Sunday, June 10, 2007

Gokusen 2

Sa j-doramang ito ko lamang narealize ang ibig sabihin ng “teaching as a vocation” na minsan ko nang narinig sa Kulturang Popular.

Napraning ako sa palabas.

Ayoko siya magwakas.

Gusto ko si Yamaguchi-sensei. Kahit alam kong hindi siya tao. Lalo’t higit, hindi siya totoo.

Fasinasyon sa ideal.

Kamukha ng mundo niya ang mundo rito.

Ang basura ay mananatiling basura at hangga’t maaari ay dapat na nakatago. Hindi dapat nakikita.

Ang mahalaga ay ang prestige. Ang reputasyon ng iskwelahan.

Ang mga matatalino at mahuhusay na mag-aaral ang tanging kikilalanin at bibigyang-pugay. Tanging ang marurunong ang magtatagumpay.

Ang punks ay mananatiling punks. Huhusgahan sa mga galos, pasa, at sugat na natamo sa basag-ulo, sa kinulayang buhok na parang mga manok, sa dami ng piercings sa tenga, ilong, at dila, sa bilang at laki ng tattoo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, sa mga markadong class records, report cards, class cards, at student tribunal, sa bilang ng absences at lates, sa dysfunctional family background, at sa mga krimeng nagawa. Nabuhay para gumanap sa papel ng kontrabida. Wanted. Kalaban ng lipunan. Convicted. Damned. Evil. Die. Go to Hell.

Dr. Jose Rizal, kasali rin ba ito sa mga buktot na kaisipang siyang dahilan para isulong mo ang iyong bersyon ng rebolusyong hindi naintindihan sa sarili mong panahon?

Naiinis ako sa punks. Naaawa ako kay Yamaguchi-sensei. Pero dikta ng aking common sense, “It’s the way of the world.

PAK IT.

Predestined devils? Kaya siguro mahina ang “common” sense ko.

It’s the way of the world,” my ass. I’m going my own way.

Natapos sa happy ending ang drama. Pero sabi nga sa Kurosagi, "The story of Cinderella only begins after the happy ending." Ano’ng malay natin kung babaero pala si Prince Charming at itong si Cinderella'y balik sa pagiging alila, o ang malala, battered housewife, sa palasyo?

Balik-iskwela na naman sa Hunyo. Hahanapin ko si Yamaguchi-sensei sa iskwelahan ko. Kahit maliit na bahagi lamang niya, ayos na. Hahanapin ko siya para kay Jojo Boy. Alam kong maililigtas niya si Jojo Boy. Hindi pa huli ang lahat. Natutulog din ang Hari.

Sino kamo si Jojo Boy? Siya ang ikatlong katauhan ng mambabasang Ako. Ayon sa pagkakasunud-sunod ng panahon ng pagsasanib-loob: si Santiago ang una. Si Holden ang ikalawa. Si Mercy ang ikaapat. Si Harriet ang ikalima. Si Ida B. ang ikaanim. At si Rain, ang ikapito.

0 comments: