Ganito kase 'yan.
Tao: "Ay! Wala pang five minutes..."
Bacterium: "Hah! Sinong niloko mo? C'mon guys, yihaaaaa!"
Viola: "Wow!"
Hindi na ako madalas kumain sa CASAA. Ayaw ko na, simula nang mapag-alaman kong na-contract doon ng isang kaklase ang kanyang amoebiasis. Never din akong uminom ng tubig doon.
Hindi ako umiinom ng tapwater (maliban lang pag umuuwi ako sa Batangas). Pero kahit pa nga sa refilled drinking water ang iniinom ko, may doubt pa rin ako.
Palagi akong naghuhugas ng kamay pagkarating sa apartment, lalo na pagka may 120 lab. Kinakamay ko kasi yung paghuhugas ng glasswares kahit pa nga malakas ang doubt ko na marami ang nakaliligtas, lalo na ang mga spore-forming, at malay ko bang totoong meron ngang heat/autoclave resistant microbes?
Pag kumakain ako sa labas, pinupunasan kong maigi ng tissue ang utensils. At least by mechanical aggitation, baka sakaling malula ang ilang mikrobyo. Kabawasan na rin 'yon kesa wala talaga.
Sa loob ng tinutuluyan kong apartment, kahit ako lang ang gumagamit, hinuhugasan ko pa rin ang baso o plato at utensils bago ko gamitin. It's become a habit. My lifestyle.
Iwas-straw na rin ako, kase pag mas maraming medium, mas maraming mikrobyo. Tutal, normal naman talaga ang umiinom direkta sa baso at paper/plastic cups. Pauso lang ang straw.
Naikwento ko na ang tungkol sa aking bakery traumatic experience, kaya balik Gardenia uli ako. Ang option kase: murang may ipis o mahal na de-kalidad umano? E di dun na ako sa mas matino ang package.
Parang 'yung isa sa mga answer-these-questions-for-extra-points ni Dr. Hurlbert: "Ano'ng pipiliin mo, radiated food o yung prepared by ordinary means?"
Sabi ng isa sa mga sagot na nagustuhan ko, mas gugustuhin n'ya pa raw na magkaroon ng unforeseen, probably a future disease caused by radiation, kesa naman daw mamatay nang mas maaga dahil sa food contamination.
Nung umuwi ako sa Batangas, nakanood uli ako ng TV. Akalain mong may sequel pala ang Bakery Scandal. May canned food, specifically, Ma-ling scandal na pinalabas ang XXX, ulat ni Henry Omaga-Diaz. Alarma kami. Mula pa pagkabata, bahagi na ng hapag namin ang Ma-ling. Ayon sa kwento, karne ng pusa't daga (pun?) ang laman ng de-lata na nasa warehouse somwehere in Tondo, Manila na pag-aari ng isang Instik. Ang hayop o! Pero halata naman sa packaging ang pekeng Ma-ling dahil sa deep red ang kulay ng lunch meat na mukhang kamatis sa malayo (sa orig, tan yung kulay ng lunch meat sa wrapper).
Pag nag-go-grocery, tinitiyak kong naka-indicate ang expiry date ng produkto. Another case of my traumatic experience. Kung hindi kase nasira ang tiyan ko sa bulok na Quaker Oats na hayok kong kinain dahil sa matinding gutom, sinabayan pa ng nabulok ding Almond Roca chocolate, hindi pa ako matututong bumasa ng expiry date. Kaya nung Linggo, hindi ko binili yung corn flakes sa SM Hypermarket dahil hindi malinaw ang nakasulat sa expiry date. Imported from Indonesia, which reminds me of the Trojan Horse that infested my laptop last year, yung DECOIL (Astig nung bwakanang peste, pagsapit ng 9PM nahahati ang screen, lalabas yung program tapos Mission Impossible ang background music. Ang hayop talaga ng mga cyberpunk!). Dahil lang sa otsenta pesos hahayaan kong pagpiyestahan ng pathogens ang aking bituka? Ano ako, bale.
Kasalanan 'to ni Dr. Hurlbert. Andami niyang kinukwento tungkol sa mga mikrobyo. Hindi ko tuloy alam kung kaaway o kakampi ko sila. Kaaway sa food intake/health threat. Kakampi sa apathetic society. Sabi pa nga ni Dr. Hurlbert, sila ang predators ng humans. How true! Sabi na nga ba't pauso lang natin na tayo ang pinakamalakas sa biosphere!
0 comments:
Post a Comment