Natatakot akong mamatay.
Anong gagawin nila sa mga libro ko?
Paano kung itapon nila dahil wala na ako. Paano kung ibenta nila tapos biglang nasunog yung tindahan nung secondhand na mga libro kung saan nila naibenta ang mga libro ko. Paano kung ipamigay nila pagkatapos, gagawin lang pang-iwang ng puwit o di kaya’y gawing pambalot ng tuyo sa palengke. Paano kung i-donate nila sa bookdrive pagkatapos hindi naman babasahin nung makakatanggap, dodrowingan lang o susulatan.
Ano’ng mangyayari sa mga libro ko?
Paano kung magusot o mapunit o madumihan ang pahina sa kamay ng iba. Paano kung anayin o bukbukin sa loob ng cabinet. Paano kung mabasa dahil nabutas ang sakong pinaglagyan. Paano kung gawing pansiga ng basura.
Saan nila dadalhin ang mga libro ko?
Paano kung hindi na isoli ng humiram sa library. Paano kung walang bumili sa secondhand bookstore. Paano kung malaglag yung kahong pinaglalagyan ng mga libro ko habang binabyahe para sa distribution ng book donations. Paano kung irecycle sa junk shop. Paano kung gawing paper mache o parol sa isang livelihood project. Paano kung gawing bangkang papel sa tag-ulan. Paano kung gawing eroplano sa loob ng classroom.
Pwede bang ipatas nila sa bookshelf ang mga libro ko. Pwede bang igawa nila ng mini-library ang mga libro ko. Pwede bang isama nila sa paglibing sakin ang mga libro ko.
Pero mamamatay ako.

0 comments:
Post a Comment