Tuesday, January 16, 2007

Mga Manunulat Na Halimaw Sa Galing

Sa wakas, napasakamay ko rin ang Angela's Ashes. Maalikabok pa siya mula sa display ng Booksale sa Shopping Center. Pero ayos lang. Mura na, hardbound pa.

Tingnan nga natin kung Pulitzer talaga ang bangis nito. Humanga ako sa Teacher Man dahil sa sobrang kapayakan subalit puno ng ka-insightful-an nito.

Para talagang nakikipagkwentuhan lang ako kay Frank McCourt isang boring na hapon nung sembreak. Tahimik na nakikinig, pamaya-maya'y napapangiti, napapbuntung-hininga, at napapa-"oo nga," "sinabi mo pa," at "apir!"

Nung dapat tinatapos ko yung Eragon, lumipat ako sa Nature Girl.

Mapagbiro ang mundo. Akalain mo, may utang na loob si Christopher Paolini sa inaanak ni Carl Hiassen (Hoot, Flush, Nature Girl, etc.) sa pagkaka-publish ng phenomenal na book-to-film Eragon. It's a small world nga!

At hanep, prodigy rin pala si Paolini. Highschool niya nabuo yung Eragon. Parang si Koski sa kanyang Miscellaneous Philosophy. Parang si Ned sa kanyang Teen Angst?!...Naaah.

Siyeeet. Ambabangis nila. Kelan kaya ako magiging halimaw din?

Hanggang sa pagiging halimaw na lang ata ako ng Choxie.

0 comments: