Achievement ang labrep sa Respiration kanina. Di biro ang dalawang araw (actually, isang maghapon at isang magdamag) na binata ko para ang supermegahabang labrep (13 pages, di pa kasama ang sandosenang graphs sa result) namin ay mapagkasya sa 10 pahina. Sampu.
Kaya naman ang resulta:
3/4 page from a 1 1/2-page methodology
3 3/4pages from a 7-page discussion
AND proud for the 2 1/4-page literature cited!
Siyempre during the process, hindi maiwasan ang pakiramdam ng pagkangarag, pagkalugaw ng utak, pag-ikot ng paningin, pagtanga sa screen, pagtingala sa kisame, pagtulog, pananaginip, at siyempre ang pagbabasa ng mga librong hindi required.
Sa loob ng tatlong araw na walang pasok, tatlo sa limang bagong librong nabili ko sa loob ng dalawang magkasunod na araw ang nilapa ng utak ko.
Yung una, nung biyernes mula alas nuwebe ng gabi hanggang alauna diyes ng umaga: The Secret Life of Sparrow Delaney.
Yung ikalawa, pagkatapos na pagkatapos ng naunang banggit na libro (pero hindi na kinaya ng labis na antok) na ipinagpatuloy ng sabado ng gabi at muling itinuloy pagkatapos ng ikatlong libro sa ibaba na binasa kagabi.
Yung ikatlo, The Realm of Possibility ni David Levithan (author of Boy Meets Boy) kagabi.
TRIVIA: Ang huling librong nabanggit ay hindi ko na pinakawalan sa aking mga kamay mula nang mahugot ko ito sa shelf ng Powerbooks dahil sa nabasang teaser na nasa likod ng libro:
My girlfriend is in love with Holden Caulfield.
Yung dalawang natitira, nakabalot pa.
Sa wakas, meron na ako ng unang libro ng Cirque du Freak series. Eleven books to go!
***
Bukas ay Agosto 7. Eclipse bukas. Bukas ay Eclipse. Eclipse bukas.
Kunwari oblivious ako sa deadline ng pitong summary ng pitong scientific journal articles.
Bukas ay Agosto 7. Eclipse bukas. Bukas ay Eclipse. Eclipse bukas.
Kunwari oblivious ako sa 116 lab exam sa huwebes.
Bukas ay Agosto 7. Eclipse bukas. Bukas ay Eclipse. Eclipse bukas.
Kunwari oblivious ako sa 196 seminar ko next Thursday.
Bukas ay Agosto 7. Eclipse bukas. Bukas ay Eclipse. Eclipse bukas.
Kunwari oblivious ako sa nalalapit na 2nd exam ng 150 lecture.
Bukas ay Agosto 7. Eclipse bukas. Bukas ay Eclipse. Eclipse bukas.
Kunwari oblivious ako sa deadline ng detailed capsule proposal.
Bukas ay Agosto 7. Eclipse bukas. Bukas ay Eclipse. Eclipse bukas.
Kunwari oblivious na oblivious ako.
Bulong ko sa sarili ko, "Shit. Andaming gagawin."
Sabi ng utak ko, "Pakamatay ka na lang."
Sagot ko naman, "Ano ako, bale?"
STRATEGIES: Bawal ma-stress. Bawal magkasakit. Bawal mag-isip. Relax ka lang. Read a good book. Wash your hands. Use alcohol. Eat at McDonalds.
The best advice I could give myself: When in doubt, sleep.
0 comments:
Post a Comment