Kasalukuyan kong tinutuloy ang pagbabasa ng Angela's Ashes ni Frank McCourt. Ang librong ito para sa akin ay hindi katulad ng mga librong nauna at tipikal kong binabasa dahil:
1. Obviously, ito ay isang Pulitzer Prize awardee.
2. Ito ay isang memoir.
3. Hindi ako nagmamadaling tapusin ang libro gaya ng usual rabid reading style ko, partikular sa mga young adult fiction.
4. Sa pagbabasa, gusto kong maiyak at matawa nang sabay pero alam kong imposible gawin yun kaya nananahimik na lamang ako na maipagkakamaling walang reaksyon.
5. Hindi ako nakakarelate sa kwento dahil hindi ako lumaki sa panahon ng krisis (Great Depression) at kung nakaranas man noon ng hirap ang aking pamilya, hindi ko naramdaman dahil wala pa akong muwang. Basta't ang tiyak ko, lumaki akong isa nang spoiled brat.
Napulot ko ang ideya na basahin ang librong ito dahil na rin sa curiosity nang mabalitaan ko mula sa isang kakilala matagal na panahon na ang lumipas (siguro mga isa't kalahating taon na ang nakararaan) na naghahambing sa istilo ng pagsusulat ni Bob Ong kay Ginoong McCourt sa kanyang memoir.
0 comments:
Post a Comment