Sunday, July 15, 2007

Regalo Ko, Bili Ko

Magkakaroon na rin ako sa wakas ng isang functional digicam. Pahabol na regalo.

Nakakaloko kasi yung digicam na ginagamit ko. Actually, pinasa lang sa akin. Ang orig kong digicam (HP) ay makapal at mamahalin ang battery. Energizer Lithium. Kaso biglang nasira. Sinira. Pinalitan ng Kodak, na di hamak na mas mura ang baterya. Ordinaryong baterya lang. Minsang nagpuntang Boracay, na-lowbatt. Napabili tuloy ng rechargeable battery. Isang set ng dalawang Energizer na baterya na may kasamang charger. Tanda ko pa, nakicharge kami dun sa kinainan namin ng dangsilog. Nasarapan kasi ako sa luto kaya naalala ko. Pagkatapos nun, pinamana na sa akin kapalit ng MAMAHALIN at istetsayd kong HP digicam na ika-17th (or 18th?) birthday gift sa akin.

Last year, ayun, sinimulan nang topakin. 12-15 hours ang charging time niya. Pero once na i-off mo siya, hindi na uli mag-o-on. Bigla mag-bi-blink. Pula agad. Tapos patay. Napahiya pa tuloy ako minsan sa groupmate ko sa 120 lab. Importante pa naman na ma-dokyu yung result. Ayun, nakisuyo pa tuloy kami ng groupmates ko sa isang kaklaseng may cameraphone.

Shoot! Ang mahal pala ng iniinom ko. O dito lang sa Maynila? P83.50 isang bote ng Kristov Ice. Akala ko talaga P67.50 lang siya gaya ng Vodka Cruiser choose-your-flavor. Mas mahal rin siya sa Mudshake vodka at kahit ang mapait na Smirnoff, taob sa presyo.

Pero sabi nga ng commandant namin sa CAT noong hayskul, "Pag gusto maraming paraan, pag ayaw maraming dahilan".

Bumili naman ako ng ISA kahit papano.

Kaso lang WALA akong ref. Bahala na mamaya. Pinatong ko lang sa mesa. Tae sobrang saya ko. Parang batang binigyan ng lobo pagkatapos magsimba. Iniisip ko tuloy kung i-di-display ko na lang sa kusina, tapos sisindihan ko ng kandila tuwing alas sais ng gabi. Sambahin ba raw ang alak. Bakit hindi? Ido-idolatry. Sino'ng hindi sumasamba sa pera? Barilin ang ulo ngayon na.

Andami kong natanggap na "regalo". Ako ang pumili, sila ang nagbayad. Hannibal Rising na binayaran ng tatay ko sa Wal-Mart. Maximum Ride 3 (hardbound!) na pinabili ko sa ate ko. Maximum Ride 2 na galing naman sa isa ko pang kapatid. Pagkatapos, kanina, kinilig ako nang pumasok sa Fully Booked (SM North The Block). Nakatanggap na naman ako ng regalo. Ginamit ko yung perang regalo ng isa pa ring kapatid ko para bilhin ang Incantation (hardbound!) ni Alice Hoffman na kasama sa Wish List ko at isang vintage, Haunted ni Chuck Palahnuik. Bibihira ako makabasa ng vintage. Mahal kasi e kaya siyempre abot-kilay (lampas-tenga) ang aking ngiti. Kung pwede nga lang sana, magtatalon ako kanina sa bookstore. Nakita ko sa YA Fic section yung Prom Nights from Hell, mala-chiclit na libro kung saan kasama si Stephenie Meyer sa mga author. At siyempre, nakadisplay na rin ang Maximum Ride 2 and 3 na parehong hardbound. Na-excite ako, parang gusto kong magsisigaw, "AHAHA! MERON NA AKO N'YAN! NABASA KO NA YAN! MAGKASUNOD PA! SA LOOB NG ISANG ARAW HABANG NASA BIYAHE! (WELL TECHNICALLY, DALAWANG ARAW KASI NAG-CROSS NG INTERNATIONL DATELINE YUNG EROPLANO)".

Nakakaloka lang na wala ang Twilight series. Sinuyod ko yung limang bookshelves, wala talaga. Na-excite na naman ako kasi kaninang umaga, naligaw ako sa website ni Stephenie. Naalala ko AUGUST 7 na nga pala ang labas ng Eclipse tapos na-download ko yung patikim na Chapter 1. Bigla ko naalala, yun na nga pala yung binasa ko sa likod ng New Moon na edited version nung magpunta kami sa Fully Booked nung Mother's Day. Kung merong flash fiction, meron naman akong inimbentong flash reading. 'Yun yon. Hindi ko masyado na-savor yung storya kaya buti na lang may pdf file na teaser si Stephenie.

Sa sabado na ang labas ng Harry Potter 7. Pwede ko naman sanang pick-up-in sa NBS, kaso inunahan na ako nang magreregalo. Inorder online. May shipping fee pa. Nakakahinayang. At ewan kung kelan makakarating sa akin. Siguro naman, bago lumabas ang Eclipse, matatanggap ko na. Siguradong puro spoiler na sa paligid ko by next week.

Nakakaaliw kanina yung nabasa kong short story ni Ned, "Beauty". Hindi ko nasakyan yung kwento pero panalo yung description. Naka-iPod earphones yung narrator. Pero walang ipod. E siyempre diba sinusuksok yun pag sinuot kaya may iPod man o wala, hindi talaga mahuhulaan (unless na hawak siyempre). E style daw nila yun ng kaibigan niya. Mag-pretend. Masabi lang na nakikisabay sa uso. Tas binalak pa nilang magbenta ng fake iPod earphones. Nangingiti ako kasi parang "Shit ka Ned, gawa-gawa mo ba talaga 'yan o nagawi ka rito sa aming lugar na uso ang mga mapagpanggap at mahilig sa japeyks?" Anyway, e habang nagpepretend yung narrator na may suot siyang iPod gaya ng lahat ng tao sa paligid (kasi nga USO), nakita niya yung isang sosyal at magandang babae na may kausap sa kanyang latest model ng cellphone na pauso ng Verizon tas inobserbahan niya nang maigi, nirerelay niya yung narinig at the same time, ang kanyang mga insight. Tas biglang nagulat yung babae, napatayo tas natapon yung kanyang iniinom na mocha. Nagulat din siya, tas bigla niyang nasambulat, "What's wrong?" Tsismoso kasi. Ayun, sa kanya naman ngayon nagulat yung babae. Palusot niya, "I mean, it looks like something happened. Maybe I can help...blah-blah-blah". Biglang kumaripas palayo yung babae. Tas siya, naiwang nakatayo, pero ang sinasabi ng utak niya, "Baka nakita niyang wala naman palang iPod na nakakabit sa suot kong iPod earphones, pagtayo ko."

COOL!

0 comments: