Saturday, March 3, 2007

Pan de Yaaak

May phobia na ako sa mga bakery.

Kagabi pinalabas sa Imbestigador yung bakery na pag-aari ng isang Intsik sa Pasay. Nagkalat ang mga ipis - sa dingding, sa sahig, sa mesa, sa basura, at pati sa ibabaw ng mga tinapay!

Sa ibabaw! (parang ginawang kama...at home!)

Yung mesa, tabla. Pwedeng amagin. Tapos yung tubig na ginagamit sa paggawa ng tinapay, galing sa poso. Nang tanungin ng reporter kung saan kinukuha ang tubig sagot ng nanay ng may-ari ng bakery, "Yung tubig galing sa poso. Malinis? Malinis yata."

Yata!

Ang masama nito mukhang malinis ang display. Mukhang malinis yung istante. Mukhang malinis yung mga tinapay. Mukhang masarap at katakam-takam.

Naalala ko bigla 'yung binibilhan ko ng monay at pandesal sa Krus Na Ligas. Tsaka yung isa pang bakery na binibilhan ko ng crinkles at spanish bread. At yung isa pa na binibilhan ko ng buns. Pati Julie's.

0 comments: