Transitory period, mula sa pagiging adik patungong moderate Friendster user.
Dahil nagrerent lang ako noon sa Philcoa para mag-internet, sa tuwing magbubukas ako ng account, tiyempong LAGING hindi nagsa-signout yung naunang gumamit. Ewan ko kung nakaligtaan lang o tanga lang talaga. Ako naman si pakialamera, nakaisip na mang-goodtime. Kasalanan mo, iniwan mong bukas ang account mo. Matuto ka. Noon e kasagsagan ng pagkahumaling ko sa Philippine lit. Kaya HINACK ko ang account nila sa pamamagitan ng pagpapalit ng Name nila sa Account Settings at minsan pati About Me. Nagdelete din ata ako ng ibang nasa Friends list nila. Sa babae, ang ipinalit ko ay Marissa Reynon (a.k.a. Sarah Jane Salazar), na napulot ko sa Sakit ng Kalingkingan: 100 Dagli sa Edad ng Krisis (2005) ni Rolando Tolentino. Sa lalaki naman ang ipinalit ko ay Macario Sakay na nabasa ko sa isang libro ni Jun Cruz Reyes.
Kaya sa lahat ng mga nabiktima ko, binabati ko kayong lahat!
0 comments:
Post a Comment