------------------------------------------------------
a story about a girl who was left out by a postponed field trip
--------------------------------------------------------------------------------
Ayoko pong sa banyagang lupain papatak ang aking pawis mula sa tindi ng sikat ng araw sa maghapong pag-aararo ng bukirin.
--------------------------------------------------------------------------------
Lamb Korma tastes like plastic!
--------------------------------------------------------------------------------
I use the Johnson & Johnson Isopropyl Acohol, the one with a strong smell that my mother tells me that smells like hospital!
--------------------------------------------------------------------------------
I got a bee trapped with bottle caps, and had a closer look at a huge fly, "bangaw"...I saw how it sip the sugarglace of leche flan through its proboscis...I can now imagine how it sips the shit out of the garbage, too!
--------------------------------------------------------------------------------
hinayaan akong bumagsak nang wala man lang precaution.
--------------------------------------------------------------------------------
My talents are singing while brushing my teeth and reading while asleep.
--------------------------------------------------------------------------------
Pano baga naman'y bukas ay pasukan na uli... ay panibago na namang problema at ilang gabi uling puyatan...
--------------------------------------------------------------------------------
NAIINIS ako sa kanilang lahat... pawang kabulukan ang nakikita ko sa kanila... at yun lang talaga ang nakikita ko...
--------------------------------------------------------------------------------
Tandaan na ang mga langaw, anumang oras, kahit saan at kahit anong bagay, tinatapakan at dinadapuan, mapa-tae man o mapa-chocolate cake pa yan! Ganyan din ang mga tao. Kaya walang sinuman ang may karapatan na husgahan ang mga langaw na mabaho, kadiri at gross! Dahil tulad natin, may taste din naman sila at di lang tae ang kaya nilang dapuan.
--------------------------------------------------------------------------------
kaya nga minsan, nakakawalang-gana ang mga tao. palibhasa, mga ALIEN din sila.
--------------------------------------------------------------------------------
Ipinagpalit ko ang sarili kong ina sa isang FREE ticket sa PBL game ng Granny Goose VS. Magnolia.
--------------------------------------------------------------------------------
Nobyembre 2. Pista ng mga Patay. Pinatay ko ang konsesya ko.
--------------------------------------------------------------------------------
Maganda ang pangarap ko. Maraming naghahangad ng tulad ng pangarap ko. Inalagaan kong mabuti ang pangarap na yan.
--------------------------------------------------------------------------------
hindi ito simpleng love triangle. ito ay isang love tetrahedral! hwekhwekhwek!
--------------------------------------------------------------------------------
pero ano bang magagawa nang mga taong walang kontrol sa kanilang matinding pagnanasa?
--------------------------------------------------------------------------------
sa loob ng anim na buwan, hindi ko na napapansin ang paglubog ng araw at ang paglitaw ng mga bituin sa langit.
--------------------------------------------------------------------------------
Nakakaaliw ang himig pero walang laman ang lyrics.
--------------------------------------------------------------------------------
Hindi ako movieholic. Lalong hindi rin ako nag-eexert ng effort na tumayo sa pagkahaba-habang pila sa mga sinehan. Kahit sa bahay lang, nakakapagod umupo ng dalawa't kalahating oras nang walang ibang ginagawa kundi panoorin ang palabas hanggang sa matapos.
--------------------------------------------------------------------------------
Wala rin akong paboritong artista. Ginagamit ko lang sina Robin Williams, George Clooney at Tom Cruise pati sina Natalie Portman at Nicole Kidman para may maisagot ako sa mga slum notes nung elementary at highschool days. Sa local scene, si Cesar Montano lang na hiniram ko naman sa nanay ko.

0 comments: