Friday, February 9, 2007

For One More Day (Mitch Albom)

Mabagsik ang bagong libro ni Mitch Albom. Pamatay na salubong sa'king mga librong binabasa at babasahin pa ngayong taong 2007.


Why do I use such strong words? Dahil ibang klaseng engkwentro ito. Hindi pinapalampas sa gunita ang ganitong tipo kaya't kailangang maisakonkreto sa pamamagitan ng pagrerekord.


Ordinaryo lang sigurong reaksyon ang maluha sa isang nobelang pandrama ang timpla. Sa kaso ng dalawang naunang libro ni Albom, ok-ok lang ang reaksyon ko. Pero inabot pa nga ako ng kaburyungan sa The Five People You Meet In Heaven dahil isang linggo ko siyang binasa nang paputul-putol.


Hindi sa kaso ng For One More Day. Page 4 pa lang, pumatak na ang luha ko. Pagdating ko ng page 187 ngumangalngal na ako. Hindi naman ako malungkot kagabi. Busog naman ako sa cookies. At kumain pa ako ng dinner. Basta bigla na lang akong nag-breakdown. Hindi ko naman gusto yung bida dahil hindi siya tinedyer na puno ng angst. Wala rin naman akong hilig sa sports at lalong hindi ako makarelate sa baseball lingo. Pero pumalahaw ako ng iyak na pinigilan ko lang na tuluyang makaeskandalo sa mga kapitbahayan sa pamamagitan ng pagtaklob ng malaking unan sa aking bibig, at sa mukha, in general na parang yung napapanood sa mga pelikulang may malupit na nars o katulong na tatakpan ng unan yung pasyente o amo para ma-suffocate tapos mamamatay.


Ang simple lang ng naratibo. Ang gasgas na rin ng tema.


Isang kwento lang naman tungkol sa pamilya. Isang tipikal na pamilyang may mag-asawa at ilang anak. Pero isang tipikal na modernong imahe ng kanluraning pamilya, wasak. Isang tipikal na kwento ng isang imahe ng kanluraning matandang hindi ko masabing ma-angst dahil kasalanan naman talaga niya ang nangyari sa kanyang buhay, na nagtangkang magpakamatay. isang tipikal na kwento ng isang imahe ng taong minsang nalagay sa pedestal at dahil tipikal, ay biglang babagsak din. kaya maglalasing, tatakas sa buhay, magiging inutil, etcetera, etecetera. lalayuan ng pamilya, itatakwil, itataboy. at siya'y malulungkot, maghihinanakit, pero mahihiya at sisisihin ang sarili. kaya maglalasing habang nagmamaneho at mababangga sa highway at malalagay sa 50-50.

Either you become a daddy's boy or a mama's boy, you choose.

Ipinagpilitan sa libro na isa itong ghost story. After all, every family is a ghost story of some sort.

Ewan hindi ko naintindihan. Basta nagkaroon ng vision yung bida.

Nakita niya ang kanyang ina.

Posey: children should not choose.

Our story is also our mother's story, dahil daw nanggaling tayo sa kanila.

Kaya ROCK ON moms?





limang araw na lang.... Happy Mothers' Day! *wink*

0 comments: