"Iha, lagi ka bang umaabsent?," tinging ngayon lang kita nakita.
"Seat-in lang po," ngiting-aso.
***
"Kanino kang anak? Kanino kang anak, ha?"
***
"That's a bad book. The baddest book...
***
"Kulang pa 'yan."
***
"1986 pa! Class, pag ang libro higit nang sampung taon, wala nang magbabasa n'yan."
***
"H'wag n'yo akong gawing librarian."
***
"Swimming na swimming na ako. Sulat na sulat na ako. Pintang-pinta na ako. Alalahanin nyong abala lang kayo sa akin."
***
"Naiinggit ako sa mga Israelite. Nasa bibliya yung mga bayani nila. Tayo, kilala natin ang mga bayani nila. Pero hindi natin kilala ang sarili nating mga bayani."
***
"Kwentuhan mo ako ng tungkol sa bayan mo...in two minutes."
***
"Ang mga tagalog traydor. Sila ang mga unang naging mersenaryo. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit wala silang epiko?"
***
"Sino sa inyo ang hindi pa nakakatikim ng sariwang isda?"
***
"Class, magandang pag-aralan ang mga lumad."
***
"Aawayin mo ang libro. Ganoon ang kritikal na pag-iisip. Mayroon kang sasang-ayunan pero hindi lahat."
***
"Ano ba ang nasyonalismo para sa mga katulad nina Marcos? O ng mga lumad?"
***
"Siguro nga wala namang sagot. Nasa isip lang natin. Pero subukan pa rin natin."
***
Note: Everything mentally recorded during his class (Pan Pil 50) last Friday afternoon.
...A WALKING, TALKING LIBRARY! GUSTO KO MAG-APPLY BILANG ANINO!
0 comments:
Post a Comment