Tuesday, February 6, 2007

Dobol Ded

Namatay uli ako kanina. This time, may suspek. May sisisihin. Ang dahon ng pandan. Buti na lang may alcohol to rescue my soul. Mula nang magbukas ang semestre, lalo na akong napraning sa mikrobyo. Ika nga ni Stefan, "germophobic."

Royal rumble.

Todo rambling na naman 'to. Ang totoo, isa lang naman ang tanong na kailangan kong hanapan ng sagot ngayong araw na 'to. Para matapos na. Para makapag-review na ako (yaaaaak!).

Paano ba gumawa ng kuwento? Ng matinong kwento? Paano ba mag-isip ng plot? Ang naiisip ko lang kase puro simula. Walang wakas. At lalong walang conflict.

Conflict! Sa dinami-dami ng problema sa tunay na buhay, wala akong ma-point out. Diba ang sarap sapukin? Kung hindi tanga, baka bulag. O bobo lang talaga. Pwede ring 3-in-1.

Anlakas ng sanib ko kanina. Out of 13 specimens, isa lang pala ang official na accomplished work ko. Ni-rip-off ko si Stefan at inimagine ko na sumisilab bawat bagay na makita ko. Pati sarili ko. Mala-Pyro. Tatawa-tawa ako tapos hirit nang hirit. Nakaispel sa mukha ko ang sarcasm. Mula sa oras na 'yun wala akong ginalang. Lahat tinitira ko nang patalikod. Tawang-tawa ang demonyo. Pero ayoko namang idamay sana ang mga inosente. Kaya kahit gustung-gusto kong humirit, tumahimik na lang ako. Para lang huwag silang mapeste. Pero sa awkward gestures ko, hindi rin nila naiwasang hindi makahalata.

Hindi mo kailangang sumigaw para lang sabihing galit ka. Bahala sila sa buhay nila kung ayaw nilang maniwala. Hindi ko na problema na makumbinsi pa sila. Basta ako alam kong galit ako. Siguro napraning sila nang sabihin kong galit ako tapos humalakhak ako.

Adik na tawa.

Hindi yan yung tawa nang nagda-drugs. Tawa ko yan. Kung bakit adik kase isa lang naman ang nakapagbibigay-ligaya sa akin. Ang nakapagpapatawa. Nakapagpapahalakhak. Nakapagpapa-energize. Nakapag-re-rehydrate sa natigang na utak dahil sa mga teknikal na libro. Ay corny. Give away na.

Muntik nang adik na tawa.

Hindi ako mapakali kanina. Na-scan ko na yung Personal ni Rene Villanueva. Nabasa ang ilan. Pero hindi ko matapos. Hindi ako makapag-concentrate. Gusto ko mag-isip pero parang hindi na ako marunong. Hindi ko nahiram ang Mga Agos sa Disyerto. Mamatay na yung nag-overloan nung libro sa Filipiniana.

Wala akong maisip na plot. Parang may mali. Parang deja vu. Eto na naman ako. Nagpupumilit isiksik ang sarili sa espasyong hindi naman laan para sa akin. Nitso lang ang laan sa akin ng mundo. Pero baka nga hindi na uso yun pagdating ng araw. Paano kung silab-silab na lang? Pero hindi to ang dilemma ko. Hindi ako bagay sa kumbensyunal. Hindi ganun ang nakaispel sa balat ko. Paano ako makalilikha ng bagay na hindi ko naman taglay ang mga sangkap?

0 comments: