Monday, January 1, 2007

Sir Monico Atienza

I got this post from my Friendster bulletin. It actually came from one of my teachers, concerning my teacher last semester in Philippine Institutions 100, better known as RIZAL.

I'm still in shock, I can't help but post it here. Today's the 31st of December, three hours before the New Year.

Dear Friends,

We are writing you on behalf of Prof. Monico M. Atienza, who has been comatose since December 23, 2006. An undetected mass in his throat gradually blocked air passage, which finally led to successive heart seizures.

Monico is the president of the First Quarter Storm (FQS) Movement, an organization of activists in the 1960s and 1970s. In various ways, he has continuously helped and inspired activists of people’s organizations and institutions, especially the youth and students.

As a political prisoner during martial law, Monico was heavily tortured and held in solitary confinement. Government intelligence claimed that he was a ranking member of the Central Committee of the Communist Party of the Philippines and head of its NationalOrganization Department when he was arrested in 1974. Released in 1977, he went back to the university.

As secretary-general of the militant Kabataang Makabayan (Patriotic Youth) in the late 1960s, he was among the indefatigable architects of the youth and student activism that eventually expanded to help establish today’s formidable progressive mass movement in the Philippines.

In 1987, he survived an assassination attempt by a death squad of thePhilippine military which claimed the lives of two colleagues. Monico’s health, already deteriorated by the torture in 1974, all the more worsened with the injuries he sustained in the incident. A shrapnel remains imbedded in his head and a leg wound would not heal to this day.

Now confined at the Central Intensive Care Unit of the Philippine General Hospital, Monico is kept alive by a life support system. His condition remains critically stable.

Monico has no source of income other than his teaching at the university. The meager health benefits available to him are not enough to sustain the cost of hospitalization and probabletherapy.

Let us all help a great comrade, mentor and friend.

Donations may be personally given to Bernardita “Didith” V. de Guzman of the First Quarter Storm Movement ordeposited to:

Bank: Bank of the Philippine Islands
Address: Diliman Branch, Quezon City, Philippines
Account Name: Alberto S. Aguilar
Savings Account Number: 4259-0220-91
Swift Code: BOPIPHMM

For Task Force Monico M. Atienza,
(Sgd.) Bonifacio P. IlaganChair, First Quarter Storm Movement

I would like to post in here what I've written for him as my final paper (the very reason why my tummy is suddeny feeling quesy):

Paglalagom
Huling Papel sa P.I. 100 (MHV2)
Setyembre 10, 2006

Tapos na ang kurso ng P.I.100 subalit hindi rito nagwawakas ang pagkatuto na makiramdam sa lipunang ginagalawan. Hindi rin dito nagwawakas ang dakilang pagkilala sa pambansang bayani at kanyang mga naimbag sa kasaysayan ng bansa. Manapa’y ito pa lamang ang simula ng tunay na pagkagagap sa mga bagay na naitago o naisantabi o di kaya nama’y natabunan (o sadyang tinabunan) ng mga kaganapang maaaring nagpabansot sa kaisipan ng sambayanang Pilipino dala na rin marahil ng depektibong sistemang nag-ugat sa hindi pa matukoy na partikular na dahilan at patuloy pa ring umiiral magpaghanggang sa kasalukuyan.

Sadyang isang napakadakilang bagay ang kaliwanagang naidulot sa akin ng kursong ito. Tunay ngang hindi matatalos ng isang isip na hinubog ng mga maling haka-haka at mga kwentong barberong napulot lamang sa tabi-tabi ang katotohanan, maliban lang talaga sa loob ng silid-aralan kung saan ang guro’y malay sa kanyang papel bilang tagapaghubog ng kaisipan, tagapanday ng karunungan, at tagapag-akay sa “pag-asa ng bayan” sa kaliwanagan.

Lahat ng aking mga kinalakhang na alam tungkol sa kasaysayan, lipunan, at higit sa lahat sa pambansang bayani ng aking bansa ay naituwid at naitama sa katotohanan. Ngayon ko napagtanto na ang aking reasoning sa kung bakit ko inayawan si Rizal at ang kanyang mga nobela noon ay isang kabuktutan. Natuklasan kong ang tunay palang dahilan kung bakit inayawan ko siya (at ang kanyang mga nobela at kahit ang kanyang mga dakilang nagawa) noon ay hindi ko naman pala talaga siya nakilala sa simula pa lang, at inangkop ko rin lamang ang aking dahilan sa mga sabi-sabi ng iba na pawang mga negatibo.

Para mas maging malinaw, narito ang ilang konkretong (buktot) mga kinalakhan kong alam patungkol kay Rizal. Siya ay ilustrado, ibig sabihin, nakapag-aral, pero ang kaalamang natuklasan ay sinarili lamang dahil bilang mayaman, ang stereotipikal niyang imahe ay makasarili o gahaman, at sa kabuuan, siya ay masama. Hindi siya dapat kilalanin bilang pambansang bayani dahil bukod sa siya ay mayaman, hindi naman siya sumali sa rebolusyon. Si Andres Bonifacio, ang tunay na rebolusyonaryo, ang dapat na maging pambansang bayani ng Pilipinas. Babaero siya at hindi ito magandang halimbawa, kaya hindi siya karapat-dapat kilalanin. Siya ay Anti-christ at marami ang kanyang mga kultong nakabase sa Bundok Banahaw. At bilang huli, ang kanyang mga nobela ay romantikong kwento nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara (sa Noli), at kinopyang kwento lamang mula sa banyagang nobelang Count of Monte Cristo (sa Fili).
Ngayong natapos ko na ang kursong P.I.100, hindi ko malaman kung ako’y mapapahagalpak sa tawa o mamumula sa kahihiyan o lubos na maaawa sa aking sarili dahil sa mga napulot (at ginusto kong pulutin) kong mga kabuktutang nabanggit. Dito ko na siguro ikakabit ang natutunan ko mula sa pakikinig sa symposium na aking dinaluhan noong simula ng semestre – ang rebolusyon ng isip na isinulong noon ni Rizal. Kaya pala nagkakaroon ng mga mapanupil o depektibong sistema sa lipunan dahil mismong mga taong bumubuo sa lipunan ay hindi malay sa tunay na kahulugan ng mga bagay-bagay na pinili nilang maging bahagi ng kanilang buhay, lalo na sa mga bagay-bagay na sila mismo ang lumikha pero hindi nila nagawang kontrolin, sa halip, sila pa pala mismo tuloy ang kinokontrol. O kung malay man sila sa mga kaganapan, hindi naman sila malay sa kanilang karapatan at tungkuling gumawa ng nararapat na hakbangin para wakasan ang pagiging depektibo o mapanupil ng sistema. Sa kaso ko, hindi ko muna kinilala si Rizal sa pamamagitan ng pagsasaliksik (sistematikong paraan) dahil pinili kong maging tanga (biktima ng ignorance) sa paniniwala sa mga kwentong barbero tungkol kay Rizal. Mabuti na lamang at hindi pa huli ang lahat, at naituwid ang aking kaalaman. Pero hindi madaling baliin ang kinasanayang gawi’t pag-iisiping isang tao kaya nga ako ay nagulat kung papaano ko nabuksan ang aking isip sa pagpasok ng bagong mga ideya. Ibig lamang sabihin nito na naging epektibo ang pagtutuwid ng guro sa kabuktutan ng kanyang estudyante. Hindi rin naging sagabal ang kawalan ng boses ng guro at ang kaiklian ng attention span ng estudyante sa pakikinig sa loob ng klase upang ang tinig ng katotohanan ay maulinig ng buong klase. Kaya ngayon, masasabi kong kaya naman palang matuto ng isang estudyante kahit nakapikit ang mata at may busal ang kanyang bibig basta’t talos niya kung ano, bakit at para saan ang pinag-aaralan sa loob ng silid-aralan. Dapat may malinaw na unawaan sa pagitan ng guro at kanyang estudyante upang ang diwa ng edukasyon ay maging epetibo at magkaroon ng kaganapan.

Ibig kong sabihin ay kayang matuto ng estudyante sa pakikinig lamang at pag naunawaan niya ang kanyang pinakikinggan dahil alam ng guro ang kanyang tinuturo at naipaabot niya ito nang malinaw sa kanyang estudyante, hindi na mahihirapan ang estudyante sa pagbabasa, pagrerebyu, at pag-aaral sa kursong yaon. Hindi ko sinasabing sapat na ang makinig at hindi na kailangan pang magbasa at mag-aral, dahil makatutulong sa pagpapalawak pa lalo ng kaalaman ang dalawang huli. Bagamat sa kaso ko, hindi ko maitatanggi na ang nauna ang pinakanapakinabangan ko nang husto. Hindi ko kase nabasa nang buo ang dalawang nobela at ang iba pang mga sangguniang teksto pero pinunan naman ng aking pakikinig ang mga hindi naabot ng aking mata sa pagbabasa. At sa mga resulta naman ng mga naging mahaba at maikling pagsusulit, naging maayos naman ang aking iskor. Hindi naman kataasan ang mga grado pero ipinagmamayabang kong bunga ang mga iyon lahat ng mga natandaan ko lamang sa pakikinig sa loob ng silid-aralan at kakaunting mga binasa. Ang ibig kong sabihin, ang estudyante pag naunawaan ang kanyang pinag-aaralan, lalabas at lalabas ang appreciation niya sa kurso pagdating ng evaluation (e.g. pagsusulit), sa kabila ng mga kakulangan o limitasyon na maaari niyang kaharapin (e.g. hindi nakapagbasa nang husto).

Sa pagsasara ng unang semestre, gusto ko lang ihayag ang aking lubos na kasiyahan at pagtatangi sa kursong ito. Unang-una, hindi ko inakalang ang dating mga nobelang tinutulugan ko lamang sa mataas na paaralan ay mababasa ko, kahit pahapyaw. Ikalawa, ang dakilang bayani sa likod ng dalawang nobelang ito na ayaw kong kilalanin bilang pambansyang bayani, ay siya palang pakatitingalain ko ngayon dahil sa labis-labis na dakilang mga bagay na nagawa niya para sa bayan kung kaya’t siya’y marapat lang nga talagang barilin sa Bagumbayan. Ikatlo at panghuli, higit na masaya, kapaki-pakinabang, at kapupulutan ng maraming aral ang klase sa loob ng silid-aralan kaysa ang mag-field trip.

0 comments: