Nagkasakit ako nung weekend. Akalain mo. Tinatablan pa rin pala ako. Weird kasi ng weather. Post-christmas season effect. May natanggap pa nga ako sa txt message na "Seasons greetings." Di na rin pala mapagkakatiwalaan ang kalendaryo. Anlamig kasi sa Pilipinas. Talo pa ang winter ng Mt. Vernon. Nagawa ko pa nun mag-tights at mini's habang naglalast minute shop para sa noche buena. Umuulan pa. Pero dito ngayon walang heater-heater. Lalong walang hot shower. Sa jeep pa lang, talaga namang paspas ang hangin. Parang tinornado ang buhok mo, tapos yung utak mo parang ni-frostbite.
Kaya tuloy nilagnat ako. Kumpirmado nung Sabado ng gabi. Inatake ako ng hypochondriasis. Kung sa ordinaryong araw, maarte talaga ako, pag inatake ako ng sakit, lalo pang nag-iinarte ang sensation ko. Aray dito, aray doon. Hindi malaman kung alin ang masakit. Basta may masakit. Kahit pa nga dikta lang siguro ng guni-guni. Kasi hypochondriac nga.
Pero hindi ibig sabihin, sumusuko na ako sa makapangyarihang lagnat. Malakas ang kutob ko na nanghihina na ang resistensya ko. Hindi ng sa katawan kundi ng sa kaluluwa. walang kinalaman ang relihiyon. Sabi kase ng isang quote, ang libro raw ay food for the soul. Masyado ako nagdiyeta nitong mga nakaraang linggo. Puro teknikal na libro ang sinasaksak ko sa kukote ko kahit alam ko namang beyond carrying capacity na ang ginagawa ko. Isa pa, hindi masustansya ang ipinapakain ko sa aking utak. Masyadong ma-vetsin. nakakatigang ng isip. Lalo na yang genetics. Ass-ar!
Sakto naman pag-uwi ko sa amin, naghihintay na ang dalawang libro galing kay Ginoong Barnes&Nobles, ang post-christmas gifts ng aking kapatid! Ang libro ni Stefan at ang Flush.
Binasa ko si Stefan. Talentadong bata yun! Sixteen niya na-publish yung libro. Magsama sila ni Ned. Mga astiging child prodigy na punung-puno ng angst. Naalala ko na naman si Jojo Boy. Para yata kay Jojo Boy yung slogan sa t-shirt ko nung Biyernes: "Reform School, Dropout" in shouting red color. Shit. Naalala ko rin ang katangahan ko nang maiwan ko sa room ang calculator sa pagmamadali kong makaalis agad sa nagbabagang apoy na exam sa Genetics. Buti na lang may Samaritanong nakasagip umano sa aking sci-cal.
Nasiyahan naman akong makinig (magbasa) sa mga kuwento ni Koski este sa mga angst pala. Way to go, kiddo! (oops, ripoff na naman!) Hindi na pala yun bata. Bata siyang may mature na pag-iisip. Isang batang nakuha ang aking respeto, bilang tagapakinig (mambabasa) at higit sa lahat, bilang isang nakatatanda. Nakakaguilty pala yun sa side ng matatanda kapag narerealize mo na tama yung sinasabi nung mas bata sayo. Na may sense yung sinasabi niya. Na marunong din pala siya tumingin sa mga bagay-bagay at sa buhay sa kabuuan. Recently lang, may natutunan pa ako kay Stefan. Mas appropriate daw yung tanong na, "Are you attempting college?" sa halip na, "Are you going to college?" Amen. May Buddha be with you always, Koski.
Mabuhay ang mga katulad ni Jojo Boy at Stefan at Ned. Pabagsakin ang sistema!
Hehe. Hehehe. Hehehehe.
Naramdaman ko tuloy na ako yung pinupuntirya nitong tatlo nung hayskul din ako. Ang hirap lumingon sa nakaraan. Parang wala akong naging kasaysayan mula 2000 hanggang 2004. Parang walang nangyari. At ang masaklap, wala akong ginawa? Tapos ngayon, mababasa ko ang mga katulad nila. Pero sila may sinasabi. Ako wala. Nakakahiya ako!
Hindi lahat ng writer ma-angst. Hindi lahat ng writer baliw. Hindi lahat ng writer adik. Hindi lahat ng writer, writer.
Parang nung nanood ako ng Charlotte's Web, maiiyak na ako sa katatawa sa usapan nina Wilbur at Templeton:
Wilbur: Humans love pig.
Templeton: No. Humans love pork.
0 comments:
Post a Comment