A son does not choose his father.Well said, Murtagh.
Finally. I watched Eragon on the big screen. It felt like watching Harry Potter - Lord of the Rings - The Chronicles Of Narnia: The Lion, The Witch and The Wardrobe --- all-in-one.
Kaya lang masyadong Nagmamadali Ang Maynila. One minute, nandito pa lang sila. Maya-maya lang, nasa kabilang ibayo na. Nalingat lang ako sandali para mag-banyo, pagbalik ko simula na ang aksyon. Ambilis ng mga pangyayari pwera lang dun sa battle scene.
Buti na lang talaga hindi ko pa tapos yung libro. Kundi, ma-ha-highblood na naman ako dahil hindi na naman papasa sa expectation ko, which is of course, the exact narrative.
Sa libro, paborito ko si Eragon. Sa pelikula, paborito ko na si Brom. Pero wala nang mas aastig pa kay Murtagh.
Bakit nga ba hindi makapili ng magulang ang mga anak. Mas malala pa siya kaysa sa kung bakit hindi makapili ng ninong at ninang ang mga inaanak. Kung nagkataon.. perfect!
Itutuloy ko ang kwento ni Norma. Isinilang siya sa akin noon. Nararapat lamang na siya'y buhayin ko. Panahon na para marinig ang kanyang tinig, lalo't higit ang kanyang kwento. Dahil kung hindi ngayon, kelan?
Sikat na si Norma sa kanila noon pa man. Sino ba namang hindi makakikilala sa anak ng Devil sa isang birhen?
"Dapat mahalin ang magulang. Kaya siguro mahirap magmahal ng magulang kasi ginawa itong dapat." - Bunso, Eli Rueda Guieb III
0 comments:
Post a Comment