Thursday, May 3, 2007

MacArthur (Bob Ong)

MacArthur is Bob Ong's sixth (latest) book.

Bakit kamo ang pamagat? Alamin ang sagot sa ibaba. Read with feelings. (NOTE: Pag hindi ka napatae sa katatawa, ewan ko lang. Abrnormalite ka!)

Wahooooo - - - waw - waw - waw - waw - wooow!!!

Nakataas ang kamay ng magkakaibigan habang humaharurot pababa ang sinasakyang roller coaster. Sa gitna ng kasarapan, isang boses ang nangingibabaw sa lahat: kay Voltron. "Tama na! Taena, tama naaah! Humihiwalay na kaluluwa kooooh!!!" Ilang minuto pa ang naging kalbaryo nya. Pagtigil ng makina, siya kaagad ang tumalon ng upuan palabas at tumakbo sa may damuhan para sumuka. Sa pagmamadali, napatid pa ang tsinelas nya. Laugh trip lang ang tatlo.

"Ay, tarantado talaga!" Napatingin sila Noel sa tinitingnan ni Jim. May isinukang maliit na bayabas si Voltron--buo!

"Kumain kang bayabas, di mo nginuya?"

"Nginuya ko yan!"

"Ulul! Buong-buo e. Di ka ngumunguya ng pagkain? Para kang langaw!" Tawanan.

"Abnormalites! E di tunaw kaagad. Kung magutom ulit ako?"

"Nakakadiri ka."

"Ba't si Cyrus?"

"Ulul, pamperya talaga tiyan n'yan e. Saka pag pagkain, nginunguya nya rin. Ikaw lang ang lumalamon nang buo."

"Siguro tae ni Voltron malalaking tubol," nakisali si Noel. "Tubulosaurus!" Tawanan.

"Pakyu. Kesa naman sa inyo, maliliit, lightweight. Kahit ilang beses
buhusan ng tubig sa inidoro, bumabalik. I shall return!" pumuputuk-putok pa ang mga plema ni Voltron sa pagtawa.

"Gago, mayaman yan si Noel. Ginagawang kape tae nyan, pang-export!"

Source: page 43-44

AS of last week, available na ang MacArthur sa sumusunod na FULLY BOOKED branches:

  • Gateway, Cubao
  • Greenhills
  • Poweplant Mall
  • SM Mall of Asia
  • SM North The Block

SRP: Php100.00

BATUNG-BATO KA NA BA? ROCK-ROCKAN NA!

0 comments: