Saturday, May 19, 2007

Hoola

Sabi sa hula sa akin kagabi ni Madam Ruthchel:

"Rich 'yung girl..."

Kaya napagpasyahan kong ituloy ang plano! *monstrous laugh*

Paghuhusayan ko ang paglalaro ng mah-jong. Mag-aaral din ako ng poker at black jack. Magpapakadalubahasa ako. Pagkatapos, tatambay ako sa Casino. Aabangan ko ang babaerong si Don Matteo Denaro, tapos matutuwa siya sa akin. Ilalabas niya ako sa Casino tapos isasama sa mga lakad niya. Sasamantalahin ko ang kabaitan niya. Hihilingin kong pumunta kami ng Japan. Ipahahanap ko si Matsumoto. Magdadaos ng social gathering. Magpapakilala ako. Magpapakilala siya. Secretly, uutusan ko ang isa sa mga tauhan ni Don Matteo the day before the gathering, na bigyan ng death threat si Matsumoto kung hindi siya mag-aanounce ng engagement sa party. Matatakot si Matsumoto kaya sa araw ng party, aakyat siya sa stage at mag-aanounce ng engagement tapos didilim at may spotlight na magpapaikot-ikot sa mga audience. Hanggang sa dumaan sa akin. At tumigil! Saglit na katahimikan. Sa isang iglap, nasa stage na rin ako kasama ni Matsumoto. One week after, may kasalang magaganap. Hihilingin ko kay Don Matteo na bigyan ako ng glass house sa Sicily. Pagbibigyan niya ako. Doon ako titira kasama si Matsumoto.

and the Prophecy is done!

Ako pala yung "rich girl..."

0 comments: