May bago akong kahinaan na hindi ko maitatanggi
Isang sakit na hindi malunasan
Tuksong hindi mapigilan
Ligayang hindi matawaran dahil may kabayaran...
At mahal talaga
kaya ang palusot ko'y makisabay sa pag-aayuno ng mga Kristiyano
NALULULONG AKO SA HARDBOUND
Unang lumabas ang sintomas noong Agosto 2006
sa Freshman ni Michael Gerber
Kumalat sa pagdating ng Edward mania
Twilight, Blind Faith, New Moon
Lumitaw ang kumplikasyon nang mag-Disyembre
sa Barnes&Nobles at sa NEX
A Spot of Bother, For One More Day, Nature Girl
Lumala nang mag-Enero
sa Angela's Ashes
At nito lang Miyerkules,
Sa ikalawang pagbisita ko sa kanya sa NBS
Hindi ko napigilan ang sarili
Parang deja vu ng sa Blind Faith
Hindi na ako nagpapigil
(Malakas ang gayuma ng raffle pa-Transylvania)
Sa halip na makipagkilala sa mga kamag-anakan ng bawat halaman
Nakipagkilala sa pluma ni Marcus Sedgwick
Sa My Swordhand is Singing
Umasang madadalaw ang teritoryo ng lahi ni Edward
Pero sino bang maysabing maniwala sa advertisement?
Agosto 2006 pa raw ang deadline ng pagpadala ng sagot
AT.. AT... AT!
Mga tiga-Europe lang ang pwedeng magpadala ng entry.
Lintik talaga. Bakit ba dinistribute pa yang libro rito?
(Para may tangang bumili.)
Sabi ng isang customer ni Mareng Amazon UK, isa raw itong dark novel...
Ooohh...
Kaya pala binuksan ko ang ilaw para matapos ang 200+ pages niya.
Corny.
Oh well. E nakornihan din ako sa kwento e. (Note: Hindi corny ang HARRIET THE SPY, nakakatuwa kaya. Basahin n'yo. Batang ayaw maligo. Bitter sa kasambahay. Chismosa pa.)
Pero hindi naman super corny na kailangan ko pang mag-isip nang nakakatawang bagay para kunwari matuwa ako. Natawa rin naman ako sa pahuling part ng kwento.
Ayokong maniwalang dark novel yun. Ganon na lang ba talaga ang dark? O baka dahil lang sa masyado nang gasgas yung image ng creepy at yakidiring zombies. At siguro bias ako dahil kampi ako kay Edward.
Kung hindi lang raker (drummer ng 'sang band) 'tong Marcus Sedgwick (astig din ng tunog), hindi ako magrereconsider na subukan ang lima niya pang libro. ("Give him a 2nd chance, self.")
*shift perspective*
Ayos yung theme niya na hindi ko agad natumbok sa pagmamadali kong makarating sa last page.
Distracted ako sa depressing na mood ng kwento, without realizing na clue na pala 'yun sa theme. Tapos winter time pa. Gloomy nga talaga. Pero tanga akong ayaw mag-isip habang nagbabasa, hayaan lang tangayin ng kwento hanggang katapusan. Tutal 'yun naman ang intindi ko sa leisurely reading.
Nakakatawa lang dahil nag-Ash Wednesday. Tapos yung kwento may sahog na religion. Pari versus magician. Tapos sari-saring rituals gaya ng pagpahid ng ash na cross sign sa mga pinto pananggalang sa evil spirit. Ewan, tumatawa ako habang binabasa ko yung parteng 'yun.
Ang tema ay kamatayan. Ang walang kamatayang Kamatayan. Naalala ko na naman si Sir Jun Cruz Reyes sa panayam.
Moral daw ng kwento: Dapat daw matuto tayong tanggapin na ang kamatayan ay bahagi ng buhay.
Yung mga vampire slash zombie sila raw yung mga hindi matanggap ang pagkamatay (Alangan! E biktima sila ng kagat ng bampirang nag-initiate mang-infest).
Tapos yung isang naging vampire Stefan ang ngalan. nakakatuwa naman. kaya lang ang naiimagine ko, bampirang grasa. ganun daw kasi ang classic vampire. bloodthirsty tapos zombie. si Edward lang naman ang kilala kong de-Volvo at tuxedo.
Yeah right. Kelan na nga ba lalabas ang Eclipse? Sa Fall? Walang Fall dito. Mareng Stephenie atat na ako! Kakagatin na ba ni Edward si Bella o hahayaan siyang maging lola? Paano ako? Natatakot ako para kay Edward. Bakit ba parang established ang grudge against beautiful people? Tapos ang magiging murderer pa kung hindi monstrous e kulubot na tanda? Sana wag siyang patayin ng Volturi. Sana maawa si Jacob Black kay Bella pag nawala si Edward. Sana wag siyang sulsulan ng ama nitong pilay.
May reservation na pala ng Harry Potter and the Deathly Hallows sa NBS.
Andami-dami-daming dapat pag-ipunan!
Marami pa tayong bigas na hindi kakainin, self.
0 comments:
Post a Comment