Bigla akong na-bore kanina sa 116. Nakatatlong page ako ng panay sketch. Palibhasa bago rin kasi ang ballpen ko.
Hindi ako nag-lunch. Hindi rin ako nagutom. Na-drain ang utak ko sa exam kaya hindi na rin siguro nakapagproseso ng kahulugan ng "gutom."
Pero kagabi, gluttony. Nag-takeout ako ng dalawang order ng Go Bigtime burger Mcdo meal. Sabi ko kasi, hindi ako matutulog para tapusin ang pagreview sa 122. So, kelangan ko ng maraming caffeine. E yung coke sa Mcdo, sobrang lamig. Mukhang okey pampagising. Kaya ayun, dalawang large coke ang nilaklak ko kagabi kaya lang, siyempre, nakatulog pa rin ako, bandang alas diyes. Tapos bigla akong nagising bandang ala una, bwiset, may nag-i-skateboard sa labas. Bakulaw talaga ang mga tinedyer ngayon ano. O yung mga tinedyer lang dito sa kanto? Kung kelan madaling araw, saka mga gising. Saka mag-iingay, saka magkakantahan, saka magkukwentuhan o magtsitsismisan o magpapayabangan. Parang gusto ko na ngang buksan ang bintana ko one time at ispreyan silang lahat ng Raid. O kaya Baygon, para mas nakakahilo. Badtrip!
May natirang isang burger sa lababo. Dapat babaunin ko kanina, kaso puno na ang bag kong si Kermit. Ang laman: sketchpad, libro ni Pechenik, manual sa 122, labgown, tsaka xerox copy ng chapters 15-17 ni Randall.
Hindi naman nagamit ang labgown. Pero masaya ang experiment. Dahil 2nd batch kami, nanood muna ng j-dorama (Hana Kimi) tsaka nag-soundtrip habang nanginginig sa airconditioned lab room. Tapos siyempre, ako ang nag-volunteer as guinea pig ng group kaso, problematic ang respiration rate ko.
Tae. Hindi ako marunong huminga nang normal.
Masyadong mababa ang mga amplitude, hindi magandang data. Medyo kinabahan din ako kasi bigla akong napaisip kung humihinga nga ba talaga ako. Hindi ko rin kasi napapansin. Madalas kasi iniiwasan ko makalanghap ng mikrobyo o makaamoy ng mabaho kaya baka naging part na ng lifestyle ko ang hindi regular na paghinga? Ewan.
Na-excite pa naman ako dun sa test applying physical stimulus (pinch or slap) tsaka sa respiration rate before, during, and after laughing. Pero okey naman ang performance ni Miss Rushell.
Sabi pa ng prof namin, amin ang pinakamagandang data, so far.
Ikalawang beses na akong naglakad pauwi. Masaya. Tipid sa pamasahe.
Wala na akong pera. Sinisingil na kami ng partial payment para sa yearbook. May babayaran pang grad pic sa Miyerkules.
Hindi na ako nakapag-sine ng Simpsons.
Gusto kong bumili ng 1G na flash disk.
Ayoko pang buksan ang naka-giftwrap na Harry Potter 7. Mauunahan pa ako ng kapatid ko sa pagbabasa.
0 comments:
Post a Comment