Binalak kong agahan ang pagpunta pero 10:30 AM ako nakarating sa Bahay ng Alumni. Pero in fairness, hindi mahaba ang pila. Nung nagdaang taon (Komikon '06), malapit na ako sa kalsada nakapila at inabot pa ng katanghaliang tapat. Mag-a-alas onse kasi ako dumating at talaga namang tagaktak ang pawis ko. Wala rin kasi akong dalang payong. Nung Komikon '05 naman, kahit 9:30 ako dumating, tumagaktak din ang pawis ko dahil sa paghihintay magpapasok, sa pagpila, at sa pag-iikot sa loob mismo ng event. Tae talaga'ng init nun samantalang wala na akong buhok para dumikit sa nagpapawis kong leeg at batok. Pero kahapon, mahimalang hindi ako pinagpawisan kahit sabog-sabog ang medyo long hair ko. Malaking improvement nang mapansin kong dalawang beses na nag-refill ng tubig ang Maintenance Staff sa mga higanteng stand fan (o ika nga sa Kikokomix 3, "gargantuan" electric fans ng Main Lib... pero oo, hassle talaga pag napapadaan ako dun... sumasampal ang sarili kong buhok sa mukha ko) na nakadisperse sa loob ng Bahay ng Alumni.
Nasimot na naman ang baon ko, pero kasi bumili ako ng kikokomix at Komikon souvenir shirts. Gusto ko nga sanang bumili nung Beerkada plush, ang kyut-kyut kasi, ansarap gawing target sa dartboard.
Tama. Bumili ako ng dartboard nung isang linggo. Kailangan ko kasi ng outlet. Panibagong outlet, bukod sa pagsusulat at pagba-blog. Umabot na kasi sa puntong hindi na sapat na naisusulat ko lang ang pinakamatatalim, pinakamaaanghang, at pinakamapapait na salita sa tuwing ako ay tinatamaan ng sumpong. Kinailangan ko na ring paganahin ang aking utak sa paglikha ng mga imahinasyong kahindik-hindik para ma-satisfy ang aking nararamdamang kapootan. Pero kulang pa rin. Kaya kinailangan na ring idaan sa pisikal na pamamaraan. Sabi nga ni Ruthchel, lagyan ko raw ng larawan sa gitna ng dartboard. Kaso naisip ko baka lalo lang akong maghuramentado kung sakaling isabit ko ang (mga) larawan ng (mga) taong kinasusuklaman ko. Baka hindi ako makuntento sa pagtira gamit ang darts. Baka pati yung kutsilyo, screw driver, at cutter maihagis ko. Ang malala e mapagdiskitahan ko na ring ihagis pati ang kutson, silya, mga pinggan, kutsara't tinidor, bote ng vodka, textbooks, at mga sapatos ko, kasama na ang maputik kong botas. Kaya 'wag na lang. Isa pa, wala akong balak magdekwat o kunan ng retrato ang mga walang kwentang nilalang. Mas photogenic pa ang mga kuto at surot.
Tatlong indie komiks ang nabili ko.
'Yung una, sa Atomic Underground. Patron na nila ako mula pa nung unang Komikon, at nakilala ko sila way back 1st C3Con sa Megamall nang ikwento sila sa akin ng kapatid ko. Kung maalala ko, sila yung nanalo sa Best Indie Comicbook noon.
'Yung pangalawang indie, buy two take 1 for P30 ata. Dalawa silang gumawa ng magkaibang komiks pero yung free na isa, e yung binebenta nung isa sa kanila last year. Bumili ako sa kanya noon kasi nung lumapit ako sa booth niya, napakadesperado ng kalagayan niya. Parang nagmamakaawang may bumili sa kanya, sa halagang P25 atang komiks niya. Pero hindi naman yung nagmamakaawang pathetic ang dating. Basta 'yun. Generous ako last year. 2k ata ang nagasta ko noon. Bili lang ng bili. Bawat booth na may mag-alok, dukot sa bulsa. Ang sa akin naman e, talentado 'tong mga taong 'to. Bakit hindi pagbigyan? Pag sumikat e di mas astig. Kesa naman mag-artista sila sa telebisyo't pelikula, pagkatapos papasok sa pulitika. Eeew.
'Yung pangatlong indie, bago lang sumali sa Komikon.
Next, hebigat na komiks.
1. Kikokomachine Komix #3. Self-proclaimed Kikomachine fan. Una sa banda, ngayon pati sa komiks. Sa kapal ng mukha ko, nakilala na ako ni Mister Manix. Wala pa akong buhok nang una akong magpa-autograph sa kanya. Kaybilis ng panahon. Siya ang nanalo kahapon sa What If's na pakontest sa mga artist: "What if si Gambit naging si Prince?" Andami niyang fans. Dyahe nga nung nagpa-sign ako sa t-shirt. May isang grupo kasing nakikipagkodakan sa kanya. Bigla ako nahiyang lumapit. Tas may mga lalake pang sunod na magpapaautograph. Ang labas kasi e para akong sumingit.
Sila ang mga kalahok sa unang "What If" contest: Gerry Alanguilan (Elmer), Manix Abrera (Kikomachine), at Michael David (Kuborikikiam).
2. Fantakada. Last year kasi naaliw ako kay Sir Lyndon nang i-sales talk niya ako. Sa autograph niya, dinodrowing niya yung bumili ng komiks niya. Last year, nakabungisngis yung drawing niya sa akin. Tas may special message pa siya, "Konting tulong lang po, ate". Kasi yung kwento niya tungkol dun sa mga lumalapit sa bus o restawran na nag-aabot ng sulat at humihingi ng donasyon. Hindi na nga ata 'yon nawala sa uso.
3. Kulas. Buong akala ko talaga matanda yung creator nito. Gustung-gusto ko yung strip na "Ga at Go" nung panahon ng kaadikan ko sa Mwahaha. Siyempre, gusto ko rin yung "Kirot ng Kapalaran" ni Manix. Kaya nung mapunta ako sa booth ng Kulas at napansin kong nag-o-autograph siya, di na ako nag-atubiling bumili. Nagdrowing siya sa autograph tas naglaan talaga siya ng oras para ipaabot ang pasasalamat sa bawat bumibili at nagpapasign ng kanyang komiks. Pati na rin ng pagsuporta raw sa indie komiks. Basta ganun, madali akong kausap. Lalo na't naaamoy ko ang sinseridad ng isang tao.
4. Pugad baboy 19. Buti na lang may natira pa akong pambili ng kopya. Ang haba ng pila ng autograph signing. Pero ako ang una sa pila. Sa legal na pila. Kasi pagkasabing-pagkasabi ni Miss Syeri na pumila sa right side niya ang mga magpapapirma, sunod agad ako. Dumaan kami sa backstage (1st time) tas lumabas sa kabilang side. Kaso talagang dinumog yung booth ng Pugadbaboy at nakapalibot talaga yung mga fan na kabibili lang ng komiks. E alangan namang paalisin pa sila doon e andoon na sila. Kaya kinailangan namin maghintay. Wala namang problema sa akin. Natapat ako sa "gargatuan" electric fan. Sang-ayon ako kay Miss Syeri, pumayat si Pol. Buhay pa yung retrato namin noon sa C3Con (four or five years ago). Highschool pa ako.
Wala si Luci, yung astig na creator ng Satan High back in C3Con (four or five years ago... sa isang retratong natago ko, kasama ko pa ang kapatid ko) na nag-o-autograph with matching drops of blood from his finger. Last year, kinunan ko siya ng retrato habang aktuwal niyang winiwisikan ng dugo ang komiks na binili sa kanya. 'Yung katabi kong lalaki, nadidiri ata o natatakot. Napapraning. Samantalang ako, enjoy na enjoy sa palabas.
Andun uli si Kuya JP Cuison. Na-sense ko ang kanyang presence nang makita kong may ipinatong na tv sa mesa sa tabi ng pwesto ng Kikomachine komix. Last year sobrang naaliw ako sa panonood kay Captain barangay captain kaya napabili ako. Hindi ko naman akalain na ako pa pala ang buwena mano. Kaya ayun, nagpose kami. Tapos kahapon nga, may second installment. Meron nang bagong bida, si Boy T. Ang nakakagulat pa e naalala niya ako. Tinanong niya kung nakita ko raw ang retrato namin sa internet last year. Siyempre hindi ko alam. Kaya kanina ko lang ginoogle: Captain Barangay Captain Vol.1&2
Nakita ko rin si Carlo Vergara. Last year, siya ang special guest. Pinromote din ng WikiPilipinas ang Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsazsa Zaturnnah. Hindi ko nagustuhan yung dubber ni Ada.
Hindi ako nakabili ng Kuborikikiam.
Pero nahuli ko si Taga-ilog. Astig ng timba.
...at nahuli ako ni Taga-kanal (Michael David). Lagot.
Bibili sana ako ng point zero shirt kaso naubusan na ng size. hindi kasi agad bumili habang maaga.
Sobrang busy ni Miss Syeri Baet sa event. Siya kasi ang emcee. Siya ang nag-interview sa mga guest artist.
***
WARNING: Panay kadramahan
***
Bakit may flashbacks?
Kasi tumanggi ako magpainterview kay Ate. Hindi ako marunong sumagot e. Baka ipahamak ko lang ang event. Tsaka hindi naman talaga ako hardcore fan ng komiks. Tinanong niya ako kung first time ko umattend. Sagot ko, "hindi." Pero hindi ko sinabi na nag-attend ako mula pa nung unang C3Con.
Kaya naalala ko uli ang C3Con.
Iniisip ko ito na ang huling Komikon ko.
Nanghihinayang ako. Hindi ko naituloy ang pagsali sa mga pakontes dahil tinamad akong tapusin. Nang makita ko yung mga kalahok sa Character Making Contest, nagulat ako sa dalawang entry. 'Yung isa, indigenous version ni Sailormoon (naalala ko si Indigenous Dora ko). 'Yung isa naman, si Zorro nakasakay sa kalabaw (naalala ko si Pyro Pilipino ko). 'Yung nanalo, si Gambit (kasama siya sa brainstorming sessions ko). Sa comics ng Alamat ng Kung Anu-anong Bagay Na Hindi Pa Nagagawan Ng Salaysay, nanalo yung alamat ng videoke. Patawarin mo ako Batataman.
P.S. Patawad Mighty Mickey. Patawad Kiwi. Patawad Coproman. Babawi ako kay Roy at Miles. Pangako. Disyembre 1.

0 comments:
Post a Comment