Wednesday, October 17, 2007

Taranta

Tigok talaga ako sa exam kanina.

Nakupo ayoko mag-finals! Uwing-uwi na ako. Gusto ko na maglinis. Gusto ko na makalanghap ng sariwang hangin. Gusto ko nang maisakatuparan ang aking SEMPLANG (sembreak action plan) sa lalong madaling panahon.

Kaya ayoko na (sana) mag-finals sa 122.

Kasi naman. Wala sa plano na basahin ang Harry Potter Book 7. At lalong wala sa plano na tapusin ang libro AGAD. GAHD. Kaya tuloy wala nang mag-register sa utak kasi puro Accio! Expelliarmus! Lumos! Cruciatus! Avada Kedavra! Tapos limang minuto rin ang hindi sinasadyang ilaan sa pag-iisip kung kaninong anak si Victoire! Cousin...our cousin... Ron... Ginny... cousin...

ANAK NG VEELA! Kina Fleur at Bill. Whew.

Pero ang mas WHEW!

Scorpius?!??

Shame, what a name. I wonder who Draco's wife is. Oh well, tama nga ang corny ng kina Harry... James? Lily? Albus Severus?! Parang fairy tale, HAPPY ENDING...Ang saya, ang saya ng lintik. Habang ako sa exam kanina...sorry ending?

0 comments: